Inubos ko ang in-order ko at ganun rin si Sad. My crush, the waiter is busy. Di ko na siya ulit nakita. Malawak ang cafè eh.
Is this his part time job? Yesterday kasi naka uniform siya, and based on his uniform, college na siya. He's older than me! And turned on pa ako. Mas naa-attract kasi ako sa mas matanda sa akin!
"Ang sarap rito, dito nalang tayo lagi!" Sadhea said when he finished his cake.
"Yeah!" I giggled.
"Naku, di dahil sa pagkain kaya ka rito kakain lagi! Tigilan mo ko," she laughed. "Dahil sa crush mo yan noh? Landi nito." Tumawa rin ako.
"Judgmental talaga!" I teased kahit na totoo naman sinabi niya.
First time akong naging interesado ng ganito sa lalaki. Legit crush na ba 'to?
Sad's phone rang, sinagot niya ito.
"Ha? Ngayon na talaga?" Tumingin siya sakin at mukhang nagwoworry. "Okay, okay. Bye," napapikit siya at bumaling sa akin.
"Who was that?" I asked.
"Si Kaila, Mommy wants to see me daw." Nagkibit-balikat siya.
"Kaila?" Tumaas kilay ko. Who's she?
"Our cousin, di mo kilala kasi di ka naman ganon kaclose sa mga pinsan natin." Tumungo siya.
"Ah, okay." I pouted. "Sige na. Go to tita na."
"Huh? Paano ikaw? Maiiwan ka dito?" Tumaas kilay niya.
"No, siguro punta akong mall, I wanna shopping." I chuckled. "It's been a while din nung last na shopping ko." Nanliit mata niya.
"Are you sure?" Tumango ako "Mahirap magshopping ng walang kasama, boring yun."
"Duhh! I can manage myself noh! Sige na, Tita have an important na sasabihin sayo siguro that's why she wants to see you!"
Di naman kasi talaga ipapatawag si Sad kung walang kwentang bagay lang 'yon.
Nakatira si Sad samin dahil wala rin naman siyang kasama sakanila like me. Our parents is super busy in our business. Halos wala sila lagi sa bahay kaya naisipan namin na sa amin nalang tumira si Sad para di masyadong nakakalungkot for us.
"Okay, okay," she gave up. "Sorry, Andro! Bawi ako next time ha?" She kissed my cheek.
"Borrow kuya Royo nalang!" Umiling siya agad.
"I just take a grab or taxi nalang. Ikaw ang sumakay kay Manong Royo dahil di ka naman marunong magcommute!" Tumayo na siya at nilagay na ang bag niya sa shoulder niya.
Ngumuso lang ako, natawa siya sa itsura ko.
"Oh sige na, ingat Andro ha?!" Nagflying kiss pa siya at umalis na.
"You too,"
Tinanaw ko naman siya palabas ng cafè at nakita ko siyang pumara ng taxi at sumakay na.
She's really like my ate. Lahat ng di ko kayang gawin, kaya niyang gawin. I'm like a baby na kailangan pa ng kasama para sa lahat ng gagawin ko. I'm happy because Sad is always there for me. I smiled.
Tinaas ko ang kamay ko at nanghingi ng bill. I paid for us and then left. Di ko na ulit nakita si Renzo. He's really busy in café siguro or baka tapos na ang shift? I don't know. Di ko naman siya nakitang lumabas o ano.
Manong Royo drive me to the mall. Like I said, magshoshopping ako.
Pumunta agad ako sa book store and naghanap agad ng fiction books. Kumuha ako ng ilan at nilagay sa basket ko. I get some papers and ballpen din for school, para may stock pag nawalan kami ni Sad.