1.3 [The Eel demon]

9 4 0
                                    

A R C - 1

H I K A G U R A F A M I L Y

•The Eel Demon1•

Pauwi na ako sa bahay at kakatapos lang ng discussion sa mission "kuno" namin. Actually, dapat kanina pa kami tapos sa discussion at dapat kanina pang hapon ako nakauwi. Kung hindi lang kami (sila) nagtalo kung sino ang magiging leader ng grupo namin ay hindi pa ako na-gabi sa pag-uwi.

"So listen guys," panimula ni Nel. Should I call her ate or ma'am? Bahala na. Nel na lang.

"May demon na gumagambala ngayon malapit sa Academy. Minsan, araw-araw may biktima sita pero minsan ay minsan lang. Pero kaninang umaga, may balita na naman. May biktima na naman siyang bago at sa loob ng café naman ngayon. Dati kasi ay malapit lang sa café pero ngayon ay sa loob na. Ang mas disturbing ay may evidence na kaming nakita na nagsasabi kung anong klaseng demon ang haharapin ninyo." Sabi ni Nel. May kinuha siyang brown folder malapit sa kaniya at binigay sa amin. Sa loob nito ay mayroong mga pictures. Wait, familiar to ah?

"Sa Relonda Café ba 'to? The one with the brown, black, and white theme or something?" Tanong ko.

"Paano mo nalaman?"

"I was there when this crime happened or after it happened? I don't know. Basta doon ako nang makita ang bangkay."

"Ano ang insights mo? May napansin ka bang kakaiba?" Tanong naman ng lalaking may gray na robe. Ba't kasi hindi pa siya nagpapakilala?

"I found something suspicious. 'Yung sinasabi niyong evidence, probably it has something to do with a slimy thingy? Napansin ko kasi na mayroong slime, hindi ko sure, sa sahig. With that, pwede nating ma-conclude na water demon 'to. In addition, may kakaiba rin akong naamoy. Parang malansa o mabaho. Well, mabaho naman talaga ang demons eh." Sabi ko. Nakangiti namang nakatingin si Nel sa'kin gayun din ang lalaking naka-robe. Pero matalas ang tingin ni Light sa'kin. Baka anytime papatayin na niya ako. Creppy.

"Wait, sabi niyo laging malapit sa café natatagpuan ang biktima pero ngayon ay sa loob na. May possibility bang employee ng café ang demon?" Napatingin naman kaming lahat kay Leomord. I'll call him Leo na lang since ang haba kapag Leomord.

"That's an angle worth looking at." Sabay tango ni gray robe.

"Ang mission niyo ay mapatay ang demon na 'to. Kayo na bahala kung paano." Si Nel na naman ang nagsalita. Siya ba ang spokesperson ng dalawang lalaki?

"Eh anong sabi niyong tutulungan niyo kami sa plan na sinasabi niyo?" Mataray na tanong ni Sykee.

"Ang primary offense ng grupo ay si Dark at Lychee since melee fighters sila and uses weapon that can land a huge blow. Leomord, can you retrieve your dagger once you throw it with extreme accuracy?" Walang ligoy-ligoy na sabi ni gray robe. So ito pala ang sinasabi nilang tulong. They will help us strategize our moves since hindi pa talaga namin kabisado ang technique ng bawat isa.

"That's my fighting style." Sagot naman ni Leo.

"Good. Sykee, your weapon is great but you are more effective when you support them. When they attack, you attack the demon in his or her blind spot. Understood?" Parang ayaw ni Sykee sa idea ni gray robe pero tumango na lang siya. Maybe she realized what the gray robe said is true.

The Art Of Slaying DemonsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon