Capitulum 4

8 3 0
                                    


Leigh Risha Hawthorn

Nagtago ako sa likuran ni Daddy at muling nagnakaw ng tingin sa lalakeng manika na nakawheel chair na tao pala. Ano nga ulit ang pangalan niya? Jyle Aizen Martins? Isang mahinang tawa ang napakawalan ko ng maalala ang story sa wattpad na nabasa ko. Kapangalan niya. Hindi kaya siya talaga ang character na nabasa ko sa wattpad at lumabas siya sa libro?

Hala! Hindi maaari! Hindi ko pa tapos basahin 'yon kaya hindi pa siya maaaring umalis sa libro. Dahil sa pangamba ay napalayo ako sa aking Daddy na pinagtataguan ko kanina pa at tumingin kay Aizen. Lumapit ako sa kanya at nakapamewang na tinitigan siya sa kanyang mala-tsokolateng mata. Tinitigan niya rin ako pabalik na may naguguluhang histura.

"Aizen, makinig ka. Huwag kang mag-alala sa magiging takbo ng story mo kasi hindi naman tragic writer ang nagsulat ng kuwento mo. Kaya pakiusap, bumalik kana sa libro."

Tinitigan ako ng nagtataka ng lalake. Hindi siya nagsalita ng kung ano at lumingon lamang sa kanyang Lolo na tila nanghihingi ng saklolo. Mukha na nga siyang natatae na Ewan eh. Mukha ba kong nakakatakot?

Dahil sa expression na mukha niya at hindi ko na rin tuloy napigilan ang sarili ko na mapalingon na rin sa Lolo niya. Ngumiti sa akin ang Lolo niya at saka bumaling ng tingin kay Daddy.

"Richardo, halika. May hinanda akong isang mainit na tsaa. Inumin na 'tin ito habang nagkakumustahan sa office ko."

"Sure. Maiiwan na muna kita dito, Risha." Bumaling sa akin si Daddy at nginitian ako bago sumunod sa Lolo.

"Wait, Daddy! Huwag mo kong-" Hindi ko na natapos ang nais kong sabihin dahil tuluyan na silang nawala sa paningin ko.

Nang muli kong tingnan 'yung lalake, parang manika na naman siyang nakatingin sa akin ng hindi kumukurap. Bakit ba ko tinititigan nito? May dumi ba ko sa mukha? May sama ng loob ba 'to sa 'kin? Wala naman akong ginawang masama sa kanya ah!

Nag-aalangan akong ngumiti sa kanya at naglakad ng dalawang hakbang palapit sa kanya.

"Hello. Pasensiya kana kung napagkamalan kitang-"

"Ang baduy talaga ng suot mo."

Nawala ang ngiti sa labi ko at napatigil sa pagsasalita ng marinig ang sinabi niya. Ganito ba talaga ang lalakeng 'to? Waah! Nakakaasar naman siya! Pero, hindi ako susuko. Kasalanan ko naman talaga ng una eh. Tss.

Ngumiti ulit ako sa kanya at naglakad ulit ng dalawang hakbang palapit sa kanya.

"Ah, gano'n ba? Hahaha. Paano mo naman nasabi?"

Muli niya kong tinitigan at talagang walang expression ang mukha niya habang nakatingin sa akin. Ano ba talagang problema ng taong ito?

Magsasalita na sana ulit ako, pero dumating na sina Daddy at ang Lolo ng lalakeng 'to. Lumapit silang dalawa sa akin.

Ngumiti sa akin si Lolo. "Hija, may gusto sana akong ipagawa sa 'yo kung ayos lang."

Natigilan ako sa sinabi niya. Tumingin ako sa lalakeng nakawheel chair at muli akong tumingin kay Lolo.

"Hala! Hindi ko po talaga sinasadya na mapagkamalan ko siyang manika. Huwag mo na po kong parusahan." Yumuko ako at nahihiyang pinagmasdan ang sahig.

Takte! Nakalimutan kong magsuot ng panloob na tsinelas. Nadumihan ko pa tuloy ang sahig nila. Napaangat ako ng aking ulo ng hawakan ni Daddy ang buhok ko at guluhin ito. Naiinggit yata siya sa maganda kong buhok.

"Risha, may gustong ipaguhit sa 'yo si Mr Martins. Samahan mo siya sa office niya." Ngumiti sa akin si Daddy.

Nagtataka kong tinuro ang sarili ko. "Ako po? Bakit hindi nalang kayo Daddy?" tanong ko sa kanya.

"Basta. Sumama kana lang sa kany, anak."

Pinagmasdan ko si Daddy na nakangiti pa rin sa akin hanggang ngayon. Mukha talaga siyang hindi nagloloko. Kaya nakumbinsi akong seryoso talaga siya sinabi niya. Gusto na talaga niya kong magdusa sa kasalanan ko at ipabigay ako sa taong ito.

Tumango ako kay Daddy at nakasimangot na sumunod kay Lolo. Umakyat kami sa second floor at huminto sa pinakadulo ng hallway. Pumasok kami sa loob ng kuwarto na may isang maliit na desk at dalawang office chair. Umupo siya sa isa at umupo naman ako sa isa.

"Leigh Risha ang pangalan mo, hindi ba?" nakangiting tanong niya sa akin.

Nahihiya naman akong tumango sa kanya.

"Pasensiya kana sa apo kong si Jyle Aizen kung naging masungit siya sa 'yo pagkaalis namin ng Daddy mo."

Natigilan ako sa sinabi niya. Paano niya nalaman 'yon? May side kick power ba siya? Mukhang nabasa na naman ni Lolo ang nasa isip ko kaya binigyan niya ko ng isang ngiti. Tumingin siya sa ibang direksyon at saka pinagpatuloy ang kanyang pananalita kanina.

"Sa totoo lang, hindi siya gano'n dati. Mabait na tao si Aizen at matulungin siya sa kanyang kapwa. Magaling din siya at maaasahan mo lagi sa lahat ng bagay subalit naglaho ang lahat ng 'yon ng maaksidente siya. Binago ang kanyang pagkatao ng aksidenteng 'yon." Tumingin sa akin si Lolo at malungkot na ngumiti sa akin.

"Hala! Kawawa naman po siya. Paano nabago ng aksidente ang pagkatao niya? Kinausap po ba siya ng aksidente?"

Bahagyang nawala ang lungkot sa mga mata ni Lolo dahil sa sinabi ko. Bakit kaya?

"Matalik na kaibigan ko ang 'yong ama at nais ko sana na dumalaw ka rito lagi upang magkaroon naman ng makakausap si Aizen. Gusto kong masilayan muli ang mga ngiti niya. Maaari mo bang tanggapin ang aking kahilingan?" Tinitigan ako ni Lolo, pero hindi ko pa siya matitigan pabalik.

Pinoproseso ko pa sa aking isipan ang lahat ng sinabi niya. May dahilan naman pala kung bakit naging gano'n ang lalakeng 'yon.

Isang aksidente. . .

Naalala ko bigla 'yong aksidenteng nakita ko dalawang buwan na ang nakakalipas. Hanggang ngayon at hinahanda ko pa rin ang sarili ko. Iniisip ko na balang araw ay susunduin na talaga ko ng taong naaksidenteng 'yon para sumama na ko sa kanya. Isa pa, may mission pa ko sa mundo kaya hindi pa ko maaaring sumama sa kanya.

Tumingin ako kay Lolo at tumango sa kanya. "Pumapayag po ako."

Napangiti siya ng malawak dahil sa naging sagot ko ngunit pagkalipas ng ilang segundo at nanlaki ang mata ko ng may maalalang isang bagay.

Nasaan na 'yong pag-uusapan namin tungkol sa nais niyang iguhit ko?

✓ETCIUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon