Sabi nila, dalawa lang daw ang maaari mong mapuntahan sa oras na ikaw ay mamatay. Sa langit o sa impyerno.
Pero paano kung ang mapuntahan mo ay sa mundo ng isang nobela, isang libro.
Hindi kapani-paniwala hindi ba?
Ganito ang mangyayari kay Emery.
Hindi kailanman siya naniniwala sa REINCARNATION. Subalit nagbago ang isip niya nang siya ay maaksidente at mag-agaw buhay. Doon ay hiniling niya nasa sana ay mabigyan siyang muli ng isa pang pagkakataong mabuhay.
Well, wish granted ika nga. Pero hindi sa inaakala niyang mundo. Dahil nagising nalang siyang iba na ang katauhan. Hanggang sa mapagtanto niyang ang dinadala niyang katawan ay ang pangunahing tauhan sa novelang kanyang nabasa noong siya'y nasa realidad. Si Aaliyah, ang bidang babae sa kwentong kanyang nabasa. May mga katangian at buhay itong gusto niyang makamit sa kanyang totoong mundo.
Pero lubos siyang nabahala nang makita niya at makilala si Grayson, ang bidang lalaki sa kwento na matagal na niyang pinapangarap at pinagpapantasyahan. Noon pa man ay hiling na niyang naging totoong tao nalang ito at sila ay magkatuluyan.
Pero ano nga ang gagawin ni Emery?
Susundin niya ba at ipagpapatuloy ang kwento sa pagkakasulat nito?O gagawa siya ng sarili niyang kwento.
