Nobody made a sound. Lahat ng tao sa canteen ay natahimik at nakatingin sa direksyon namin.
Ang mga kaibigan ni Chase ay nakanganga lang at nakatingin sa 'kin, nakaluwa ang mga mata at tila hindi makaniwala sa nangyari.
I did not mind the stares. In fact, I'm not minding about anything at all. Galit na galit ako. Galit na galit sa mga taong 'to na kung makatrato ng ibang tao ay akala mo hayop.
These kind of people, they don't deserve to be here. Ang dapat sa kanila ay pinapasok sa rehab at pinapatino.
"You're name speaks so much about you. Habulin ka nga ng mga babae. Pero sana, habulin ka din ng karma," I said coldly. "Kasing daldal ng pwet ng manok 'yang bibig mo, hayop ka."
I turn to all of them. "Napakamiserable niyong lahat. Wala na kayong magawang mabuti sa mga buhay niyo at kailangan niyo pang mambaboy ng ibang tao para lang maaliw. Mga wala kayong hiya sa katawan. I'm sure, sa pwet ng mga nanay niyo kayo lumabas kaya kasing dumi ng nilabasan niyo ang mga ugali niyo."
I saw Mariel and Liza among the crowd. Bakas ang pag-aalala at takot sa mga mukha nila. Pero hindi ko na talaga kaya. Napaka-unfair kasi. Hindi matatahimik ang loob ko kung hindi ako magsasalita ngayon. For me, whatever happened between Angel and Chase should stay between them. Hindi itong pinag-uusapan at pinangangalandakan pa ni Chase sa harap ng mga kaibigan niya.
Angel and I weren't close, pero masasabi ko namang hindi siya masamang tao. She sure as hell doesn't deserve this. She doesn't deserve him.
Chase stood up slowly and turned towards me. His expression was unreadable but his eyes were swirling with rage. Masasabi kong nagtitimpi ito ng galit dahil halos sumabog na ang mga ugat nito sa leeg sa kakapigil sa sarili.
"Pwede ko bang malaman ang pangalan ng taong nangahas na buhusan ako ng toyo?" he said quietly.
I folded my arms across my chest. "That's the least of your concern, asshole. What you need to know is how to treat people properly. Mas masahol ka pa sa daga dahil dyan sa ugali mo."
He grabbed me forcefully by the collar and moved his face towards mine. "How dare you," he said through gritted teeth. "Wala pang nangahas na buhusan ako ng toyo."
"You deserved it anyway," I shot back. "Pasalamat ka nga kasi toyo lang ang binuhos ko sa 'yo at hindi gasoline. Afterall, you deserve to burn in hell!"
"Burn in hell? Ako pa ang masusunog sa impyerno?" He laughed without humor. "For a person so small, you surely talk big. Tell me, little one, sino sa ating dalawa ang most likely na masusunog sa impyerno?" He grinned evilly. He shoved me and I fell butt-first on the floor. "Tatandaan kita. I'll make sure you burn in hell," he said and stalked off.
Ilang minuto pa ang lumipas bago sumunod ang mga kasama nito. A guy with shoulder-length black hair was the last to follow him. He eyed me with disbelief before he smiled in amusement. Sumunod na din ito kay Chase.
Mariel pulled me to my feet and we walked out of the canteen. Pagkalabas namin, agad akong binatukan ni Liza.
"Aray!" bulalas ko.
"Tanga ka ba?! Bakit mo ginawa 'yon?! Nawala lang kami ng ilang sandali, gumawa ka na agad ng gulo?!" Liza exclaimed.
"Sorry. Hindi ko na kasi mapigilan eh. Napakabastos nila, hindi ko na magawang manahimik," sagot ko habang nakayuko ang ulo.
"Sana umalis ka na lang, Alex! Paano na 'to? They are the most notorious bullies in the university! Hindi ka nila tatantanan hanggang sa magdrop out ka!"
Bigla akong kinilabutan sa sinabi ni Liza.
Mariel hugged me. "Wala na tayong magagawa," she whispered. She looked into my eyes intently. "No matter what happens, mag-ingat ka Alexanna, okay? 'Wag na 'wag kang matakot na nagsumbong."
I stare at her eyes too at gusto kong umiyak. Ngayon lang ako natakot pagkatapos ng ginawa ko. Ngayon lang pumasok sa utak ko ang extent ng gulong pinasok ko.
"It's no use," Liza argued. "Si Chase ang anak ng university president. Kontrolado niya ang lahat. Kaya niyang baliktarin si Alexanna kung magsusumbong siya."
The way Liza said it, mukhang wala na akong pag-asa. Tears were starting to gather on my eyes and my lips trembled. Liza sighed and hugged me, too. "Ikaw naman kasi eh. 'Wag kang padalos-dalos. Ayan tuloy. Pero tandaan mo, no matter what happens, nandito lang kami Alexanna. Kakampi mo kami palagi," she whispered.
Tuluyan na akong umiyak. Hindi nila ako maliligtas sa gulong ito. At ayoko din silang damayin. Masyadong maluwag ang university at 2nd year highschool pa lang kami. We're still the underdogs. Katakot-takot nabullying ang mararanasan nila kung ipagtatanggol nila ako at baka masira ang high school life nila.
No, ayoko silang damayin. They were my only friends and I cherish them. It's my fight. I will get through this alone.
Pero ang tanong, paano?
BINABASA MO ANG
The Rule Breakers
RomanceRules are meant to be followed. But what happens when you break them?