"Kaya pa?" wala sa sarili akong tumungo.
Did he just... confess?
Eli handed me something, pero hindi ko pinagtuunan ng pansin dahil hindi parin ako maka get over. Kakatapos lang pala naming kumain at nagpapahinga kami.
Bumalik na sa kanya-kanyang ginagawa ang mga tao sa loob, habang panay naman ang tukso nila Neil kay Kane. Ang apat naman na pinsan ni Eli ay umalis na ito, na ikinabusangot ng mukha nila Macey at Queen. I tighten my grip on what im holding. Wait! Gunting?
I look at Eli who gave me the scissor. "Gupitan mo na ang buhok mo ang haba na!" Then she giggled.
"Told yah!" Makahulugang sambit ni Angie.
Ang mabigat na damdaming nakadagan sa dibdib ko ay biglang nawala. What took him so long? Akala ko wala na talaga.
"Heh! Panira yang Kane na yan, ayan tuloy nasira diskarte ko" Himutok na sabi ni Macey na sinundan naman ni Queen.
"Nakoo! Lapitan niyo mamaya, single naman yung mga yun" Paglulubag ng luob ni Eli sa kanila. Bigla silang napatigil.
"Come again?" Nakatulala na sabi ni Macey.
"Yung lapitan niyo mamaya?" Eli gave them a puzzled look.
"Hindiii, yung isa" Nakatulalang sabi ni Macey. Realization hit Eli, bigla nalang itong natawa.
"Ahhhh, yung nako?" Pangaasar nito. Lumingon silang dalawa dito at sinamaan ng tingin.
"Yung single sila!" Natawa nalang ako sa pinaggagawa nila Macey.
"Alam niyo naman pala ba't niyo pa pinapaulit?" Hindi nila pinansin ang sinabi nito at ang kanilang mata ay nag huhugis puso. Basta gwapo ganyan yang mga yan.
"Ang sarap kasi sa ears" sabay na sabi nila na ikinatawa namin ni Angie ng malakas.
"Para kayong asong nauulol!" Sabi ni Angie habang naka hawak sa tiyan nito. Maluha-luha naman akong nagtahol na parang aso, pero mahina lang, nakakahiya kaya.
"Puntahan ko lang si Kirt." Magiliw na saad ni Angie. Nag paalam naman si Eli dahil aasekasuhin pa nito ang iba pang bisita.
"Sama kami!" Sabay tayo naman nila Macey at Queen. Nanlaki ang mata ko. Iiwan nila ako?
"Hoy! dito lang tayo." Kinakabahan ako, hindi ko kayang harapin si Kane dahil nahihiya ako.
"Hali na girl!" Hinawakan ni Macey ang wrist ko pero inagaw ko naman iyon.
"Dito nalang tayo pleasee" i beg them, pero sadyang demonyo talaga sila at hintak na ako, tumulong pa talaga si Queen.
Pero nagpumiglas ako at tumayo ng pormal para hindi halatang kinakabahan.
"Kirt!" Tawag ni Angie dito.
Napatigil sila sa kanilang pinagusapan dahil sa pagtawag ni Angie. Lumingon sila sa amin, alam kung nakatingin si Kane pero hindi ko siya kayang tinignan dahil namumula ang mukha ko.
"Sana allll!" Pakanta kantang sabi ni Queen habang naka tingin sa akin.
Umupo ito sa gilid ni Neil, si Angie sa gilid ni Kirt, at si Queen naman umupo sa gitna nila Daniel at Kane, pero umusog din ito sa kay Daniel leaving a space sa gilid ni Kane.
Mas pipiliin ko pang tumayo kesa naman umupo sa gilid ni Kane, awkward masyado pag umupo ako sa gilid nito.
"Una na ako, pinapauwi na ako ni mama" Sabi nito na ikinabahala ko.
"Huh? 3:30 pa ah!" Habang naka tingin sa relos ni Neil. Umiling ito at nag simula ng suotin ang sapatos na nasa gilid ng balconahe.
"Una na ako, Elie, thank you!" Kinawayan niya ito bago umalis.

BINABASA MO ANG
ISTLINYO
RomanceI chose to stay, I chose to love, I chose to be stupid for the man I love.