A R C — 2
M I Y A M O T O M O U N T A I N
•The Riddle•
"Tell me guys na kaya ko 'to." Hingal na hingal na wika ni Sykee.
"Kaya mo 'yan. Last three laps na lang tayo." Pagche-cheer up ni Leo sa kaniya.
After namint ma-fully healed, bumalik ulit kami sa pagtakbo ng 50 laps. Hindi lang 'yun, every morning ay 50 laps at every afternoon ay 50 laps din. All in all, we ran 100 laps everyday. Sinong hindi mapapagod dun? Idagdag mo pa na hindi biro ang laki ng oval na linilibot namin.
"Bakit kasi puro takbo tayo? Wala bang other classes like history or something?" Tanong ko. Sabay-sabay kaming tumatakbo dahil 'yun ang napagdesisyunan naming apat. Kailangan daw naming tumakbo as a team.
"Ewan ko din kung bakit binago ang schedule." Sagot naman sa'kin ni Leo.
After we are done running all day, pinaligo muna kami sa room na nasa third floor dahil kailangan daw naming pumunta sa headmaster's office. Hindi ko alam kung para saan. Tinanong ko si Leo pero hindi niya rin alam.
Ang ganda talaga ng room na para raw sa mga Nimrod like us. There's bedrooms, kitchen, comfort rooms, and also, may veranda. Oh dba, sosyal? Ganda lang talaga.
Nang matapos na kaming maligo, agad din kaming pumunta sa headmaster's office na nasa pinakamataas na floor dito sa building na'to. Ang sabi sa'kin, ang whole 10th floor daw ang office niya. Ang laki.
Sumakay kami sa elevator para makarating sa 10th floor. Si Dark na ang pumindot ng number 10.
"Sa tingin niyo, ano ang dahilan kung ba't tayo pinapatawag?" Tanong ni Leo.
Napaisip din ako sa tanong niya.
"Baka may bagong mission." Sagot ni Dark.
"Or baka may tokens na ibibigay sa'tin? You know kasi natalo natin ang eel demon na 'yun." Si Sykee naman ang sumagot.
"Agree. 10 days na ang lumipas pero ni isang salita mula sa nakakataas ay wala tayong natanggap. Maybe we are going to receive something from them."
Tumango naman ang mga kasamahan ko.
Nang nasa 10th floor na kami, kusang bumukas ang elevator. We stepped inside.
Pinagmasdan ko ang paligid. Madilim ang lugar kung saan kami pero maliwanag ang pinakadulong part ng floor. May malaking chandelier sa taas at may mga ilaw rin na nakakabit sa pader. Idagdag mo pa ang bukas na veranda.
Dahan-dahan kaming lumapit sa malaking table na nasa dulo ng floor. Habang lumalapit kami, linibot ko ang paningin ko. Parang library ang office ng headmaster dahil sa mga naglalakihang bookshelves. Kaya nagmumukhang hindi spacious ang office niya kahit sa kaniya ang whole floor ay dahil sa mga bookshelves. He or she must love reading books.
Iniisip ko palang na nagbabasa ako ay parang hindi ko na kaya. Sa aming magkakapatid, si Ate talaga ang maalam sa mga libro.
"What's this?" Inangat naman ni Sykee ang maliit na piraso ng papel na nakapatong sa maliit na mesa.
May malaki kasing table at 'yun siguro ang table ng headmaster. May another na table naman para sa mga visitors siguro na napapalibutan ng couches.
Lumapit naman kami kay Sykee para basahin ang nakasulat.
Greetings!
I'm not here anymore because there's a meeting inside my other office. Here's the clue or a riddle how to get inside.
![](https://img.wattpad.com/cover/228898745-288-k523873.jpg)
BINABASA MO ANG
The Art Of Slaying Demons
FantasyWhen Lychee Hikagura's older sister died due to the attack of demons, the heiress of the Hikagura Family, the head of the family decided to give the family ornament to Haya Dior-her cousin. She felt betrayed by her family. Out of rage, she secretly...