A R C - 1
H I K A G U R A • F A M I L Y
Madilim ang paligid. Napakatahimik. Sumasabay pa rito ang malakas na hangin at tinatangay ang ibang mga papel na nakakalat lang sa kalsada. Walang tao sa labas at ang tanging nagbibigay lang ng liwanag sa madilim na paligid ay ang mga poste at ang maliwanag at bilog na buwan.
Tahimik ang lahat nang binasag ito ng mabilis na mga yapak ng isang tao. Ito'y nagtatakbo. Parang may iniiwasan. Parang may tinatakasan.
Kung ibabase sa hubog ng katawan at ang mahabang buhok nito na sumasayaw sa hangin, siya ay isang babae.
Napalingon ito sa kaniyang likod. Nanlaki ang mga mata nito dahil hindi niya lubos maisip kung bakit hinahabol parin siya ng isang tao. Teka, hindi tao.
Halimaw.
Tao ang postura. Parang tao kung tumakbo. Ang pinagkaiba lang ay ang mga mata nito na kulay pula at halatang hayok sa pagkitil ng buhay, ang bibig na nakanganga at kita ang dalawang pangil na sobrang haba. Pumapatak pa rito ang pulang likido. Ang huli, ang totoong itsura nito kapag nailawan.
Dahil sa liwanag ng iilang poste at ng buwan, kitang-kita ng babae ang totoong mukha nito. May mga namumuong mga balahibo sa kaniyang braso, mukha at binti. Ang kaniyang ulo ay tinubuan din ng mga tenga na katulad ng sa oso at ang buntot nito na kasing haba ng kaniyang paa.
Nang lumiko ang babae sa isang eskinita, parang lumubog ang puso nito nang makitang pader ang nasa harapan niya. Wala na siyang magagawa kundi ang labanan ang humahabol sa kaniya.
BINABASA MO ANG
The Art Of Slaying Demons
FantasyWhen Lychee Hikagura's older sister died due to the attack of demons, the heiress of the Hikagura Family, the head of the family decided to give the family ornament to Haya Dior-her cousin. She felt betrayed by her family. Out of rage, she secretly...