Bawat hakbang ko papalapit, parang isang malaking hampas sa dibdib ang natatanggap ko. Malamig ang hangin at maamoy mo ang amoy ng dagat mula sa malapit.
Madilim ang paligid dahil patay na halos lahat ng ilaw sa mga bahay na nadadaanan ko, pero nakakamangha na maliwanag ang kalangitam dahil sa dami ng bituwin at sa liwanag ng buwan na parang hindi nahihiyang ipakita ang liwanag na dala niya.
Humangin ng malakas na naging dahilan ng pag tigil ko sa pag lalakad. Napapikit ako dahil may mga buhangin na maaring pumunta sa mata ko. Inayos ko ang pagkakapatong ng bandana sa balikat ko.
Nanginginig man ang binti at mga kamay ko pinilit kong maglakad pa, alam kong hinihintay pa din niya ako hanggang ngayon.
Buo na ang pasiya ko at alam kong hindi na mag babago yun, si Joaquin ang pipiliin ko sa kahit anong pag kakataon. Kahit hindi na ang sarili ko.
Tinatahak ko ngayon ang daan patungo sa liblib na parte ng pangpang, kung saan sinabi ni Joaquin na magkita kami.
Tanaw ko ang likod niya ng makatapak na ako sa puting buhangin malapit sa dagat. Kitang kita ko ang puti niyang braso na nakapatong sa lamesa na gawa sa kawayan.
Mapapangiti nalang talaga ako sa pag iisip na hinihintay niya ako.
"Joaquin..." Mahina lang ang pagtawag ko sakaniya pero alam kong maririnig niya iyon. Walang ibang tao at sadiyang tunog lang ng paghampas ng mga alon ang maririnig mo.
Agad akong nilingon ni Joaquin. Hindi siya ang klase ng tao na ipinapakita sa iba ang nararamdaman niya, pero malayong malayo ito sa Joaquin na kaharap kongmay halong pagkagulat at saya ang mga mata nang makita ako.
Gusto ko siyang sabayan sa pag ngiti niya. Sabayan sa pagiging masaya sa pag aakalang magiging masaya na kami.
"Dumating ka." Sabi niya at hindi makapaniwalang ngumiti saakin, dahan dahan akong tumango habang nakangiti sakaniya.
Agad niya akong hinila papalapit sakaniya para bigyan ng isang yakap. Ramdam ko ang mga kamay niyang hinahagod ang likod ko kaya katulad niya'y mas idiniin ko ang sarili ko sakaniya.
Dito ko gusto, kahit walang kasiguraduhan sa mga susunod na mangyayari mas pipiliin ko padin na dito manatili sakaniya. Paulit ulit na si Joaquin.
"Salamat." Nakapaon ang kaniyang mukha sa leeg ko, naramdaman ko pa ang labi niyang dumadampi sa balikat ko na ngayon ay hubad dahil sa bumaba ang pagkakalagay ng balabal. "Hindi ko akalain na dadating ka, pero salamat."
"Hinding hindi mo pag sisisihan ang pag pili saakin." Hindi ako mag sisisi at ikaw ang pipiliin ko sa kahit anong buhay?.
Hindi ko napigilan na madiin ang pag kakaakap ko sakaniyang likod at tumulo ang mga luhang kanina pa nag babadiya.
Alam kong nararamdaman niya ang pag iyak ko, ramdam niya ang pag taas baba ng mga balikat ko, ang mahihinang hikbi at pag tulo ng mga luha sakaniyang dibdib.
Ilang minuto na kaming magkayakap pero kahit isa saamin ay walang may gustong kumawala.
Parang may gumuguhit na patalim sa dibdib ko sa takot na baka pag binitawan ko siya ngayon ay hindi ko na muli siya mahahawakan. Natatakot ako na pagtapos ng gabing ito maaring kahit matignan ang mukha niya ay hindi ko na makita.
"Wag ka ng umiyak." Sabi niya habang hinahagod ang likod ko at iniangat ang mukha mula sa pag kaka subsob sakaniyang dibdib. "Pinili mo ako, yun lang ang kailangan ko mula sayo." Hinalikan niya ang noo ko at muling tinignan ang mga mata ko. "Ako ng bahala sa lahat, basta't alam kong nasa tabi kita."
Nginitian niya ako, pinunasan ang mga luha ko. Diretso ang mga mata niyang nakatuon sa mga mata ko. Parang gusto niyang malaman ko na wala ng mangyayari pang makapag hihiwalay saamin dahil siya na ang bahala sa lahat.
BINABASA MO ANG
In Any Life Time, Sinta (COMPLETE)
RomanceManunulat ang kaibigan ni Siobhan na si Audrey; alam niyang magaling ito sa pag susulat lalo sa mga kwentong may malulungkot na ending. but little did they know na habang nasa isang resort sa probinsyang malayo sa kinalakhan nilang syudad, kasama an...