Transfer
Sa isang paaralan may mga nagtatransfer galing sa iba't ibang lugar,na iba't iba rin ang dahilan ng kanilang paglipat
Isa sa mga problema ng mga transferee students ay ang salitang 'pakikisama' dahil kailangan nila ito upang magkasundo sila ng mga magiging kaklase nya,ngunit paano kung hindi nya magawa ito dahil iba ang trato nila sakanya.
'makakaya nya kaya?'
AC's Pov
"Nak!Gising kana baka malate ka sa papasukan mo transferee ka pa naman!"umalingawngaw ang tinig na iyon ni mommy sa labas ng kwarto ko.
"Opo mommy!" sagot ko
mabilis akong tumayo sa kama at pumunta sa cr upang maligo,nagbihis narin ako kaagad ng uniform namin na hanggang taas ng tuhod lamang ang haba,ang blouse namin na puti,ang necktie na pula at ang vest na blue na pinapatong sa blouse.hindi ako sanay sa ganitong uniporme kaya medyo natagalan ako sa pagbihis, pagtapos non ay agad akong bumaba at nakita sila mommy at manang sa kainan.
"Anak kain kana muna bago ka pumasok"sabi ni mommy kasabay ng paglapag sa hapag kainan ng niluto ni manang na bacon at hotdog,Tumango nalang ako at umupo,binilisan ko ang aking pagkain para hindi ako malate sa papasukan.
"Sabay kayo ni kuya mo tuwing papasok dahil wala kang sasakyan AC ha"sabi ni mommy at sumulyap kay kuya na nasa tabi ko lang
"Alis na kami Ma!"sabi ni kuya Arnold at binuksan na ang pinto
"Mag-iingat kayong dalawa ng kapatid mo Arnold ha bantayan mong mabuti yan"pahabol naman ni mommy at tumango lang si kuya at pumasok na kami sa sasakyan nya.
Pagkaandar ng sasakyan ay doon ako nakaramdam ng kaba,nakakakaba naman talaga dahil unang araw ito ng pasukan,hindi ko namalayan nandito na pala kami sa gate ng school na may nakasulat sa itaas na 'Pangasinan International School'. Taray ng name!Bumaba na kami ni kuya ng sasakyan at binilin ako na magbehave sa klase,alam ko na yan pinagmumukha naman nila akong bata eh huhu
"Kaya ko to!" sambit ko sa sarili habang papunta sa magiging classroom ko,hindi nagtagal nadaanan ko naman ang isang pintuan na may nakasulat sa itaas na 'section 1' bwahahahaha syempre matalino ako kaya dito ako nilagay,ang 4th year highschool ay may 8 na section pero ang balita ko sa section 8 ay lalaki silang lahat na nadoon,good thing hindi ako napunta doon.
Hindi ko maipaliwanag ang kaba ng nararamdaman ko na unti unti kong buksan ang pinto ng nagiging room ko,ngunit kailangan ko nalang lunukin ang kaba ko para hindi naman nakakahiya sakanila balita ko pa naman ako lang transferee dito huhuhu.tuluyan na akong pumasok kaya biglang naging tahimik ang mga tao sa classroom.
'ayan na yung transferee'
'chicks pre'
'wag ka nga maingay marinig ka'
dinig kong bulungan ng mga kaklase ko at may lumapit naman saakin na magandang babae at mukhang mabait.
"Hi,ako nga pala si Sarah ako ang president dito" nakangiti nyang sabi sakin at inilahad ang kanyang kamay para makipagkamay
"Ako nga pala si Arcel Cassandra Ferrer,AC nalang"nakangiti ko ring sabi at nakipagkamay
Sakto naman at biglang dumating ang lecturer "Hi class ako nga pala si Sir Benjie at ako ang magiging adviser nyo sa taong ito" sabi nya at bumungad sakin
"Ikaw si Arcel Cassandra hindi ba? sabi nya at tumango naman ako "Sad to say pero kakasabi lang kasi ng registrar na ililipat daw ikaw sa section 8 dahil wala silang magiging candidate sa Mr. and Ms. PIS dahil puro sila lalaki"
BINABASA MO ANG
Ang Muse Ng Section 8 (On Going)
Teen FictionPara saakin,ang Highschool life ay ang pinakadabest sa lahat ngunit paano kung ang pagtransfer mo sa ibang paaralan ay syang magpapahirap sa iyong buhay ngunit doon mo makikita ang totoong lalaking nakalaan para sayo? Sasayangin mo pa ba ang pagkaka...