Chapter 1: His Confession

1.2K 68 1
                                    

"G-Gusto kita Kai."

Nanginginig si Acielle na nakakapit sa laylayan ng damit habang namumula ang buong pisngi. Nakatayo ito sa harapan nila na nasa likod ng basketball court ng kanilang pinapasukang eskwelahan.

"A-Anong sabi mo?"

Nanlaki ang mga mata ni Kaiden na halatang gulat na gulat sa mga sinabi nito. Hindi nya inasahan ang pag-amin nito dahilan para mapaawang ang kanyang mga labi.

"Hahahaha!! What the heck!! Seriously Fatty?! Wag mo sabihing bakla ka?!" anya ng kaibigan nyang si Rafael na malakas na tumawa.

"Nakakadiri sya pare!" dagdag naman ni Eric na tinapik ang balikat nya.

Napayuko lang ito sa sinabi ng mga kaibigan nya sabay pinagpapawisang ikinuyom ang mga daliri. Hindi nito pinansin ang mga sinabi ng kanyang mga kaibigan, napalunok ito at buong tapang na muli syang tiningnan.

"A-Ang totoo nyan, m-matagal na kitang gusto s-simula nung iligtas at ipinagtangol mo ako sa mga nangbu-bully sakin." anya nito na napangiti, "...a-ang bait-bait mo rin sakin. K-Kahit ganito ako pinili mo pa ring makipag-kaibigan at samahan ako... n-naisip ko na baka... n-na baka... m-may pag-asang magustuhan mo rin ako." nahihiyang dagdag ng bata.

Tila binuhusan si Kaiden ng isang baldeng malamig na tubig sa mga sinabi nito. Hindi nya alam kung ano ang dapat na sabihin nya, hindi nya kasi inakalang bibigyan ng ibang kahulugan nito ang pakikitungo nya rito.

"Hey Fatty Nerd! Kung iniisip mong magugustuhan ka ng kaibigan namin, nagkakamali ka. Ikaw na isang bakla? Hahaha! Nagpapatawa ka ba?! Umalis ka nga sa harapan namin!" anya ni Rafael na kinuwelyuhan at malakas na itinulak ito.

Agad na natumba naman ito sabay nalaglag ang suot na salamin.

Natigil siya sa pag-iisip sabay gulat na napatingin rito.

"Rafael tama na." awat nya sa kaibigan na hinawakan ito sa braso.

"Huh?! Wag mong sabihing ipinagtatangol mo pa ang nakakadiring baklang to? Yung totoo Kai, gusto mo rin ba sya?!"

Namilog ang mga mata nya sa sinabi ni Rafael. Nagsalubong ang kilay nya sabay nakakuyom na napayuko.

"Hindi." kalmadong tugon nya rito.

"Yun naman pala eh... hoy bakla! Umalis ka dito sa harapan namin kung ayaw mong masaktan!" pagbabanta nito kay Acielle.

Napatingin ito sakanya habang nakaupo pa rin sa damuhan, nagtama ang kanilang paningin ngunit agad din naman nyang iniwas ang mata mula rito.

"Tara na mga pare, baka mahawaan pa tayo ng sakit nyan!" anya ni Eric na inakbayan sya.

Tahimik syang sumunod sa dalawa at tinalikuran ang bata. Ilang sandali pa ay mabilis nya itong sinulyapan bago makalayo. Nahagip ng kanyang mga mata ang malungkot nitong ekspresyon habang hirap na hinahanap ang nalaglag na salamin.

Maya't-maya pa ay muli nyang iniwas ang paningin rito sabay mabilis na nilisan ang lugar na iyon.

*****

Si Kaiden Ricoblanco o mas kilala sa tawag na Kai ay nasa pangalawang taon na sa Highschool.

Gwapong bata, maputi at makinis na balat, may katangkaran ngunit maliit na pangangatawan. Labin-limang taong gulang at nag-aaral sa isang pribadong eskwelahan, ang Virginia Elleñico High School.

Kaklase at nasa parehong taon nya rin ang dalawang kaibigan na sina Eric Marvilles (15 taong gulang) at Rafael Gustarica (16 taon gulang). Mula pa nung nasa elementarya sya, ay kaklase at kaibigan nya na ang mga ito kaya naman matagal na silang magkaka-kilala.

Rebirth of Mr. FattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon