Chapter 15

206 9 0
                                    



Mabilis na lumipas ang araw. Malapit na ang bakasyon kaya madami na kaming kailangang gawin na paper works. Halos patayin na kami sa acads. Quizzes, Exams, Activities, performance task sabay sabay grabe halos di nako makahinga sa daming gagawin.


Kakapasa ko lang lahat ng mga kailangan ipasa exams nalang ang huli. May isang linggo kami bago ang exam para ipasa ang lahat. Tatalong araw nakong may lagnat kahit na anong inom ko ng gamot ay hindi nawawala.



"Baks eto pag kain mo ngayong lunch then gamot mo. Sabi ni Vincent ay sya ang mag dadala ng dinner mo." hindi nako makatayo ngayon. Pangalawang araw nako dinadalan ni Jay ng lunch at gamot.



Pagkabigay nya ay pumasok na sya sa school. Sobrang nag papasalamat ako sa kanila dahil hindi nila ako pinabayaan. Alam nilang mag isa lang ako dito kaya naman wala akong aasahan kundi ang sarili ko.


Nung dinner na ay idinaan lang ni Vincent ang pagkain at gamot ko tsaka umalis. Ganon lang hindi na kami katulad ng dati na sobrang sweet. Alam kong may nag bago pero takot parin ako mag salita at yung mga gusto nya ay ginagawa ko parin para wala ng away.


Bago ako matulog ay kumatok pa dito yung may ari ng apartment dahil baka daw patay nako dito sa taas ng lagnat ko kaya time to time ay inaakyat ako nila dito.

Di ako nakatulog buong gabi dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko halos maiyak ako dahil hindi ko na kaya. Tinawagan ko na si Papa at sinundo nila ko nung madaling araw para dalhin sa bahay.


Pag uwi namin ay hindi umalis si Papa sa tabi ko. Sa kwarto ko sya natulog para bantayan ako. Pinupunasan ako para bumaba yung lagnat ko pero walang nangyari hanggang sa mag umaga ay ganon parin. Pero naging kalmado nako dahil sa alaga nya.


Napakasarap sa pakiramdam na alagaan nya ko. Pakiramdam ko ay mas nagustuhan ko pa na ganito nalang ako dahil nandito si Papa.

Nung umaga na ay dinala nila ako sa hospital para mag pacheck na dahil nga hindi ako mawalan ng lagnat.


Kinuhanan ako ng Urine, dugo at Bp. Pero sobrang hilo ko na talaga.

"70/40 sir pang confine na po sobrang baba po ng bp nya." hindi ko na halos maintindihan yung sinasabi ng doktor.


Basta alam kong hawak ni papa yung kaliwang kamay ko at nasa harap ko sya habang may tao sa kanang kamay ko na hinahanap yung ugat ko para sasaksakan ng dextrose.


Gusto kong ipikit na ang mata ko sa sobrang hilo. Naramdaman ko na nag kakagulo na yung tao sa paligid ko hanggang sa mapikit na nga ako.

Paggising ko ay mag gagabi na. Nakita ko agad si Papa sa tabi oo kaya napangiti ako.

"Kamusta ang pakiramdam ng Prinsesa ko?" malambing na tanong nya na mas nakapag pangiti sakin.

"Okay naman po." namamaos na sagot ko.


"may UTI ka kaya kailangan kang i-confine muna dahil sobrang dehydrated ka." napatango naman ako.

Napatingin ako ng dumating si Kuya Chris at Wayne. May dala silang unan tsaka pumwesto sa sofa.


"Sila mag babantay sayo ngayon kailangan kong umuwi. Bukas ng umaga ay ako naman." tumango ako sa sinabi ni papa.


Natulog ako ulit dahil sa sobrang pagod siguro ay naubusan talaga ako ng lakas dahil sa mga nangyari nung nakaraang araw.

"Pagaling ka agad, ayokong pumapasok sa Ospital." parang nandidiring sabi nya kaya natawa naman ako. Umaga na at nandito nadin si Papa kaya sila naman ang uuwi.

Halos tatlong araw ang ganong routine nila. Hindi ko alam kung may nakapag sabi ba sa mga kaibigan at kay Vincent ng lagay ko.

Pag uwi ko sa bahay ay nag pahinga parin ako. Bumalik na sila Papa pati si Kuya Chris sa manila kaya naman nakaramda ulit ako ng konting lungkot.


Agad kong kinuha ang phone ko para tingnan kung may nag hanap ba sakin sa tatlong araw kong nawala.

Agad kong nakita ang madaming chats ng mga kaibigan ko nag sesend sila sakin ng mga notes para reviewer bukas na kasi exam namin. Mamaya mag rereview nako.


Pero ng tingnan ko ang Convo namin ni Vincent ay ako pa yung huling chat na hindi pa nya nasiseen.



Kung namatay pala ko sa loob ng tatlong araw na iyon ay wala syang pake. Nakaramdam ako ng inis dahil don. May karapatan siguro akong magalit.


Pero baka busy sya kaya hindi nya ko naalala. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil pilit kong pinapalakas ang loob ko at pinapakalma ang sarili ko dahil kay Vincent.


Natapos ang exam pero hindi sya nag paramdam halos isang linggo na syang hindi nag paramdam. Hindi sumasagot sa mga text at tawag ko. Napakabusy nya.


Kaya naman naisip ko na pumunta sa school nya. Nang makarating ako don ay nag hintay ako sa pathway hindi ko kasi alam kung saan sya hahanapin dahil sa lawak ng school.


Pero dahil swerte ako nakita ko sya sa kabilang pathway naglalakad at nakikipag tawanan kasama ang isang babae. Maganda, maputi at mukang nag eenjoy sya na kasama iyon.


Agad kong kinuha ang phone ko para tawagan sya dahil nakita kong hawak nya yon. Tiningnan nya ang phone nya tsaka sya tumingin sa kasama nya. Naramdaman ko ang sakit sa puso ko ng hindi nya iyon sinagot at inilagay nya lang sa bag nya tsaka nag lakad ulit.


Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko lang dahil maraming tao. Agad akong nag lakad pasunod sa kanila. Mukha akong tanga na nasalikod nila na nakasunod habang pinapanood ko silang nag tatawanan. Huminto sila ng makarating sa kanto na sakayan ng jeep pauwi sa kanila.

"Babe." nilakasan ko ang loob ko para hindi mahalata sakin na gusto kong umiyak. Agad naman syang napalingon sakin at gulat na gulat ng makita ako.


"Alexis." hindi makapaniwalang sabi nya sa pangalan ko. Hindi na babe kinagat ko naman ang labi ko. "Anong ginagawa mo dito?"


"Hindi ka kasi nag paparamdam nag alala ako." lumunok ako bago ko lingunin ang kasama nya na nakatingin lang sakin na parang walang idea kung sino ako.


"Mauna kana Jein." sabi nya sa babae at tumango naman ito tsaka sumakay sa humintong jeep.

"Tara don, baka may makakita satin." gusto kong matawa ng mauna syang mag lakad papunta sa may gilid ng puno na konti lang ang tao. Kanina ay hindi nya naisip yon nung kasama yung babae na yon. Tapos ngayon na ako ang girlfriend nya ay matatakot sya?


"Bakit?" hindi ko alam kung anong isusunod ko sa tanong ko.

"Look busy ako kaya hindi nako nakapag paramdam sayo alam kong ganon ka din." para bang hirap na hirap syang ipaliwanag iyon.


"Hindi ka ba nag alala kasi alam mo naman na nag kasakit ako?" umaasa ako na makakakita ako ng pag aalala sa mga mata nya pero wala.


"Magaling ka naman na ngayon, dapat pa bang pag usapan yon." iniiwas nya ang tingin sakin, nilagay ko ang dila ko sa kanang pisngi ko para pigilan ang sarili ko na umiyak.



"I was." bumibilis na ang pag hinga ko dahil nahihirapan nakong sabihin sa kanya ang nangyari sakin. Kumunot ang noo nya sakin.


"I was confined for three days." agad na napalitan ng pag kagulat ang pag kunot ng noo nya.


"I guess you're just too busy kaya wala ka na talagang time para tanungin ako kung anong yari sakin." halata sa mukha nya na hindi nya alam kung ano ang sasabihin.


Gusto ko ng umiyak kaya naman tumalikod nako sa kanya at agad na nag lakad papunta sa sakayan ng jeep at agad na sumakay doon. Hindi ko na sya nilingon dahil ang samasama ng loob ko. Pakiramdam ko ay konting konti nalang ay baka mag breakdown nako. 

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now