Chapter 23

208 10 0
                                    

Kakabalik lang namin dito sa bahay ni Lola pagkatapos namin sya ihatid sa huling hantungan.


Masakit parin para sakin pero unti unti ay natatanggap ko na dahil mas mabuti na iyong payapa na sya kaysa nandito sya at mag hirap.


Dahil sa katandaan ay hindi na kinaya ng katawan nya.


Nakakalungkot na sa mismong Birthday ko pa sya nawala. Hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang mag celebrate ng birthday ko sa mga susunod pa dahil sa nangyari.



Nandito ako ngayon sa kwarto nya. Simula ng dumating ako dito ay sa kwartong ito ako natutulog kapag dinalaw nako ng antok.


Ang mga unan nya ang aking palaging yakap. Pakiramdam ko ay yakap yakap ko parin sya. Aalis na ko mamaya babalik nako sa Apartment dahil kailangan kong mag aral.



Napalingon ako sa Pintuan ng bumukas iyon at nagulat ako ng makita ko si Mama na pumasok sa loob. Pinanood ko sya na dahan dahan isara ang pinto bago ako nilingon.



"Anak." nag iwas ako ng tingin sa kanya. Simula ng dumating ako dito ay ilang beses syang nag subok na kausapin ako pero hindi sya nag tagumpay.



Galit ako sa kanya dahil sa kanya nag simula ang walang tigil na sakit na nararamdaman ko ngayon.



"Patawad." hindi man ako nakatingin sa kanya ay alam kong umiiyak na sya.


Nakaupo ako sa kama habang inaayos ang gamit ko. Nakabihis lang ako ng simpleng maong pants at plain vneck shirt tsaka white sneaker.



"Alam kong sobra kitang nasaktan at sana mapatawad mo ko." sinserong sabi nya pero hindi ko sya matingnan.



"Anong ginawa kong mali sayo? Masama ba akong anak?" nakatingin lang ako sa paa nya dahil hindi ko sya kayang matingnan sa mata.



"Wala, Hindi!" agad nyang sagot sakin na garalgal parin ang boses.



"kung ganon Bakit? Kasi wala akong mahanap na dahilan para gawin mo iyon. Hindi porket nanay kita ay gagawin mo na sakin 'yon!" agad kong naramdaman ang galit sa puso ko.




"Nagawa mo akong paalisin at itaboy na parang aso!" tiningnan ko sya sa mata. Sakit at Galit yun lang ang nararamdaman ko ngayon.



"Patawad." wala syang ibang masabi kundi iyon. Napayuko sya at nakita kong tumulo ang luha nya kaya naman tumulo din ang luha ko at mabilis ko iyon pinunasan.




"Wala kang awa! Sa bagay hindi mo naman ako anak kaya napakadali sayong gawin iyon." nasasaktan man ay nagawa ko paring sabihin iyon. Mas lumakas ang pag iyak nya. Hindi ako makaramdam ng awa ngayon.



"I did not expect that you will be the first person." napapailing na sabi ko.



"Who broke my heart." halos bulong nalang ang  mga salitang iyon na lumabas sa bibig ko.



"I can't believe na ang unang taong dapat kong takbuhan ay ang unang taong tatalikuran ako." hindi ko naisip na mag kakaron ako ng pag kakataon na sabihin ito. Nakatingin na kami sa mata ng isa't isa parehas na lumuluha at parehas na nasasaktan.



"At ang masakit? Yung taong palaging nanjan sa tabi ko at hindi nag sawa na mahalin ako ay wala na." lumakas ang hikbi ko. Napahawak muli ako sa dibdib ko. Alam ko namang tanggap ko na nawala na sya pero yung sakit hindi mawala.



"Hindi pako handa na mapatawad ka. Masyadong masakit yung mga naranasan ko dahil sayo!" mabilis kong kinuha ang mga gamit ko tsaka nag mamadaling lumabas.



Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now