Chapter 2: Friends?

942 61 17
                                    

Nakakalong-baba si Kai habang nasa kalagitnaan ng klase. Nakatingin sya sa labas ng katabi nyang bintana at malayo ang iniisip.

Hindi parin mawaglit sa kanyang isipan ang sinabi sakanya ni Acielle noong isang araw.

'Ano bang pumasok sa utak nya para sabihin yun.'

Napabuntong hininga sya sabay napapikit.

'Ah, di bale na! Susuko din sya, sigurado ako...'

(After 3 Hours - School Canteen)

Nakatayo si Acielle sa harapan nya dala ang 'food tray' na puno ng iba't-ibang klase at mamahaling pagkain. Nakatingin ito sakanya at naghihintay ng sagot mula sa kanyang bibig.

Hindi nya inaasahang magpapakita parin ito matapos ang nangyare. Naglakas loob parin itong lapitan at kausapin sya kahit na kasama nya ang dalawang taong lubos na kina-aayawan ito.

Matatalim naman ang titig ng dalawa nyang kasama na sina Eric at Rafael na halatang pinipigilang wag sigawan ito sa loob ng canteen.

"A-Ayos lang ba Kai na s-sumabay ako sainyo?" muling tanong nito sakanya habang pinagpapawisan at nanginginig ang mga kamay.

Hindi nya alam kung anong isasagot rito lalo pa't sigurado syang magagalit ang mga kaibigan nya.

Tiningnan sya ni Rafael na tila nagsasabing 'huwag na huwag nya itong papayagang sumabay sa kanila'. Ito rin ang ipinapahiwatig ng mga mata ni Eric na tila nandidiri parin sa batang kaharap nila.

Napalunok sya sabay tiningnan si Acielle. Binasa nya ang kanyang mga labi at marahang nagsalita.

"Pasensya na Acielle, pero pwede bang humanap ka nalang ng ibang makakasabay?" anya nya rito na hindi tumitingin sa mga mata nito.

Napangiti naman ang dalawa nyang kaibigan sa sinabi nya.

"Hoy Fatty! Wag ka ngang feeling close, hindi porke't naging mabait lang sayo si Kai ay matatanggap ka na rin at kakaibiganin namin." sabi ni Rafael dito.

"Isa pa, hindi kami tumatanggap ng bakla sa grupo. Tsk, tabi ka nga dyan! Nakakadiring bakla!" singit naman ni Eric na bahagyang itinulak ito sa isang tabi.

Napaatras naman ito at muntik ng mawalan ng balanse. Mabilis nitong naitukod ang isang paa ngunit hindi pa rin nakaligtas ang uniform nito na natapunan ng juice na nakapatong sa tray nito.

Napakunot-noo sya ngunit wala syang magawa kundi ang magbulag-bulagan sa nangyare.

Napatingin ito sakanya ngunit mabilis nyang iniwas ang paningin mula rito.

"T-Tama na.. Tara na mga pre, kumain na tayo." anya nya sa mga kaibigan.

"Sige pre... Hoy fatty! Wag na wag ka ng lalapit samin ha?! Kung hindi malilintikan ka talaga, tandaan mo yan!" pag-babanta ni Rafael dito.

Hindi ito sumagot at nakayuko lang na nakatayo sa isang tabi. Hindi nya alam kung ano ang iniisip nito ngunit ramdam nya ang takot base sa panginginig ng mga daliri nito.

"Tara na mga pre! Wag nyo ng pansinin ang baboy na yan."

Ilang segundo pa ay tinalikuran na nila ito, ngunit muli nya itong sinulyapan bago makalayo sila rito.

Tahimik na pinupunasan nito ang uniform habang nakayuko parin at maya't maya pa nga ay humakbang na ito palayo sa lugar na iyon.

*****

Rebirth of Mr. FattyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon