Chapter 2

16 0 0
                                        

Hinila ko si Mariel paalis kasi hindi ko na masikmura ang nakita ko. Aside sa movies or sa books, wala pa akong nakitang ganyan kasama in real life.

We walked back to the classroom.

"Akala ko ba kakain tayo?" tanong ni Mariel maya-maya.

"Wala na akong gana," sagot ko sa kanya.

"Gutom pa ako eh," she whined and pulled me back towards the canteen. I reluctantly followed her.

Angel was still there, crying, and her friends were finally beside her and consoling her. Liza was there and Mariel immediately went to her, pulling me along.

Liza was shaking her head with a grim expression on her face. We didn't say anything. Mariel pulled both of us towards the canteen.

"That was cruel," Liza remarked when we were out of earshot.

"Oo nga," Mariel agreed, shaking her head.

"Nag-aano sila," I blurt out, unable to stop myself.

Sa lahat ng nangyari kanina, that information kept me from moving on. Hindi kasi ako makapaniwala. Hindi talaga ako agree sa pre-marital sex na 'yan. Parang nakakadiri, tapos kapag nabuntis, nakakabigti. Especially if hindi ka pinagutan ng partner mo. Tapos hindi ka pa tatantanan ng konsensya mo kasi alam mong mali. Alam mong malaking kasalanan 'yon sa mata ng ibang tao, ng mga kaibigan mo, ng pamilya mo at lalong-lalo na sa mata ng Diyos.

That's why it kept plaguing me kung bakit nagpauto si Angel. Hindi ko maintindihan. Dahil ba 'yon sa pagmamahal? Ganyan ba ka-intense ang pagmamahal at kaya mong ibigay ang lahat? Kahit alam mong walang kasiguruhan at alam mong hahantung sa gan'on? If love was like that, makokontento na lang akong mahalin ang sarili ko. At least walang mawawala sa 'kin.

"I heard. Grabe 'no?" Liza shrugged. "Sabagay, matindi naman talaga ang kamandag ni Chase."

I turn to her sharply. "Bakit? Sino ba 'yung lalaking 'yon?"

Both of them turned to me in disbelief. "Hindi mo kilala si Chase Mondragon?" Mariel said slowly to me.

"Ha?"

They both face-palmed when they saw my clueless reaction.

"Girl, saang kweba ka ba tumira at hindi mo kilala ang lalaking 'yon? Since first year, kilala ko na siya."

"Me, too," Mariel quipped. "Palagi kaya 'yon pinag-uusapan ng mga students sa university. Kulang na lang, eh, dumugo ang mga tenga ko kasi puro Chase ang naririnig kong bukambibig ng mga estudyante sa lugar na 'to."

I grew more confused. Kung ganyan pala kasikat ang lalaking 'yon, bakit wala man lang akong narinig tungkol sa kanya?

Mariel rolled her eyes when I said nothing. "Hay, palagi ka na lang kasing nakatira sa mundo ng mga fictional characters ng librong binabasa mo. Makibagay ka naman sa planetang Earth, Alex."

"Tomo," Liz agreed.

"Oo na, ako na ang weird. So sino ba siya?"

"He's the son of the university president. Gwapo, mayaman, makisig at matalino. Wala lang sa hitsura, pero puro daw kandila ang grades niya. Matinik siya sa babae at sa narinig ko, ang pinakamatagal niyang relationship ay 2 months lang."

"Two months?!" I exclaimed. "Relasyon pa ba ang tawag dyan?"

"Ewan. Mukhang madali siyang mag-sawa eh." Mariel shrugged. "Anyways, well-known na ang ugali niya pero ewan ko ba't hindi pa din tumitigil ang mga babae sa kakahabol sa kanya."

"Gwapo eh, ano pa ba ang magagawa natin? Baka nga maganda din ang katawan kasi agad nalaglag 'yung panty ni Angel," ani Liza.

Despite our serious talk, I laughed. "What kind! Watch your mouth, Liz! Wala ka talagang preno!"

The Rule BreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon