Chapter 10

218 12 0
                                    



Pakiramdam ko ay nakalutang parin ako kahit na isang linggo na ang nakalipas. Hindi ko alam na naging kami na at nakaisang buwan na pala kami.

Binalikan ko ang convo namin a month ago pero wala talaga akong sinabing yes na. Pero ayos lang at least isang buwan na kami.

Lumipas ulit ang mga linggo at Valentine's na hindi pa kami nag kikita ulit. Kaya naman sobrang excited ko. Nag plano kami na weekend mag celebrate para movie date kami.

Kaya naman nung sabado na ay maaga akong nagising para mag ayos at mag ligpit sa apartment.

Agad akong nag lakad palapit sa pinto ng marinig kong may kumatok doon.

"Hi!" nakangiting bati ko sa kanya niyakap nya ko tsaka hinalikan sa noo.

Nanood lang kami ng movie. Kumain at nag harutan.

Hindi ko alam kung nakailang movie kami nung araw na yon. Natulog din kami. Ganito lang yung gusto ko kapag kasama ko sya. Pakiramdam ko kinakalimutan namin lahat ng problema namin. Mas gusto namin yung mag pahinga habang kasama ang isa't isa.

Gustong gusto ko pag nakayakap nako sa kanya at naamoy ko ang pabango nya. Hapon na ng mag paalam sya na uuwi.

Hinatid ko sya sa pintuan. Niyakap ko sya para mag paalam. Eto nanaman ako naiwang nakatulala dahil sa ginawa nya.

Sya ang First kiss ko kaya naman hindi ko alam kung anong dapat kong gawin. Pumasok ako sa loob na parang nakalutang parin.

Umuwi ako sa bahay at wala don sila Papa kami kami lang. Unti unti nakong nasasanay sa pagiging mag isa ko. Nag dedesisyon ako ng sa sarili ko. Pakiramdam ko ay mas okay 'to dahil nararamdaman kong mas buhay ako dito dahil walang nag cocontrol sakin bukod sa sarili ko. Si Vincent at ang mga pinsan ko ay nanatiling nasa tabi ko para suportahan ako.

Lumipas ang mga araw at halos lunurin ko ang sarili ko kakaaral dahil malapit na ang exams at madami pang mga requirements.

Dumating ang araw na pinakakinakatakutan namin. Ang pag sasabi ng kung sino ang graduate at hindi. Sasabihin din ang mga may awards kaya mas kinakabahan ako.

Sobrang busy namin parehas ng mga lumipas na araw dahil sa acads. Huli namin pag kikita ay yung sa apartment pa kaya naman miss na miss ko na sya.

Ramdam ko ang pagod ko sa lahat. Pero alam kong ang resulta ng mga pagod ko ay sobrang worth it. Kaya naman sinabi na ang mga may awards.

Halos maiyak nako dahil hindi pa binabanggit ang pangalan ko na parang ineexpect ko na iyon. Hindi ko alam kung anong gagawin ko pag hindi ako nasama dahil hindi lang sarili ko ang madidisappoint pati narin si Papa, sila Vincent at ang mga pinsan ko.

"So yun na lahat ng Honors as of now, pwede na kayong umuwi." lumunok ako dahil pakiramdam ko ay sasabog ako.

Masayang nag yakap sila Kath at Nerri dahil parehas silang Honor. Hindi ko alam kung saan ako nag kulang dahil ginawa ko lahat para mag pasa ng maaga pa sa araw na dapat pasahan. Halos wala na kong tulog dahil sa kakaaral para sa mga exams. Halos bilang lang ang mali ko don kaya bakit ganito.

"Congrats sa inyo, sobrang nakaka proud kayo." nakangiti ko silang niyakap. Totoong masaya ako para sa kanila pero syempre may kaunting lungkot na sana ako din.

"Guys, may isang humabol kakasend lang ng grade nung isa nyong teacher at umabot sya." napalingon kami lahat sa teacher namin

Huminga ako ng malalim siguro nga ay dapat kong tanggapin na may mga bagay na hindi mo makukuha kahit anong gawin mo dahil baka hindi ito para sayo.

"Perez, Cierra Alexis." nanlaki ang mata ko na nakatingin kay Ma'am.

"Congrats! Honors tayong tatlo!" masayang sigaw ni Kath at niyakap nila ko pero parang hindi ako makagalaw.

Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman gustong tumawa na gusto kong umiyak dahil worth it lahat ng pagod ko.

Hindi matanggal ang ngiti ko ng mag lakad ako pauwi. Grabe nagawa ko nga. Ang sarap pala sa pakiramdam na nag bunga yung lahat ng pagod mo.

Pag kapasok ko ay naupo pako saglit sa sofa para tawagan sila Lola.

"Hello Lola!" masayang sabi ko pag kasagot nya ng tawag.

(Oh Cierra buti napatawag ka.)
Bakas ang saya sa boses ni lola at mas dumoble naman ang saya ko.

"Lola, with honors po ako." nakangiting sabi ko tsaka sumandal sa sofa at tumingala pa sa ceiling.

(Wow! Ang galing galing naman ng apo ko.)
Rinig ko pa ang pag tili nya kaya natawa naman ako.

Sobrang sarap na may naka appreciate ng pinag hirapan ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya ko habang nakikipag usap sa kanya. Ilang sandali lang ay nag paalam na sya na may mga gagawin pa kaya naman pinatay ko na ang tawag ko.

Tsaka ko na sasabihin kay Vincent kapag nag kita kami. Kumain ako tsaka natulog na. Two weeks nalang Graduation na.

Mabilis na lumipas ang ang araw at week end na next week ay Graduation na.

Lahat kami ay nandito sa bahay. Kumakain sila kaya naman binanggit ko na kay Papa yung sa Graduation ko.

"May award ka ba?" nakangiting tanong nya sakin kaya naman agad akong tumango.

"With honors po ako Pa." nakita ko ang pag kunot ng noo nya na parang hindi masaya sa sinabi ko.

"Bakit naman hindi pa With High, Kuya Harley mo With High honor." tinuro nya pa si kuya kaya naman nag baba ako ng tingin sa pagkain ko.

"Sorry po yun lang po nakayanan ko." nawalan ako ng gana kumain kaya pinilit ko lang ubusin yon.

Agad kong pinunasan yung luha ko ng makarating ako sa Veranda.

Hindi pa pala sapat yung may award ako. Gusto nya pala ay yung katulad ng kay Kuya. Pero eto lang ako. Binigay ko na ang best ko at eto lang ang nakayanan ko kaya naman ang sakit na hindi manlang nya na appreciate.

Pakiramdam ko ay nag sayang lang ako ng pagod dahil sa ginawa ko. Naramdaman kong may lumapit sa tabi ko kaya naman inangat ko ang tingin sa langit.

"Ang galing galing mo naman akalain mo yon Honor ka!" masayang sabi ni Kuya Ken kaya naman nilingon ko sya nakangiti sya sakin.

"Salamat." tipid ko syang nginitian. Kahit na ganon lang ang sinabi nya ay napagaan non ng kaunti ang pakiramdam ko.

Nanatili kami don at naramdaman kong lumapit din samin si Kuya Chris. Tinapik nya ko sa likod ko kaya napalingon ako sa kanya.

"Oh may bayad yan." iniabot nya sakin ang naka plastic na stick-o.

"Yan lang nakayanan." napangiti akong tinanggap yon.

"Thank you Kuyas." mas lalo akong naiyak dahil sa kanila.

Sobrang thankful ako na meron akong mga baliw na kuya na handang pagaanin ang loob ko.

____________________________________
<3

Beautiful ScarsWhere stories live. Discover now