Pag ka dating ko sa condo ko ay dumiretso ako sa kama ko. nawalan rin ako ng gana kumain parang feeling ko pagod na pagod ako. nakaka inis naman kasi ang ganda ganda na ng mood ko kanina tapos bigla nyang sisirain? Pero ang mas nakakainis bakit nasasaktan pa rin ako? bakit umiiyak pa rin ako?I feel so drain after he called? Hindi mawala sa isip ko yung mga sinabi nya? Makipag usap? Am I ready? Am I to see him again? To hear his side? Bakit parang inisip ko palang to parang hindi ako maka hinga feeling ko nag hyhyper ventilate ako.
I just took a shower and change my clothes at mas pinili ko na mag stay sa room. I turn off my phone I don’t want to receive any messages from anyone I just want to be alone now. Naka higa lang ako at naka tingin sa kisame ng kwarto ko. parang nag flasflashback yung mga memories naming dalawa.
Flashback
2012 when we first met paano ko ba naman siya hindi makikilala? Eh isa sa heartthrob namin school he was a medicine student that time. And I was a Finance major student parehas kaming sa FEU nag aaral. Pero iba sa ibang heartthrob napaka wholesome at friendly ng personality nya hindi rin sya mayabang unlike other heartthrob snob at mayayabang. Hindi sya naiinis kapag may nag sasabi sa kanya nag may gusto ang isang babae sa kanya.Pormal ko sya nakilala noong maka klase ko sya sa history at sa biology. Na late kasi ako noon ng pag enrol kaya sa ibang department na ako naka kuha ng minor subject at saktong sa medicine department pa yun. Nung una nga ay parang gusto ko nang I drop ang dalawang subject na yun dahil parang ayaw ko maklase ang mga nasa medicine saka di ako sanay na mawalay sa mg aka block ko. pero wala akong magagawa saka 3rd na ako kaya sayang naman kung di ko pa eenrol kaya sige tuloy na to.
First subject ko ang biology or biological science 7 am. Shocks mabuti na lang ay maaga ako lagi nagigising kaya keri lang ang maaga pasok. Pumasok ako ng maaga sa school kasi iba ang building ng medicine sa Business Admin kaya kailangan ko pa itong hanapin. Pag punta ko sa building nila parehas lang sa rooms naming. Habang nag lalakad ako para hanapin ang room namin habang nag lalakad ako ay napalingon ako sa isang room nakita ko ang tao nan aka higa. Shet! Kumaripas ako ng takbo. Putek! Sino yun?! Huminto muna ako para mag pahinga dahil medjo napagod rin ako sap ag takbo. Pero na curious talaga ako dun sa taong naka higa kala nag pag pasiyahan ko na bumalik doon sa room. Habang nag lalakad ako pabalik ay nag iipon ako ng lakas ng loob sa makikita ko. pag tapat ko sa room I took a deep breath at lumigon sa room. Pag lingon walang hiya! Mannequin lang pala! Ano ka naman Valerie malamang may ganyang mannequin dito e medicine building to! What do you expect? Nakakaloka!.
After a few minutes ay sa wakas nahanap ko na rin ang room naming it was on the second floor. Hindi pa naman time hay salamat hindi ako late. I sit on the chair beside the window that was favourite spot in the classroom. May ilang students na rin dito nakaka out of place nga kasi ako lang ang iba ang uniform hahaha lahat sila naka white dress ang babae at naka white uniform namana ang mga lalaki ako lang tong naka slacks at blouse dito. Lahat sila naka tingin at nag bubulungan eto naman sinsabi ko e naku, next time talaga mag eenrol na ako on schedule. Wala pa akong katabi pero halos madami na kami sa room siguro ay walang lagi umuupo dito or may mumu dito sa upuan ko? hay, Valerie stop it! Mannequin lang yun! Sigaw ng utak ko or ayaw lang nila ako makatabi?
Nag earphone na lang ako tutal may 15 minutes na naman before seven am. Pinatugtug ko sa MP3 player ko ang playlist super junior yeah this is my favourite Korean group. Nang may biglang tumabi sa upuan ko. It was him Eros Marco Hoh. Ang isa sa crush ng campus I look at him he has thick black eyebrows,fair white skin hindi sya masyadong singkit matangos ang ilong and sexy small pinkish lips. Kung susumahin ay kamukha ang Korean actor na si Na si Lee Jung Suk.
“hoy miss, baka matunaw ako.” ay shet! Did I just stare at him?! Omg! Nakakahiya! “hindi ay, maganda lang yung pinapakinggan ko kaya natulala ako tapos bigla kang umupo jan”. pag depensa ko. nagulat ako sa sunod na nangyari bigla nyang kinuha ang isang earphone ko at inilagay sa tenga nya. “hmm, maganda nga. So fan ka pala ng Korean songs?” tapos ibinalik nya ito sa tenga ko. inalis ko muna ang isa kong earphone para marinig ko sya. “ahh oo pero kunting bands lang ang gusto ko, teka nga hoy feeling close ka ah, eh hindi nga tayo mag kakilala e”. natawa sya “ayy, oo nga pala by the way I’m Eros Marco Hoh 3rd year nursing student from medicine department. And you are?”. Sabay tingin nya sa akin “oh! I’m Valerie Valerio 3rd year Financial Management student.” And then we shake hands mabuti nalang may magiging kaibigan na ko sa subject na to. At tama nga sila kay Eros he is friendly. Magsasalita pa sana sya ng biglang dumating na si Sir Dimatakutan ang isa sa terror professors sa university. Simula noon ay naging close na kami ni Em kahit natapos na ang semester at hindi na kami mag ka klase ay nagkikita at naging mag best friend pa kami. Marami na rin kaming pinag daanan noon ni em. Simula noong maging mag kaibigan kami ay lagi na syang naging nasa tabi ko. He was my shoulder to cry on sya rin ang naging taga palakas ng loob ko bukod sa pamilya ko. kaya nga nung mag tapat sya sa akin at nag tanong kung pwede ba nya akong ligawan ay agad akong pumayag. Isa pa nagugustuhan ko naman na din sya noon kaya there is no point para hindi ko sya bigyan ng chance.
After a year of courting me we become a couple 5 years na kaming mag best friend noong maging kaming dalawa. Mas lalo akong naging masaya sa piling nya noong maging boyfriend ko sya akala ko ay magiging awkward dahil mag best kami tapos magiging kami. Sa totoo lang noon ay medjo natatakot ako na sagutin ko sya dahil baka kapag nag hiwalay kami ay masira ang pagkakaibigan namin pero noon hindi naman nya yun pinaramdam sa akin na mangyayari yun. We took our relationship easy dahil nga dati ay mag best friend kami kaya parehas kami noon nag adjust at tinulungan nya ako makapag adjust.
Sa 3 years namin I become so dependent on Eros. I let care for me more than I care for myself. I let him be so damn dependent on his love. nasanay akong lagi sya nandiyan sa buhay ko through ups and down. Kaya hindi ko inakala na aabot kami sa ganito. Ni minsan hindi ko iniisip na magiging ganito kami yung kinatatakutan ko noon nangyari na. yung baka pag nagka problema kami ay madamay ang friendship naming. It freak in happened! Ang mahirap pa noon hindi nya ako hinanda hindi man lang sya nag pasubali. He broke up with me on our anniversary! That is so bullshit! This is so bullshit all of this! Shit!
Napasabunot ako sa ulo ko sa sobrang inis hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang mga luha ko. parang namanhid na yung puso ko sa sakit na binigay nya it’s been a year pero bakit kapag naala ko parang kahapon lang teka mas malala parang kanina nga lang e.
Mahirap kasing mag move on sa taong walang ginawang mali sayo. Yung trinato ka naman nya ng maayos sa boung panahon na kayo sobra sobra pa nga yung binigay nya sayo. Masama pala kapag sobra kasi madaling nawawala. Akala ko kami na hanggang sa dulo I have plans with him in my future. Plano ko na sanang pag usapan naming yung magiging design ng bahay naming kung saan kami ikakasal. Kaso hindi na pala yun matutuloy kasi wala na. He left me so damn unprepared. Sabagay meron bang nangiiwan na hinahanda ang iniiwanan?
Pamilya nya lang ang naging kaagaw ko sa kanya. Na dapat hindi naman minsan kadalasan dahilan ng hiwalayan kasi diba kapag nasa tama naman ang relasyon ninyo at mahal nyo ang isa’t isa walang nag loloko sa inyo. Diba dapat ipaglaban yun? Pero bakit sya hindi? Bakit hindi nya ako pinaglaban? Bakit hindi nya pinaglaban yung relasyon namin? bakit hindi sya gumawa ng paraan?
Bakiiiit???? Sigaw ko sa kwarto habang lumuluha? Nakaka panghina na mag isip ng rason? Dapat ko pa bas yang pakinggan? Nakaka inis bakit pa kasi sya umiyak kanina? Masaya na ako kahit paano e bakit kasi tumawag pa sya? Nagulo nanaman ang isip ko. argghhhh! Binato ko ang unan ko sa sobrang inis. Galit ako sa sarili ko dahil mahal ko pa sya! At alam kung totoo yung emosyon nya kanina at totoo ang lahat ng sinabi nya.Author's Note:
Hi mga ka explore kumusta kayong lahat?
Sorry nga pala very late upload po ng bagong update😅😅😅 medjo na bubusy lang po ako sa work at negosyo😂 saka nawalan dito ng kuryente sa amin dahil kay rolly🤣😅
Hope you enjoy reading😁😁😁 also feel free to comment 😁😁
BINABASA MO ANG
Strings Of Heart (On Going)
RomanceHi Guys, Eto po Ang First Story ko😁😁😁 Sana ay magustuhan nyo😁😁 Happy Reading Buddies😁😘