Page 10

395 17 0
                                    

Hindi ko alam kung anong araw na nga ba ngayon dahil sa mga lumipas na araw ay halos nasa loob lang ako ng bahay. Tuwing tanghali ay nag kukusa akong maglaba o kaya naman ako ang mag huhugas ng mga pinagkainan ng mga kakain.

Parang kailangan ko munang mawala sa kwento para maging maayos ang lahat. Masyado ko na atang nagugulo ang takbo nito.

Napag tanto ko na tuwing nakikisali pako, lalong nagiging magulo ang kwento. Hindi dapat ako nakikisali sa mga kaganapan na dapat nasa gilid lang ang karakter ko.

Ang kailangan ko nalang gawin ay mag hintay dito sa loob ng bahay. Hayaan silang mainlove sa isa't isang lahat at lumbas pag araw na ng kamatayan ni Euphy para siguradong ako ang mamatay at hindi si Carlos.

Kasalukuyan akong nag huhugas ng mga plato. Dahil sa naguguluhan ako sa mga nangyayari ay minabuti kong dito mag hugas sa likod bahay at hindi sa kusina. Nag tataka pa nga si Lola Dolor dahil bakit sa poso ko daw mas gustong mag hugas kahit may gripo naman sa kusina.

Isang beses kasi habang nag huhugas ako sa likod ay narinig kong hinahanap ako ni Carlos kay Lola Dolor mula sa bintana. Kung dun pa din ako sa kusina mag huhugas baka makapuslit ang kahit sino sa mga main character at makita ako.

Kaya sinabi ko kay Lola Dolor na masmabuting sa likod na muna ako mag hugas ng plato para ay makatipid kami sa babayarang tubig.

May isang malaking palangana sa harap ko, nakaupo naman ako sa bangkito. Abot ng kamay ko ang hawakan ng poso. Nakakangalay at gusto ko nalang mag hugas sa lababo pero mas ayos na to kaysa magulo ko pa ang kwento.

Hinihila ko pa baba ang poso para mag labas ng tubig. Kailangan tatlong hila ito pababa para mag labas ito ng tubig na sakto para sa huhugasan ko.

Sa sobrang ngalay dahil sa kanina pako nag hihila pababa ng poso ay hindi nako makahanap ng lakas para itulak ito paibaba. Sana mag paper plate nalang kami.

Mag papahinga na muna sana ako at iinom ng tubig sa loob pero napatingin ako sa poso nang makitang may lumalabas na tubig mula sadito. Tinignan ko kung sino ang nag papalabas ng tubig at nanlaki ang mata nang nakitang si Enrique ito.

"Magandang tanghali, Euphemia." Sabi niya habang ngiting ngiti.

"Ma-magandang tanghali din." Sabi ko at ngumiti ng kakaonti.

Hindi ko alam kung anong irereact sa kaniya. Gusto ko sanang tumayo at magdahilan na may gagawin pa ako sa loob pero naalala kong hindi din kinaaayos ng kwento ang pag iwas o di pag pansin ko kay Enrique.

"Kung gusto mo tulungan na kita?." Tanong niya, tumango naman ako dahil bukod sa hindi ko siya dapat iwasan ay napapagod na rin talaga ang kamay ko.

Itinaas na niya hanggang siko ang kaniyang suot na long sleeves at umupo sa malaking bato na kasing taas lang ng bangkito.

Napangiti nalang ako nang makitang ngumiti din siya. Hindi ko maitatanggi na gwapo si Enrique. Iba ang uri nila ng pagkagwapo nina Carlos. Si Enrique ay halatang warm ang personality. Hindi ganon ka puti dahil sa trabaho pero mukhang soft lahat ng features ng mukha niya lalo ang mata, hindi gaya ni Joaquin na maiintimidate ka sa mga bawat tingin niya. Ang ngiti niya at ngiti Carlos ay mag kaiba, hindi ko malaman kung anong iba pero may iba sa ngiti ni Carlos na parang siya lang ang nakakagawa. Si Carlos lang.

"Sorry nga pala at hindi ako nakadalaw ng mga nakaraang araw. Pagkatapos mo masugatan, may mga inuutos kasi sa Hacienda ng mga Buenavista at sa liga." sabi niya pagkatapos niya iabot saakin ang mga platong nabanlawan na. "Hindi din ako sayo nakalapit nong araw na iyon, dahil inutusan ako ni Carlos na kausapin yung mga taong nakakita sa ginawa ni Sally." Ngumiti nalang ako at tumango.

In Any Life Time, Sinta (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon