Chapter 14: Mission Accomplished!

2 1 0
                                    

MELANIE'S POV

<< FLASHBACK >>

Nung mga oras na nakatayo ako sa kanilang dalawa, aminado akong kinakabahan ako. Kinakabahan ako dahil sa takot na baka kung ano uli ang gawin nila sa akin. Pero naglakas-loob akong tumayo at magpakita sa kanila, para sa ikabubuti ng aking minamahal na si Chris.

Nagulat ako. Imbes na katakutan ko sila ay sila ang natakot sa akin. Kaya't naexcite ako. Nawala yung kaba na bumabalot sa akin kanina, at dahan-dahan kong nilapitan si Chris, sabay niyakap.

Bago ako tumayo, sinigurado ko ng planado ang lahat. Tulad ng ginawa ni Chris na paglilihim ay hindi ko rin sinabi sa kanya ang plano ko. Palihim kong tinawagan ang mga pulis. Sinabi ko na andito na ang mga lalaking nakatakas sa kulungan. Handang-handa na ang lahat, at ayun ang hindi alam ng dalawa.

<< End of Flashback >>

----------------------

Samantala, halos hindi na makagalaw sa kanilang inuupuan sina Gary at Nico. Natulala na lamang sila habang iniisip ang nangyari sa kanila kanina.

"Dapat boss ay hindi tayo nagpauto sa mga yun. Malay mo, ginagamit lang ng babaeng yun ang mukha ng pinatay natin para matakot tayo."

"Nico nahihibang ka na ba? Iniisip mong nakamaskara yung babae eh hindi naman diba? May sayad ka na ata sa utak eh. Basta, nakakagulat yung pagkabuhay niya. Ang dami kong binigay na saksak sa katawan niya tapos ganun-ganun na lang?"

-----------------------

"Sobrang saya ko Melanie. Ginagaya mo ako sa ginawa ko sayo ah. Akala ko katapusan ko na," ang tugon ni Chris habang yakap-yakap si Melanie.

"Ano ka ba Chris, hindi ko hahayaan yun no. Ang sabi nga natin noon diba na sa akin ka lang, at sayo ako," sagot ni Melanie.

Sumama na sila sa sasakyan ng pulis at nagpahatid na silang dalawa sa kanilang bahay.

Habang sila ay bumibyahe pa, kinausap ni Chris si Melanie.

"Ngayong natapos na ang lahat ng ito Melanie, wala ka bang balak na magpakita man lang sa pamilya mo? Kila tita at tito?" tanong ni Chris.

"Alam mo Chris, hindi pwede eh. Diba sinabi ko na sayo yung rason ko?"

"Pero maiintindihan ka naman ata niya (sabay turo sa taas) diba? Magulang mo sila kaya panigurado akong maiintindihan ka nila."

"Ewan, oo, gustong-gusto ko na silang makita. Natatakot ako sa posibleng maging kaparusahan sa akin kung lalabagin ko sila," ang sagot ni Melanie.

Niyakap ni Chris si Melanie dahil nalulungkot na naman ito.

"Ok lang yan. Ako nalang ang dadalaw sa kanila ah. Sasabihin ko na nami-miss ka na ng kais-isa mong anak na babae," tugon ni Chris habang nakayakap kay Melanie.

"Nais ko ring ibigay mo ito sa kanya," sagot ni Melanie sabay dukot sa bulsa nito.
"Heto yung mga naipon ko sa pagtatrabaho ko bilang janitor. Pwedeng paabot nalang sa kanila yan. Kahit papaano ay kahit konti ay nakatulong ako sa kanila," ang pakiusap ni Melanie sabay abot sa pera kay Chris.

"Sige. Pagkatapos nito, magsaya tayo sa bahay ah," sagot ni Chris. Tumango naman si Melanie, tanda ng pagsang-ayon nito.

<< FLASHBACK >>

MINA'S POV

Lingid sa kaalaman ni Chris, nung araw na pumunta siya sa bahay ay gusto ko sanang tanungin, kung saan siya nakatira. Eh dahil sa nahihiya ako, may plano na lang akong ginawa.

Nung nagpaalam na siya sa akin ay nagpalipas muna ako ng limang segundo. Maya-maya ay lumabas na ako. Medyo malayo-layo na ang kaniyang nalalakad pero hindi ako nagpaawat. Sinundan ko siya para malaman ko kung saan siya nakatira.

Tumagal ng kalahating oras ang lakad naming iyon at sa wakas, narating na rin ni Chris ang bahay niya. Masaya ako dahil malapit lamang sa aming bagong bahay ang tinitirhan din ni Chris kaya hindi ko na mararanasan pa ang maglakad ng kalahating oras papunta sa kanila.

Dahil sa malapit na ang kaarawan niya, gusto namin siyang sorpresahin ng asawa ko at ng anak kong si Joshua. Kahit na hindi namin siya kaano-ano ay parang kapamilya na ang turing namin sa batang ito. Ito ang aming isusukli sa mga kabutihan niyang nagawa sa amin.

Sa nalalabing apatnapu't dalawang araw ni Melanie, may bisita siyang hindi niya inaasahan.

<< End of Flashback >>

To be continued...

The Comeback Project ✅Where stories live. Discover now