Chapter 18- DimpleIsLife

259 7 0
                                    

RAINE'S POV

Ilang minuto ang binayahe namin ni Marco para makarating dito sa laundry shop na malapit lang dito sa ECU. Pagdating namin roon ay nadatnan namin si Edward na naglalagay ng labahin sa Front Loading Washer.

"Edward!" tawag ni Marco na namamadaling lumapit dito.

"Bro. Marco." gulat na Edward na napatayo.

"Bro... may sasabihin ako."

"Ano 'yon?"

Pumunta silang dalawa sa lugar na malayo sa akin. Anong pinag-uusapan nilang dalawa? Nakakapagtaka, bakit kailangan panglumayo sila sa akin.

Never mind. Kung usapan yan ng mga lalaki ay wala na ako pakialam. Inasikaso ko ang labahin ni Marco at pinasok sa Front Loader Washer. Inuna kong ilagay ang mga puting damit at pinaandar na iyon.

Umupo ako sa mga upuan na malapit sa kinatatayuan ko para doon maghintay. Pinagmasdan ko silang dalawa na nag-uusap. Naka-akbay pa si Marco kay Edward. Si Edward naman ay seryoso na nakikinig. Ngayon ko lang sila nakitang ganoon.

Tumunog ulit ang phone ko. Isang message na unknown number. Binuksan ko agad iyon.

ISAGANI : "Hi, Raine... sana makapunta ka ng library." text niya.

Na-delete ko na ang number niya pero nasa kanya pa rin ang number ko. Ayoko nang magkaroon ng ugnayan kay Isagani kaya delete ko na ang number niya. Mahirap na baka makita pa ni Marco.

Sa haba ng naging usapan nilang dalawa ni Edward ay natapos din sila. Lumapit na sa akin Marco at tumabi nang upo sa akin.

"Okay ka lang Ulan?" tanong niya.

"Ano'ng pinag-usapan ninyo?"

"Wala... may sinabi lang ako sa kanya."

"Ano nga?"

"Secret." ngumiti na siya.

Binalingan ko si Edward. Nakita ko siyang may tinawagan agad sa cellphone niya. Ano kaya pinag-usapan ng dalawang ito?

"Ano kasi Mahal?" pangungulit ko.

"Wag kang mag-alala mahal, hindi babae ang pinag-usapan namin. Bagay na kami lang mga lalaki ang nakakaalam."


Na-curious tuloy ako sa pinag-usapan nila. Kung hindi naman babae ang lilihim nila, siguro ay hindi na importante. Nanahimik na lang ako at inasikaso ang mga labahin ni Marco. Ilang saglit ay natapos na si Edward.

"Raine, Marco... una na ako sa inyo. May klase pa kasi ako." paalam ni Edward.

"Ingat..." paalam din namin kay Edward.


Mabuti pa itong si Edward ay kayang atubagin ang labahin niya pero itong si Marco. Napa-iling ako, ang boyfriend kong kasama ngayon. Kailangan ko pang samahan para asikasuhin ang sarili niya.

"Ulan I love you..."

"Ano'ng nangyari sa'yo bigla kang nag-I love you?"

"Thank you for taking care of me." sabay halik niya sa buhok ko.


Iwan ko ba kung magagalit ako sa kanya dahil hindi niya kayang asikasuhin ang sarili... pero nang marinig ko ang katagang iyon ay lumambot ulit ang puso ko. Kahit pabebe itong si Marco ay napakalambing niya sa akin kaya ayos lang sa akin na asikasuhin siya. Ginagawa ko lang naman ito kapag may free time ako.

"Basta ayusin mo pag-aaral mo Marco. Okay na sa akin."

"Ikaw ang inspiration ko Raine." ngumiti ulit siya at umakbay sa akin.

Chasing the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon