Nakita ko sila sa main gate, nakaabang. Mariin na sinurusi nila ang mga lumalabas at napapa-alert sila kapag may nakitang high school student na kamukha ko.
Agad akong nagtago at sinilip sila. There were only 4 of them at wala si Chase. Nasaan siya?
Umiling ako. No, that's not important. Ang importante, paano ako makakalabas?
I walk back to the highschool building at eksaktong nakita ko ang kuya ko. May kasama itong babae at mukhang sasakay na sila sa motorbike.
Agad akong tumakbo papunta sa kanya. "Kuya!" tawag ko.
Lumingon siya sa 'kin, confusion all over his face.
"Oh?"
"Pwede mo ba akong ihatid sa sakayan ng jeep?"
"Ano?" Bulalas nito. "Ayoko! Maglakad ka na lang. May pupuntahan pa kami."
Tinignan ko ang babaeng kasama niya. Girlfriend ba 'to ni kuya?
Sumakay sa motorbike ang kuya ko. Bumalik ang atensyon ko sa kanya. Hindi pwede! Siya lang ang pag-asa ko para makatakas sa lugar na 'to.
"Sige na! Hindi ako makalakad eh. Inaatake na ako," sabi ko sabay drama na nahihirapan kuno akong huminga.
He eyed me in annoyance. "Nasaan ba kasi ang inhaler mo?"
I smiled sweetly at him. "Naiwan ko sa bahay eh."
"Peste ka," he snarled. "Sakay na."
I smiled brightly at agad umangkas sa kanya. Success!
"Ely," tawag nito sa babaeng kasama nito. "Dito ka lang. Babalik ako agad."
Tumango lamang si Ely. Pinaandar na ni Kuya ang motor at umalis na kami.
"Sabihin mo nga kuya, girlfriend mo ba 'yon?" usisa ko.
"Hindi pa," sagot agad nito.
Tumaas ang kilay ko. Aba! Luma-lovelife si manong!
Malapit na kami sa gate. They were still there. Ngayon ay anim na sila. Chase was leaning beside the gate at naghahanap sa 'kin.
I duck my head. Ayokong makita nila ako at baka pahintuin nila kami. Syet na talaga kung maunsyami pa 'tong plano ko.
I bow my head and let my hair cover my face. Todo kabog ang dibdib ko. Hindi sana nila ako makita. Hindi sana. Hindi sana...
We pass by the gate and sped towards the highway. I lift my head and stare around.
A big smile made its way across my face. SUCCESS! NAKALABAS NA KAMI!! Waaaa!!
Unang araw pa lang ay nakalusot na ako! Yay! I just need to keep this up and I'll be fine. Just as long as hindi mag krus ang landas namin ng mga damuhong 'yon.
Nakarating kami sa mall. Malapit kasi ang university sa mall at doon ako sumasakay ng jeep. Hanggang sa main entrance ng mall lang ako hinatid ng kuya ko. Hindi na ako umangal dahil mukhang may date ang isang 'to.
Pumasok ako sa loob.
I pass by the ice cream parlor and stare at it longingly. I love sweets, lalo na mga desserts, pastries, cakes, ice creams... you name it. Hindi na ako magtataka kung magka-diabetes ako in the near future. But since wala akong pera ngayon, derecho ako sa bahay.
I eye my phone clock. Alas tres pa pala. Mag-aaral na lang ako sa bahay kahit wala kaming quiz. Maaga pa pero wala na talaga akong pupuntahan. I'm a good girl like that. Umuuwi talaga ako sa bahay ng maaga and never after sunset.
Naglakad ako papuntang sakayan ng jeep.
I always look down when I'm walking. Tinitignan ko lagi kung saan ako tumatapak, dahil na-trauma ako nung nahulog ako minsan sa kanal kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
Alam ko naman na walang kanal sa loob ng mall, pero baka madisgrasya ako ng ibang bagay.
Kaya naman, muntik na akong tumilapon nang bigla akong bumangga sa isang katawan na nag-magically appear sa harapan ko. Hands held me in place to keep me from falling on the ground.
I look up to find Chase Mondragon's smirking face. I immediately jumped away from him.
"Why, hello there. We meet again," Chase said smugly.

BINABASA MO ANG
The Rule Breakers
RomansaRules are meant to be followed. But what happens when you break them?