Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko ay maganda ang araw na nag aabang saakin ngayon. Bumangon ako sa pag kakahiga at agad naligo. Hindi nga ako nakapag painit ng tubig kaya malamig ang napangligo ko. Ayos na din lalo na't nakatulong naman iyon para maginhawaan ako.
Nag suot ako ng isang off shoulder dress na kulay puti at itiniritas ang ngayong mahaba kong buhok, triniman ko ng konti dahil sobrang haba na talaga. wala naman akong ibang gagawin at dito lang naman sa bahay, pero bawal bang mag bihis habang nasa loob lang ng bahay?.
Nag lagay din ako ng baby powder na binili ko dati at konting gloss. Ten na ng umaga nang matapos ako mag ayos. Lumabas ako ng kwarto at tumakbo sa kwarto ni Lola. Wala
kasing salamin sa kwarto.Pag pasok ko sa kwarto ni Lola ay wala na siya. Nabanggit niya kasi na mag luluto siya sa baba at bumaba na daw ako dahil nakahilata nanaman daw ako.
Umikot ikot ako sa salamit habang pinapasabay sa hangin ang dress na ito. Buti nalang at itiniritas ko ang buhok ko. Nakakamiss din pala talaga mag ayos.
Nag bukas ang pinto, kaya hinarap ko si Lola habang ngiting ngiti.
"Ang ganda ko ba—." Natigilan ako nang makita si Joaquin na nakangiti ngayon saakin.
"Inutusan ako na kunin to." Sabi niya at kinuha ang balabal na nakalagay sa kama ni Lola. "Bumaba ka na daw, kakain na." Sabi niya at nauna na akong lumabas.
Akala ko noon ay mas magandang nakangiti si Joaquin, pero hindi ko naman akalain na hindi ko kakayanin makita siyang nakangiti ng ganon sa pang araw araw.
"Oo." Nasa hagdan na kami nang lingunin ko siya dahil nag salita siya. "Maganda ka ngayon."
Hindi ko alam pero naestatwa nalang ako sa kinalalagyan ko habang natatawa siya ng kaonti habang nauna na saakin bumaba.
Bwiset ka Joaquin.
Nang makarating ako sa hapag ay nakita kong nakahain ang sinangag na kanin at mga pritong ulam, nakaupo na si Joaquin at si Lola. Nang mahagip ako ng mata ni Lola ay agad itong nag salita.
"Saan ka nanaman pupuntang bata ka?." Tanong niya saakin at banggit sa suot kong damit. "Huli ka na ngang naka uwi kagabi at ngayon ay aalis ka nanaman."
"Wala akong pupuntahan La." sabi ko at umupo na sa tabi niya. Nahagip ng mata ko si Joaquin na nakatingin saakin kaya iniwas ko agad ang tingin ko.
"Nako, siguraduhin mo lang at baka may kinakatagpo ka ng nobyo." Naubo ako sa sinabi ni Lola, kaiinom ko lang ng tubig nang marinig ang sinabi niya.
"Jusko kang bata ka!." Sabi niya habang hinahapo ang likod ko. "Lola naman kasi eh!." Sabi ko at tinaasan ng kilay si Lola.
"Papayagan naman kitang mag nobyo, pero sana ang ipapakilala mo saakin ay manliligaw muna hindi yung nobyo na agad." Sabi ni Lola at tinignan ako na ngayon ay parang natatae, paano ba naman kasi ay pinag uusapan namin ang ganitong bagay sa harap ni Joaquin na ngayon ay nakayuko at pinipigilan ang tawa.
"Ayoko na magaya ka sa anak ni Susana, nako nakita ba naman niya ang anak niya na nakikipag halikan sa gitna ng gabi sa labas ng bahay nila. Nako, ni wala ngang pinakilalang nobyo." At tuluyan na nga akong nabulunan ng dahil sa sinabing iyon ni Lola, iniiwas ko na ang tingin kay Joaquin dahil hindi ko na alam kung paano ko pa siya haharapin ngayon. "Nako, mahuli kitang ganon. Talagang mauubos yang balat mo sa singit."
"Lola!."
"Euphemia." Hindi ako tumitigil sa pag lalakad. Basta ang alam ko ay hindi dapat ako maabutan ni Joaquin na ngayon ay nakasunod saakin.
Kanina pa ako pulang pula sa hiya dahil sa mga sinabi ni Lola. Grabe hindi ko akalain na magagawa kong mapahiya ng ganon sa harap ni Joaquin. Kasalanan ko ba na ng halik siya kagabi. Isumbong ko kaya siya.
BINABASA MO ANG
In Any Life Time, Sinta (COMPLETE)
RomanceManunulat ang kaibigan ni Siobhan na si Audrey; alam niyang magaling ito sa pag susulat lalo sa mga kwentong may malulungkot na ending. but little did they know na habang nasa isang resort sa probinsyang malayo sa kinalakhan nilang syudad, kasama an...