Impostor
"Babe, I'll be gone for a days. May ime-meet akong client sa Japan." Kumalas ako sa pagkayap kay Tristan. Ngumuso ako.
"Na Naman? Kaaalis mo lang noong isang araw ah?" Umahon ako sa pagkakahiga at umupo sa kama. Binalot ko ang hubad kong katawan ng kumot. Tristan extended his arms to reach for my waist.
"Babe, sorry na. This is pretty important. I need to close this deal para mas lumago pa ang kumpanya. And besides para sa future rin naman natin ito. Pero promise! Babawi ako pag balik ko! Date tayo!" Pang-uuto sa akin ni Tristan. Mas lalo tuloy akong ngumuso.
"Palagi ka namang ganyan eh, dinadaan mo ako sa date² na iyan. Pero dahil mahal kita sige na nga!"
Kinabukasan nga ay umalis si Tristan. Naiwan na naman akong mag isa. Para hindi mabagot ay nag linis ako ng condo. Hapon na ng matapos ako at naligo ng may kumatok sa pinto.
"Sandali lang!"
"Sin---- Tristan?!" Gulat kong sabi at masayang umakap sa kanya.
"I missed you, hon." Bulong nito. Nanigas ako sa kinatatayuan ng sabihin niya iyon. Bakit parang may kakaiba sa kanya. Bakit parang pamilyar ang sinabi niya sa akin at ang paraan niya ng pag hagod sa buhok ko. Kumalas ako sa pag kakayap sa kanya at tinigan siya. Hindi ko alam kong bakit parang kilalang kilala ko na siya eh dapat lang naman dahil boyfriend ko siya. Pati ang pag ngiti niya sa akin ay nag dudulot ng kakaibang pakiramdam. Alam mo iyong pakiramdam na parang bumabalik ka sa nakaraan at parang naranasan mo na. Deja Vu.
"I missed you too, hon." nagulat ako sa sinabi ko. Parang may sariling utak ang bibig ko. "I love you." Ng sabihin ko iyon ay bigla niya akong sinunggaban ng halik. Halik na nag palukso sa puso ko. Para akong nakikiliti. Hindi ko alam kung anong nangyayari pero ang alam ko'y masaya ako, napakasaya.
Hindi ito ang unang beses na may nangyari sa amin ni Tristan pero ito ang unang beses na nakaramdam ako ng matinding saya. Kung ano man ito ay isa lang ang sigurado ako. Gusto ko ito.
"Hon, nood tayo ng movie." Aya ko kay Tristan. Kalalabas niya lang sa cr. Bagong ligo. Towel lang ang manggas na nakatabon sa hubad niyang katawan.
Nilingon niya ako at kinindatan. Sa kindat niyang iyon ay nagbigay sa akin ng kakaibang kilig. Pag labas niya ng walk in closet ay naka boxer na ito at sando. Lumapit siya sa akin at dinungaw ako. Nakaupo ako at dahil matangkad siya ay todo dungaw siya.
"Teen fic?" Tanong niya sa akin ng nakangiti. Ngumisi ako ng malaki at parang Bata na tumango.
Kinabukasan ay nag pa alam si Tristan na aalis muna raw siya.
"Saan ka pupunta?" Naka nguso kong tanong. Lumapit siya at hinalikan ako sa noo. Hindi ko tuloy maiwasang hindi kiligin.
"May ime-meet ulit akong client."
"Kailan ka uuwi?" Binuhat niya ako at isinandal sa likod ng pinto ng kwarto.
"I don't know but I promise I will be back."
Noong araw na iyon ay naiwan na naman akong mag isa. Pero kung noon na umaalis si Tristan ay malungkot ako dahil mag isa na naman ako ay ngayon masaya pa ako. Kinikilig ako sa tuwing naalala ko si Tristan.
Himalang nakatulog ako sa gabi na hindi malungkot dahil mag isa ako. Himalang nakangiti ako habang inaalala si Tristan sa pag tulog ko ng gabing iyon.
"Wait!" Excited kong sigaw ng may kumatok. Alam Kong si Tristan iyon. Ang malaking ngisi ko ay unting unting nag laho. Ang kasihayang nararamdaman ko ay nag laho. Bumungad sa akin ang Tristan na galit na galit.
"Tristan!" Nagulat ako ng kanya akong tinulak dahil nakaharang ako sa pintuan.
"What happened?" Nag-aalalang tanong ko. Nilingon niya ako ng may masamang tingin. Umurong ang dila ko.
"Huwag mo muna akong kausapin lintek na iyan!" Padabog niyang isinarado ang pinto. Bakit may dala siyang maleta? Eh iyon ang maletang dala niya noong nakipagmeet siya sa client sa Japan. Sa pag kaalala ko wala siyang dalang maleta noong umalis siya kahapon.
Na ulit pa ang pangyayaring iyon. Noong umalis ulit si Tristan patungong Spain ay nag sabi siya na isang buwan siyang mawawala pero himalang nakabalik agad siya kinabukasan. Ang sabi niya ay hindi daw na tuloy. Nakakapagtataka lang dahil hindi niya suot iyong bracelet na regalo ko sa kanya. Ibang iba rin siya. Bumalik ulit iyong sweet at clingy na Tristan.
"Hon, I love you." Bulong nito na nakayap sa likuran ko habang nanonood kami ng movie.
"I love you too, hon."
Sa isang buwan na kasama ko siya ay puno ng saya ang puso ko.
Palagi kaming lumalabas para mag date. Minsan rin kaming pumunta ng Boracay. Napakasaya ko noong mga araw na iyon. Akala ko hindi na matatapos iyon pero nag kamali ako. Pag uwi namin galing Boracay ay tumambad sa akin at isang lalaki."T-tristan.." nanlaki ang mga mata niya ng makita ang lalaking kasama ko.
"Who the fuck are you?!" Hindi makapaniwalang ani ni Tristan.
Unting unting nag silabasan ang mga luha ko.
"B-bakit? Bakit kamukha kita?!" Gulantang na sabi ni Tristan. Nilingon ko ang lalaking kasama ko. Mapait akong ngumiti.
"Kev..."
Naalala ko na ang nakaraan ko. Hindi ako si Marianne. Ako si Kristal Ocampo. Ang babaeng naaksidente kasama ang boyfriend. Nasangkot kami sa isang Car accident. Ang lalaking kasama ko ay hindi nakaligtas samantalang ako ay nawalan ng alaala. At Ang lalaking kasama ko noon ay si Kevin.
Unti unti akong lumapit sa kanya. Hindi ko na mapigilan ang mag agos ng mga luha ko.
Ngumiti siya sa akin at unti unting nag bago ang mukha nito. Lumabas ang tunay niyang mukha na minsan ko na ring nakita sa isang buwan na mag kasama kami."T-thank you..... Dahil tinupad mo parin iyong pangako mo noon bago tayo maaksidente. Tinupad mo ang hiling ko na sana sa 10th Anniversary natin ay kasama parin kita." Hinawakan niya ang mga kamay ko at dinala ito sa mga labi niya.
"Lahat gagawin ko para sayo. Mahal na mahal na mahal kita. Huwag mong pababayaan ang sarili mo. Palagi ka lang masaya. Kahit mawala man ako ay palagi kitang babantayan. Tinupad ko ang pangako ko sayo kaya wala na akong rason para manatili. I love you, Kristal."
Malabo man ang paningin ko dahil sa mga luha ay kitang kita ko paano siya nag laho. Kung paano nag laho ang taong pinakamamahal ko.