02

29 4 0
                                    



Nakaka dalawang pitcher na ko margarita at 2 bucket nako ng beer nang  lumapit saakin si  Travis and Candy. Sila yung friends ko na may ari ng bar na to. Mag asawa sila. “ Valz, oy tama na yan. Andami mo na naiinom oh.” Puna ni Candy. “ Candz, ano kaba hayaan mo nga ako may pang bayad ako.” Kinuha nya ang hawak ko baso . “ I know pero this is too much wag mong lunurin ang sarili mo sa alak valz, total one year na simula nung nag break kayo ni marco. Tama na mag move on kana” she said while holding my hand.

   Akala ba nya madali mag move on? Kung madali matagal ko nang ginawa eh hindi e. I can’t erase Eros Marco in my life I still love him. Mahirap kasi kalimutan yung taong walang ginawa sayo na masama. Siguro yung di nya lang ako ipinaglaban. Pero bukod dun wala na.  narinig ko yung kanta na dating ayaw na ayaw kung marinig.


“di ko na pansin na  lumalayo kana sa akin
wala akong kamalay-malay
bigla mong binangit na kaylangan mo munang umalis
dahil gulong- gulo sa buhay”

akala ko sya  na yung taong makakasama ko hanggang sa huli. I thought our relationship will last until the end, but I was wrong tulad ng sabi nila wala nag tatagal. Sa una lang lahat masaya, sa una lang lahat okay.

“at dahan-dahan nawalan ng ng kulay ang aking mundo.
at kay bilis nag iyong pag lisan
bakit nag ka ganito?
Saan ba nag simula ang gulo?”

My heart was aching. I feel the wound sobrang sakit.


“Akala ko ikaw na ang binigay
Akala ko ikaw na
Akala ko ikaw na
Akala ko hindi na sasablay
Akala ko ikaw na”

Almost 8 years we’ve been together. I miss his smiles, his laughter. The way he look at me. He left me un prepared. Sabagay may break up ba na prepared? Yung tanggap nyo agad sa bawat isa na wala na kayo? Yung nag break kayo ngayon tapos bukas okay kana? Meron bang ganun? Feeling ko wala.

“Kung gustong umalis walang maagagwa
huling hiling ko lang wag ako kalilimutan”

How can forget him? Lalo na kung wala syang ginawang grabe na kasalanan sa akin. I love him. Duwag lang kasi sya. And I hate him for that. He is an asshole.

Pakiramdam ko nga ay marami na ko naiinom. Medyo nahihilo na ko, nang biglang nag nagsalita sa stage. “Hello everyone we are the Super Nova Band this is our first gig here. And I would like to thank Travis and Candy for having us here. Sorry natagalan kami mag confirm kasi kakauwi ko lang from Canada. Okay too much for indroduction hahaha sana mag enjoy kayo sa mga songs namin. Later" pwede kayong maki jam sa amin.


“I’ve alone with you inside my mind
And in my dreams I kiss your lips a thousand times
And sometimes I see you pass outside our door.
Hello, is it me you’re looking for?
I can in see it your eyes I can see it in your smile
You are I ever wanted and my eyes are open wide
Cause I just know what to say and you just what to do
And I want to tell you so much I LOVE YOU”

I check on my watch it’s already 3 am. Hmm umaga na pala buti na lang hawak ko oras ko sa opisina ngayon. Natapos na rin yung banda.

I can say na mas maganda yung band na yun keysa sa mga bands na dating nag gi-gig dito. Lumapit sa akin si Candy “ Valz, uwi na tayo sabay kana sa amin lasing kana yung kotse mo si Kenneth na mag dridrive. Let’s go” sumunod na lang ako kay candy dahil na hihilo na rin talaga ako.  Saka ganito naman lagi ang nanagyayari eh, yung lagi nila akong hinahatid pauwi kasi lasing na ako at si Kenneth yung nag dridrive ng auto ko. Si Kenneth sya yung bunsong kapatid  ni candy bartender sya dito sa bar.

Nagising ako sa sinag ng araw nag tumatama sa mukha  ko. Hay, another Monday. I hate Monday’s hahahaha. Ayaw ko na munang mag check ng phone ko dahil alam ko na marami nanaman calls sa akin sa company. Nakakainis kasi eh, hindi ko na trabaho tapos ako pa rin ang gagawa paano nalang kung umalis na ko sa company?


Hindi naman sa nag mama isip ako pero  trabaho nila yun at dapat alam nila yun. I’ve been in there position too before  pero ni minsan  hindi ako humingi ng tulong. Wala naman sana masama mag tanong sa akin eh, ang masama lang eh, ipapagawa na yung Gawain nila sayo. Ano yun di ako busy? Hayys, saka superior nila ako.

Mas mataas nag position ko sa kanila they should respect me. Naligo na ako at handa para pumasok. Nag text sa akin si ken habang nag aayos ako. “Hi ate valz, morning po idadaan ko na lang yung kotse mo jan sainyo. “  hay salamat na lang bait talaga ng batang ito. Nag reply ako sa kanya “ sige salamat ken ahh. Sabay na tayo mag breakfast sa Mcdo hahahaha”

I don’t usually cook kapag may pasok ako wala ng time e. saka mag isa lang ako.
Pagkatapos naming kumain ni ken ay pumasok na sya. 3rd year college palang si ken culinary ang kikuha nyang course. Sa gabi ay tumutulong sya sa bar ng ate candy nya at kuya travis as a bartender.

Pumasok na rin ako sa opisina pag pasok ko binati naman nila ako except kay lalaine na nilapasan lang ako hindi kasi ako pumayag na ko ako ang gumawa ng presenation nya.

Naka sunod agad sa akin si Cherry ang close friend ko dito sa office. “Girl, may presenation ka mamaya ahh goodluck. Para sa promotion mo yan. Pero alam ko naman  na kayang kaya mo yan.” I just smiled at her kasi sa totoo lang masakit pa ang ulo ko sana nga magawa ko ng maayos yung presentation ko. I hope everything went well.

Kinakabahan man ay pumasok na ko sa board room para mag present ng naka assign na topic sa akin. Evaluation na rin kasi naming to for the position of CFO or Chief Financial Officer. Nag simula ang board evalauation 3 kaming candidate for the position. Halos lumabas na ang puso ko sa sobrang kaba. Ako ang naunang mag present ng credencials ko at mga achivements ko sa company.  After 2 hours natapos rin nag presentation namin. Next week ang announcement kung sino ang makaka kuha ng position. Kahit tapos na akong mag present ay todo kaba pa rin ako. Pero bahala na si bro hehehe.

Pag balik ko sa office ko si cherry ang sumalubong sa akin. “ girl ano na? How was you’re presentation?” agad na tanong nya sa akin. “ well okay naman sana makuha ko yung position che..” sabay tingin ko sa kanya. “ oo naman, you can get it, ikaw pa ba.. hahahha e ang galing galing mo.”

Natuwa naman ako sa sinabi ni cherry she really believes in me. Kahit next week ko pa nalalaman ang promotion sa amin e kinakabanhan pa rin ako. Bumalik na ako sa oipisina ko para tapusin ang iba ko pang Gawain ayoko kasing mag over time mamaya gusto kong makauwi ng maaga para maka tulog na.


I was very busy checking on the financial status of the report for this month nang biglang nag ring ang phone ko. Nang tinangnan koi to it was from unknown number di ko ito pinansin dahil baka nang tritrip lang or scammer. But it rang again not just twice but 6 times I guess? Not so sure hahaha so inisip ko it was important pero mamaya ko na I cacall back kapag pauwi na ako. After ng 6 misscalls di na nga tumawag ulit.


Well, mamaya ko nalang tatawagan kapag naka uwi na ako. After few hours natapos ko na rin ang ginagawa ko. Sakto 7 pm na makaka uwi na ako. Naka uwi na rin si cherry di na siguro nag paalam dahil nakita nanaman na busy nanaman ako dito sa computer.

Inayos ko na ang gamit ko para maka uwi na rin ako. Kunti na lang rin kaming naiwan sa office. Sumakay na ko ng elevator para maka uwi na. nasa loob na ko ng kotse ko ng biglang mag ring ulit ang cellphone ko. It was from the unknown number again. This time sinagot ko na ang tawag nya. “Hello? Who is this?” hindi sumasagot yung nasa kabilang linya. Hay naku e, prankster pala to e. ibaba ko na sana yung tawag ng biglang nag salita yun nasa kabilang linya. “ Valerie, how are you?” damn! I know that voice it’s Eros Marco.

I can’t move I feel puzzled at the moment I hear his voice after our break up ngayon lang sya ulit tumawag. Para saan? Bakit pa sya mangugulo sa akin. “Are you still there? Can we talk? I want to talk to you valz.”

Wow talk? He wanted to talk to me? Eh ako ba tinanong nya kung gusto ko syang maka usap? Valz, ang kapal ng mukha na tawagin pa ko  na valz parang di ako sinaktan ahh. Galing galing. “I’m busy still at work Saka ano pang pag uusapan natin Eros Marco? Diba kasal kana? Saka nasa korea ka diba? Baka magalit ang asawa mo. ayaw kong makasira ng pamilya.” 


Diretso kong  sabi sa kanya I heard him took a deep breath “ may pag uusapan tayo marami. Saka kakauwi ko lang dito sa pilipinas. And hindi pa ako kasal kay Ashely I just wanted to talk to you Valerie please, I know I hurt you please let me explain more my side.” 

Nasaktan ako ulit sa mga sinabi nya it feels like nung nag break kami a year ago.  Ano nanaman ba to Eros Marco I wanted to move on bakit ba kasi bumabalik kapa?

Strings Of Heart (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon