Capitulum 17

3 2 0
                                    

Leigh Risha Howthorn

"Ah, Aizen. Saan ba talaga tayo pupunta?" Napakamot ako sa aking ulo at saka itinuon ang aking paningin sa ibang direksiyon.

Hawak ko ang wheelchair ni Aizen habang tinutulak ko siya sa kung saan. Nasa bayan kami ngayon at naisipan ni Aizen magpasama sa akin. Gusto raw niyang samahan ko siya sa isang library dito sa bayan. Siya ang nagsasabi sa akin ng direksiyon dahil hindi ko naman alam ang pasikot-sikot sa lugar na 'to.

Hindi naman kasi ako taga-rito.

"We almost there. Just be patience."

Nagkabit-balikat na lang ako sa kaniya.

Hindi ko alam kung si Aizen pa ba ang kasama ko ngayon o ibang tao na. Hindi ko akalain na aayain niya kong samahan niya. Totoo ba? Ang Aizen na walang pakialam sa 'kin?

Napapa-iling na lang ako sa naiisip ko. Atleast, hindi na siya mas'yadong masungit sa akin ngayon kahit na hindi pa rin ako Maka-react ng normal sa tuwing kausap ko siya.

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari sa pagitan namin nang nakaraang araw. Hindi ko rin makalimutan ang naging pag-uusap namin ng magulang ko.

Ilang linggo o araw na lang ba bago kami umuwi sa city? Naging mabilis ang oras ng bakasyon namin, pero ang dami nang nangyari.

Pakiramdam ko ay hindi agad ako makakalimot sa oras na umuwi na kami.

Muntikan na kong matumba nang biglang huminto ang wheelchair na tinutulak ko kanina pa.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid. Ang daming nagtitinda ng mga souvenirs at pagkain at marami ring mga tao sa paligid.

Nang ibaling ko ang paningin ko sa direksiyon ni Aizen ay muntikan pa kong mapaatras dahil nakatingin din pala siya sa 'kin.

"What are you thinking?" Pinanliitan niya ko ng mata.

Sunod-sunod naman akong umiling sa kaniya. "Wala."

"Say it. I almost fall to the floor because of the stone in front of us. You didn't notice it because you're thinking something else."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Tumingin ako sa harapan niya at napagtanto kong tama siya sa kaniyang sinabi.

Kaya pala kami tumigil. Ngumiti ako sa kaniya habang hawak ang kaniyang wheelchair.

"Hehe. Huwag ka nang magalit d'yan. Hindi ko lang napansin kasi maliit ang bato."

Sinamaan niya ko ng tingin. " If it's really small, hindi tayo hihinto."

"Maliit pa 'yan kumpara sa iceberg ng titanic." Ngumiti ulit ako sa kaniya, pero bahagya akong napangiwi dahil mas lalo lang sumama ang tingin niya sa 'kin.

"Tss. Whatever. Move the wheelchair again. We almost there."

"Saan ba kasi 'yon? Baka nililigaw mo lang ako ha."

"Not really. Avoid asking too many questions. Tss."

"Okay, fine."

Pagkalagpas namin sa maraming tao at sa mga nagtitinda ay lumiko kami sa kaliwa. Med'yo maliit na lang ang daanan pero nakakadaan pa rin naman ang wheelchair ni Aizen.

Pagkalagpas namin sa masikip na daan ay nakakita kami ng isang malaking gate. Huminto kami rito.

"Click the doorbell." Inutusan ako ni Aizen, pero hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa 'kin.

Nakasimangot akong naglakad patungo sa gilid ng gate at sinunod ang sinabi niya.

Hindi na ko tumawag o nagsalita dahil hindi na raw kailangan sabi ni Aizen. Naghintay na lang kami na may lalabas na tao.

Bumalik ako sa likuran ni Aizen.

"Akala ko ba sa library tayo pupunta?" Sumimangot ako sa kaniya.

Excited pa naman ako dahil mahilig ako sa mga books, pero hindi pala nagsasabi ng totoo si Aizen. Tss.

"Yeah and we're here."

Nagsalubong ang dalawang kilay ko sa naging sagot ni Aizen.

"Huh? Saan ang library dito?"

Hindi pa siya nakakasagot ay bumukas na ang gate lumabas ang isang babae na nakaitim na palda na hanggang tuhod, naka long sleeve na white at naka-donut ang style ng buhok. Nagutom tuloy ako bigla.

"Aizen, ikaw pala. Pasok kayo. Sino itong kasama mo?"

Hindi umimik si Aizen at wala yatang balak sumagot kaya ako na lang ang nagsalita.

"Ako po si Leigh Risha Howthorn. Kapit-bahay ni Aizen."

Ngumiti sa akin 'yong babae. "Ah, kapit-bahay lang ba?" Pagkatapos ay mahina siyang tumawa.

Naguluhan ako sa sinabi niya, pero pinagwalang bahala ko na lang. Pinagulong ko ang wheelchair ni Aizen at pumasok kami sa loob ng mansion.

Pagkapasok namin sa loob ay nawala ang salitang mansion sa isipan ko. Sobrang daming libro na iba't ibang klase. Kung taga-rito lang ako ay baka nag-apply na kong librarian dito.

"May mga novel books po kayo?" Sa sobrang excite ko ay hindi ko na napigilang magtanong sa babaeng kasama namin.

Natigilan ang babae habang si Aizen ay umiling-iling dahil sa sinabi ko. May sinabi ba kong masama?

"Sure. We have. Nasa baba po. This way." Tinuro ng babae 'yong pintuan sa tabi ng paikot na hagdan.

Napangiwi ako hindi dahil mukhang basement ang pupuntahan namin. Mukha kasi siyang pang horror. Nadaanan pa namin ang ilang staff na nasa harapan namin bago kami nakapunta sa harapan ng pinto na tinuro ng babae.

Nauna siyang pumasok dito at sumunod kami ni Aizen sa kaniya. Nakakita kami ng hagdan pababa. Paano pala makakababa si Aizen nito?

Lumingon ako sa direksiyon ng babae. Magtatanong na sana ako sa kaniya, pero may bigla siyang pinindot sa gilid namin. Ang hagdan kanina ay biglang napalitan ng isang straight way.

Wow. Ang galing naman!

Hindi pa rin matanggal ang pagkamangha sa mukha ko habang nababa kami, pero mas lalo akong namangha nang makakita ako ng iba't ibang klase ng novel books. Mayroon silang mga luma at bago. Lahat na yata ay nandito na. Sa sobrang pagkamangha ko ay hindi ko namalayang nabitawan ko na pala si Aizen.

Lumingon siya sa akin at tiningnan na naman ako ng masama.

Tumawa lang sa gilid namin 'yong babae. Hanggang ngayon hindi ko alam pangalan niya.

"Maiwan ko na muna kayo."

Tumango kami sa kaniya. Pagkatapos ay umalis na siya hanggang sa tuluyan na kaming naiwan ni Aizen.

Biglang bumalik ang pagkailang na nararamdaman ko kanina kaya naglakad-lakad na lang ako at nagkunwaring nagtitingin ng mga libro.

"I'm right to bring you here. Where's my thanks?"

Lumingon ako kay Aizen. Nabitawan ko ang hawak na libro nang makita ko ang ngiti niya.

Hindi ako nakapagsalita agad dahil sa gulat at sa biglaang pagbilis ng aking puso.

✓ETCIUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon