Mitch' POV
Hindi mapakali si Dexter at pati narin silang lahat sa sinabi ng matanda.
"Ano kaya ang pakay ng matandang yun?"tanong ni Vicky.
"Ewan,baka siya yung pumapaswit."sagot naman ni Mitch.
"Baka nga."sagot ulit ni Vicky.
"Hoy Gwen umayos ka nga para kang bata eh! kung matutulog maglalaway pa."sabi ni Mitch habang inuuga uga ang pagkakahiga ni Gwen.
"Pwede ba! patulugin niyo ako ng maayos ng mawala ang takot ko dito!"sabi ni Gwen tila iba ang boses nito.
"Gwen..."sabi ni Vicky.
"Bakit anong nangyayari sa kanya?"tanong ni Dexter.
"Ewan,bigla kasing nag-iba ang boses niya eh."sagot ni Mitch.
"Gwen..."sabi ulit ni Vicky.
"Pwede ba! patulugin niyo ako kundi mapapatay ko kayo!"sabi niya habang may hawak na patalim.
"Mabuti pa pabayaan nalang natin siyang natutulog,baka naman may sumpong iyan,kapag nagising yan wala narin yan."sabi ni Dexter.
"Sige."tanging sagot nalang ng dalawa.
"Haha!!!! may swerte! nagkaroon tayo ng gas!"sabi ni Dexter at pinaharurot ang Van.
Hindi maiwasan ni Mitch ang pagkangiti.Dahil sa swerte ngayon.Nagkarating sila sa kani-kanilang bahay ng mapayapa.
"Gising na Gwen."panggigising ni Dexter.
"Nandito na ba tayo?"tanong ni Gwen.
"Saan dito?"tanong pabalik ni Dexter.
"Sa Resort na pupuntahan."sagot ni Gwen.
"Nandito na tayo sa bahay nakauwi na tayo."sagot naman ni Dexter.
"Sa wakas! salamat Dexter miss ko na ang mama at papa! yeheyyyy!"sabi ni Gwen at dali-dali bumaba at nilabas ang mga gamit niya at pumasok na sa kanilang bahay pero bago iyon sa paningin ni Dexter habang papalayo si Gwen wala itong ulo!
"Bye Dexter! salamat ulit!"sabi ni Gwen habang kumakaway-kaway.
*At Mitch' House"
"Mama! were home!"bati agad ni Mitch sa kanyang mama.
"Ohh anak nandiyan ka na pala kumusta ang bakasyon niyo sa resort?"tanong ng mama niya at niyakap si Mitch.
"Ok naman po ma ang ganda doon parang palasyo."pagsisinungaling ni Mitch sa kanyang mama.
"Talaga kinuhanan niyo ba ng litrato?"tanong niya.
"Hindi po ma"sabi niya.
"Bakit naman?"tanong ng kanyang mama.
"K-kasi p-po ma-----"hindi tinuloy ni Mitch ang kanyang sasabihin ng kinuha ng kanyang mama ang kanyang camera at binuksan ito.
Habang tinitignan nito ang camera napapakunot noo ang mama ni Mitch habang tinitignan ito.
"Bakit hindi niyo kinuhanan?"tanong ng mama niya.
"Basta ma tinatamad kasi ako ako eh kasi ma masyado akong happy."pagsisinungaling nanaman niya sa kanyang mama.
"Sige mauna na ako may niluluto pa ako sa kusina."sabi ng kanayang mama at tumalikod na sakanya at pumunta na sa kusina.
Dali-dali akong pumunta sa aking kwarto at humiga dahil sa pagod at takot na aking naranasan.
"Hello?"tanong ko.
(Helo Mitch ako to si Dexter)
"Bakit anong nagyari? magaling na ba si Gwen?"
(Magaling naman na nung inihatid ko siya nakita ko na wala siyang......)
"Wala siyang?"
(Wala siyang...)
"Wala siyang?!"
(Ulo....)
"Huh? paano nangyari iyon?"
(Ewan ko nga eh.Sige ibababa ko na ito nandyan na yung mga pinsan ko.Bye!)
"Bye!"
Pagkatapos tumawag ni Dexter ay pinutol ko na ang linya.Hindi ko maiwasang mag-alala sa nakitang iyon ni Dexter.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya kanina.At dahil sa nerbyos ko bumaba nalang ako at naupo sa sofa at binuksan ang TV para manood ng Cartoon na Spongebob.Well interesado ako sa mga pambata.
Nakita ko si mama na nagluluto.Nang matapos na siya naghain na siya.Hinihintay ko nalang ang oras ng hapunan.Umupo si mama sa aking tabi .
"Ang tanda tanda mo na nanunuod ka pa ng ganyan"sabi ni mama.
Natawa na lang ako ng mahina at niyakap ko na lang si mama.
Napaiyak nalang ako bigla.
"Bakit ka umiiyak?"tanong saakin ni mama.
"Wala po ma trip ko lang po ngayon ma."narinig ko ang pagtawa ni mama.
"Oh ayan na kain na tayo"sabi ni mama.Tumango nalang ako at pinunasan ko ang mga luha ko.
Habang kumakain kami may tumawag sa telepono.
"Hello daddy!"masaya kong bati sa kanya.
(Hello baby musta ang bakasyon?")
"Okay naman po"
(Good nasaan ang mama mo?)
"Nandidito po kumakain."
(Tawagin mo nga siya miss ko na siya eh hehe)
Tinawag ko si mama sumunod naman siya.Nang matapos ang hapunan natulog na kaming dalawa ni mama.....