Capitulum 12

7 1 0
                                    

Leigh Risha Hawthorn

Hindi ako mapakaniwala sa nararamdaman ko ngayon. Pakiramdam ko ay nalutang ako sa sobrang saya. Hindi ko akalain na kakausapin na ko ni Aizen. Hindi lang 'yon! Ngumiti pa siya sa 'kin! Waah! Ngayon ko lang naramdaman na tao talaga siya!

"Tss. Bakit ba hindi na mawala ang ngiti mo d'yan kahapon pa? Sana pala ay hindi na lang ako lumabas sa bahay."

Hindi ko pa rin mapigilan ang ngiti ko kahit na may sinabi siya. Waah! Marunong pala siya mag-tagalog. Ngayon ko lang tuloy naramdaman na iisang bansa lang ang pinanggalingan naming dalawa.

"Sorry. Med'yo masaya lang ako." Lumapit ako kay Aizen at tumayo sa likuran niya.

Sinilip ko ng bahagya ang binabasa niyang libro kanina pa. Nasa sala kami ngayon at katulad ng dati, iniwan kaming dalawa ng Lolo niya. Med'yo nagtataka na nga ko kung bakit sila laging naalis ni Dad.

Saan kaya sila napunta? Hindi kaya may illegal business na sila dito at ayaw nilang ipaalam sa iba?

"Hindi maaari!"

Napatakip ako sa sariling bibig nang tumingala sa akin si Aizen at tinitigan ako ng masama. Nag-piece sign ako sa kanya, pero mas lalo lang niya kong pinanliitan ng mata. Pagkatapos ay binalik na niya ang kanyang paningin sa libro na binabasa niya.

"Bakit nasigaw ka naman d'yan? Saan na naman ba napadpad ang utak mo?" Hindi pa rin inalis ni Aizen ang paningin niya sa kanyang binabasa habang nakikipag-usap siya sa akin.

Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang nasa isip ko dahil baka magalit siya ulit, pero sasabihin ko na rin dahil kapakanan din ng Lolo niya ang nakasalalay.

Bumuntong hininga ako ng malalim. Sasabihin ko na nga lang talaga sa kanya. Sana hindi siya magalit.

Lumapit ako kay Aizen ng husto at bumulong sa tainga niya. Med'yo hininaan ko lang ang boses ko dahil baka may makarinig sa aming dalawa kahit na wala naman talagang tao sa paligid namin.

"Si Lolo mo at Dad ko, hindi ka ba nagtataka sa kanila? Sa tingin mo ba ay may illegal business na sila na natayo dito?"

Hindi sumagot sa akin si Aizen. Kaya tiningnan ko siya kung patuloy pa rin siyang nagbabasa, pero hindi na nalipat sa ibang pahina ang binabasa niya. Nagtaka ako kaya tumingin ako sa kanya. Hindi ko naman napansin na sobrang lapit ko pala sa kanya.

Napatingin din sa akin si Aizen, pero mabilis din siyang umiwas ng tingin. Nagsalubong ang dalawang kilay ko nang makita ko ang pamumula ng tainga niya.

Dahil sa pagtataka ay umikot ako at humarap sa kanya. Wala naman siyang problema?

Lumayo lang ako ng konti sa kanya nang mapagmasdan ko ang kabuuan niya. Para bigla kasing may nagliliparang paru-paro sa sistema ko ng mapagmasdan ko siya. Waah! Nagugutom na yata ako!

"A-Ano ba 'yang sinasabi mo? K-kung saan-saan ka na naman dinadala ng imahinasyon mo." Umubo siya pagkatapos niyang magsalita ng utal-utal.

Pakiramdam ko ay mas lalong dumadami ang paru-paro sa sistema ko habang pinagmamasdan ko siya. Waah! Ano na bang nangyayari sa akin?

"Huwag mo na nga kong kausapin. May ginagawa ako. Tss."

Sumimangot ako sa sinabi niya.

"Bakit ba? Latin ba 'yang pinag-aaralan mo? Hindi naman Latin ang salita ng mga tao dito ah."

Sinamaan niya ko ng tingin sa sinabi ko kaya mas lalong nagsalubong ang dalawang kilay ko. Totoo naman ang sinasabi ko eh.

"Tss. May palabas kasi akong pinapanood. Hindi ko maintindihan ang season 2 niya kung hindi ako mag-aaral ng Latin. Huwag mo na nga lang akong kausapin. Nawawala ako sa concentration." Binalik niya ang kanyang tingin sa kanyang binabasa.

Napatango na lang ako kahit na alam ko ay hindi niya ko nakikita. Wala pa mas'yadong nagbago sa tono ng pananalita niya, pero masaya pa rin ako dahil madami na siya kung magsalita.

Yey! Sabi na nga ba at hindi talaga alien si Aizen eh. Kailangan niya lang ng kaibigan. Kaibigan...

Lumingon ako sa direksyon ni Aizen ng palihim. May kaibigan kaya siya?

Mabilis akong umiwas ng tingin sa kanya dahil parang nagkakaroon na naman ng liwanag sa tuwing nakikita ko siya. Waah! Ako yata ang alien!

Sa sobrang dami ng salita na tumatakbo sa isipan ko ay naisipan ko na magtimpla ng kape para sa aming dalawa ni Aizen. Hapon na kasi, pero hindi pa rin dumadating ang Lolo niya at ang Dad ko.

Muntikan na kong mapaso dahil hindi ko namalayang malapit na palang mapuno ang baso na nilalagyan ko ng mainit na tubig.

Pagkatapos kong makapagtimpla ng kape ay dumiretso ulit ako sa sala kung nasaan kami nakatambay ni Aizen kanina pa.

Pagkabalik ko ay busy pa rin siya sa pagbabasa. Hindi ko nga alam kung nalaman niya na umalis ako eh. Dala ang dalawang baso ng kape ay dahan-dahan kong kinalabit si Aizen sa likod.

Lumingon siya, pero muntikan ko nang matapon ang kape dahil bigla siyang umatras sa akin nang makita ako. Hindi ko naman alam na mas'yadong gulat si Aizen kapag nakalapit sa kanya ang isang tao. Napailing tuloy ako.

"Kape, gusto mo? Inom muna tayo. Malamig rin kasi dahil malapi nang mag-snow." Ngumiti ako sa kanya ng malawak.

Sa una ay hindi siya agad nagsalita at nakatitig lang sa akin, pero pagkalipas ng ilang minuto ay inabot niya rin ang kape na binigay ko sa kanya at dahan-dahang ininom.

"S-Salamat."

Aaminin kong nagulat ako sa mga katagang lumabas sa labi niya. Waah! Pakiramdam ko tuloy ay hindi si Aizen ang kausap ko ngayon.

Umayos ako ng pagkakatayo nang may maalala akong itanong sa kanya.

"Gusto mo bang gumala bukas? Kung ayos lang sa 'yo?"

Napansin kong bahagya siyang natigilan sa tanong ko subalit pagkalipas din ng ilang minuto ay marahan siyang tumango sa akin.

Hindi ko malaman ang naramdaman ko sa naging sagot niya. Pakiramdam ko ay bigla akong lumutang sa ere.

Siguro hindi lang ako sanay sa kinikilos ni Aizen ngayon? Siguro kasi ito ang unang beses na gagala kami?

Pero, normal pa ba itong saya na nararamdaman ko?

✓ETCIUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon