Chapter 4: Accident

467 45 6
                                    

".... sa susunod na mangyare ulit ito, masususpend na kayo. Sana malinaw na sainyo ang lahat ng pwedeng maging epekto nito hindi lang sa record kundi pati narin sa imahe nyo sa buong school. Hindi na kayo mga bata...alam nyo naman siguro kung ano ang tama sa hindi dapat na gawin lalo na sa mga edad nyo. Hindi magtatagal at tuluyan na kayong mga binatang magdedesisyon sa daang inyong patutunguhan, kaya sana ngayun palang ay isipin nyo kung ano ang magiging epekto ng pagiging padalos-dalos sa inyong hinaharap... /sigh~/ ... sana ito na ang huling beses na mangyayare 'to... Am I clear?"

Mahina ngunit sabay-sabay na sumagot ang limang estudyante sa loob ng opisina. Nakayuko ang mga ito ngunit pansin pa rin ang tensyon sa mga mata sa pagitan ng dalawang panig.

Napailing at buntong-hininga na lamang ang head disciplinarian sa inakto ng mga ito.

"Ok, you may go now.... oh, and by the way.. Mr. Ricoblanco... I want to talk to you." anya nito na ibinaling ang paningin kay Kai.

Napahinto si Kai sa aktong paglabas ng pinto at nakayukong nilingon ang matandang babae. Pinaupo siya nito sa mahabang sofa sabay naupo sa kanyang harapan.

"Kai... do you want to say something?" may pag-aalalang tanong nito.

Napaawang ang bibig niya sabay iniangat ang paningin rito, ngunit ilang segundo pa nga ay muli nyang iniwas ang mga mata rito.

" /sigh~/ I know it's not easy for you especially this kind of issue between you and your classmates. Kai, I know you're not a kind of an impulsive child. Alam kong may rason ka kung bakit mo 'to nagawa. Gusto kong malaman kung ano ang dahilan at pinagmulan nito."

Hindi niya sinagot ang ginang dahilan upang bahagyang tapikin nito ang balikat niya. Pansin nya parin ang pag-aalala sa mga mata sa kabila ng nakangiti nitong mga labi.

"Ayukong mangealam sa personal na problema ng mga estudyante sa eskwelahang ito pero sa kabila noon, ayuko rin na hayaang makasakit o makaapekto ang problemang iyon sa pag-aaral at lalong-lalo na sa buhay nyo. Gusto kong siguruhin na maging matagumpay ang bawat isa sa kabila ng hindi maiiwasang sitwasyong ito... ganun din ako sayo. I once promised your Mom to take care of you. Not because of our friendship but because for me, you're not only a child or a student that was part of this school who needed guidance from teachers....para saakin, parang anak na rin kita na minsang pinanood na lumaki at maging isang mabuting bata." anya nito na tiningnan siya sa mga mata, "kaya sana hayaan mong maging tagapakinig mo.... so... pwede ko bang malaman kung anong kinakaharap mong suliranin?"

*****

Sa loob ng canteen, nakayuko at tahimik na kumakain ng pananghalian ang matabang bata. Nanginginig ang mga kamay niyang iniangat ang braso hawak ang kutsarang puno ng pagkain.

Kaliwa't kanan niyang naririnig ang mga bulong-bulungang puno ng pangungutya. Mga sulyap sa kanyang kinauupuan na bakas ng pandidiri at kung anu-ano pa.

"Look who's here..."

"Pffftt.... so totoo nga, hindi lang siya pangit at mataba... nakakadiri rin siya..."

"Hahaha! Bakla!"

Sa ilalim ng mesa, nanginginig ang nakakuyom niyang kamay na nakapatong sa kanyang hita.

Sa kulay tsokolate at magandang mata na nakatago sa makapal na salamin, mapapansin ang unti-unting pagdilim ng kaibuturan ng kanyang puso.

Napapikit siya at pilit na pinigilan ang panginginig ng kanyang mga labi pati na ang mapanganib na pag-usbong sa kanyang kailaliman.

'Ayos ka lang ba? Sa mga nangyayaring ito, tuluyan mo na ba akong iiwasan? Pandidirihan mo rin ba ako katulad nila? IIWAN MO NA BA AKO?'

Rebirth of Mr. FattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon