Chapter Seven

5 0 0
                                    

I woke up to a pounding head and a dry mouth. I groaned and opened my eyes.

Blurry. Everything around me is blurry. Doon ko napagtanto na nawawala ang eyeglasses ko. Sira ang eyesight ko at hindi ako nakakakita sa malayo. It was the result of my short addiction to computer games noong elementary ako. Na-outgrown ko na iyon pero huli na ang lahat at nasira na ang mga mata ko.

"It's about time," someone said and my eyes immediately landed on the blonde-haired boy sitting across from me.

Hindi ko na kailangan ng salamin para malamang si Chase Mondragon iyon.

I gasped. "Nasaan ako?" I choked out. Napaka-dry talaga ng lalamunan ko. Kailangan ko ng tubig.

Pero magpapalamon muna ako sa lupa bago ko ipaalam iyon kay Chase.

Not when he's smirking evilly at me.

I swallowed and looked fearfully around me. It was dark. All the lights are off save for one swaying back and forth eerily above my head. Para akong nasa isang interrogation room.

Ang kakaiba lang ay hindi pulis ang kaharap ko kundi demonyo.

"Nakakadiri ka. You drool when you sleep. Maghilamos ka nga," angil ni Chase.

Hinawakan ko ang gilid ng mga labi ko and frowned at him. "Wala naman ah," bulong ko.

Hindi ako naglalaway kapag natutulog. In fact, I don't even move when I sleep. Kung ano ang posisyon ko bago matulog ay iyon din ang posisyon ko paggising. Kaya naprapraning ang Mama ko noong bata pa ako kasi parang patay daw akong matulog.

"Naglalaway ka sa kotse ko nang dalhin ka namin dito. Nakakadiri ka," ulit nito. "Idadagdag ko iyon sa mga atraso mo sa 'kin."

My eyes widened. "Ha? Mga atraso? Binuhusan lang kita ng toyo ah! Isa lang 'yon!" I retorted hoarsely.

"Binuhusan mo lang ako ng toyo?" Chase repeated slowly. "Eh tarantado ka palang babae ka!"

Chase lunged at me. My chair feel to the floor as I immediately jumped out of his reach.

"Pare, relax lang," sabi ng isang lalaking hindi ko kilala at hindi ko mamukhaan. Dalawa sila na pinipigilan si Chase sa balikat at pilit na pinapa-upo.

I stared wide-eyed at them. Doon ko napagtanto na hindi lang kaming dalawa ang nasa lugar na iyon.

There were the Rule Breakers. Nasa likod lang sila ni Chase at nakatago sa dilim.

"Ikaw din, Miss," someone said gently. He was half-hidden in the dark with his hands in his pockets.

"Umupo ka na!" Sigaw ni Chase.

I flinched and looked fearfully at him.

Natatakot ako. Ano ang gagawin nila sa 'kin? Makakalabas pa ba ako dito ng buhay? Ito na ba ang huling araw ko sa mundo? Lord, 'wag naman sana. Gusto ko pang tumanda at magkapamilya.

"Uupo ka ba o ako ang magpapa-upo sa 'yo?" Banta ni Chase.

I stared at Chase's furious eyes and froze. Nakakatakot. Para akong tumitingin sa mga mata ng isang nagwawalang hayop. Isang hayop na hindi mag-aalangan na saktan ako.

When push comes to shove, makakaya ko bang putulin ang pangako ko? Makakaya ko bang manakit ng ibang tao para ipagtanggol ang sarili ko?

Oo, gaga, kaya mo. Tinatanong pa ba 'yan? Baka gahasain ka niyan dito at tutunga-tunganga ka lang dyan! Duwag!

I shivered at that thought. Lord, 'wag naman sana. Baka magbigti ako kapag nangyari iyon.

Pero natatakot ako. Natatakot akong maulit na naman ang nangyari noon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Rule BreakersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon