1.4 [The Demise of Eel Demon]

9 4 0
                                    

A R C — 1

H I K A G U R A F A M I L Y

•The Demise of Eel Demon•

"How long are we going to hide here? Linalamok na ako." Maarteng wika ni Sykee habang pinapalo niya ang kamay kung saan dumadapo ang mga lamok.

"Ba't kasi wala tayong robe katulad ng chakang Nel na 'yun?" Dagdag niya.

"Kapag matapos daw ang mission na'to ay magkakaroon na tayo ng robe. Ginagawa pa lang daw kasi." Sagot ko. Nasabi kasi ni Nel 'yun last last day? Hindi ko na maalala kung kelan.

"Guys, shhh. Lumalabas na ang dalawang employee."

Katulad ng sinabi ni Leo, lumalabas na nga sa café ang dalawa. Pinatay muna nila ang mga ilaw at siniguradong nakapatong ang mga upuan sa mesa bago sila lumabas ng café.

As expected, magkaibang way sila kaya wala kaming nagawa kundi gawin ang plinagplanuhan. Dark at Sykee sa suspect number 1. Ako at si Leo naman sa suspect number 2.

Naglalakad kaming dalawa ni Leo at sinusundan ang target namin. We're not too close to her dahil baka mahalata kami. Maya-maya'y pumasok ito sa eskinita.

Wait, this seems familiar.

Pagkapasok namin, nagulat kami ng wala na siya. Saan siya pumunta? Kinuha ko ang butterfly swords ko sa likod. Ganun din ang ginawa ni Leo.

"Saan na siya?" Tanong ni Leo.

"Hindi ko rin alam." Sagot ko sa kaniya.

Linilibot namin ang paningin namin sa madilim na eskinita. Pinakiramdaman kung may demon ba sa paligid.

"Obviously speaking, siya ang demon?"

"Pwe—" Hindi ko natapos ang sasabihin ko nang may naramdaman akong hininga sa batok ko.

"Pwedeng oo pero pwede ring hindi hihihi."

Agad kong isinasiwas sa kaniya ang weapon ko pero like the other night, sumulas ito sa balat niya. Umatras ito at tumalon ng napakataas at naglanding sa harap namin.

She still wears her café uniform and also, nasa human form pa siya.

"I already knew you all were going to confront me. Ang hindi ko inexpect ay dalawa lang kayo. Mapapadali ang pagpatay ko sa inyo hihihi."

"Really?"

"Of cou—" Hindi ko siya pinatapos sa pagsasalita. With all my strength, mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya.

"Life Secret Art: Form 2; Peony of Agony." With my weight, I twist my body to create a momentum at land a blow to her.

A large blast followed at tumilapon ito sa pader.

"Yun na 'yun? Ni hindi man lang ako nasaktan hihihi."

"Yeah. Peony of Agony isn't just an offense move. It also a binder technique which bind the target after a blast these swords made."

Noong una ay hindi niya nagets ang sinabi ko. She was about to say something when vines from the ground start to enveloped her body made her moves limited.

"Hihihi a petty move for a water demon? Pathetic demon hunter." After what she said, we heard a couple of growls from her.

Unti-unting umiiba ang kulay ng balat niya. From light brown to gray. Her hair strands became white. Her teeth became sharper and larger. Her nails grew. And lastly, the similarities of every demon, her black pitched eyes turned to bloody red.

The Art Of Slaying DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon