Chapter 47- Ipaglaban mo

201 9 1
                                    

RAINE'S POV

Sa kama pagising ko, unang tumatatak agad sa isip ko ang break up namin ni Marco. Sa matagal na panahon ay ito ang kauna-unahang araw na naging single ulit ako.

"Raine... kape tayo." yaya sa akin ni Mellisa na mag-isang nagkakape na nakaupo sa harap ng lamesa.

"Mamaya na." napatagilid ako ng higa sa kama.

Wala pa akong ganang kumilos sa araw na ito. Sa hiwalayan namin ni Marco, hindi ko alam kong saan ako mag-uumpisa. Sana ay panaginip lang ito at isang bangungot.

Unti-unti ulit bumabagsak ang luha ko ngayon habang nakahiga. Hindi ko akalain na kaya kong saktan si Marco nang ganun. Iniwan na niya ako. Wala na ang engagement naming dalawa.

Tumunog ang phone ko. Pagtingin ko sa phone ay isang tawag sa bahay.

Dad is calling... sinagot ko agad iyon.

Me : "Hello Dad." malungkot na sagot ko.

Him : "Raine... ano'ng nangyayari sa inyo dyan?"

Me : "Bakit Dad?" nakakapagtataka biglaan ang pagtawag niya sa akin.

Him : "Raine... magtapat ka sa akin, may problema ba kayo ni Marco?"

Me : "Dad... ang aga naman ng tanong ninyo."

Him : "Tumawag ang Dad ni Marco sa akin, may nagawa ka daw kasalanan dyan."

Me : "Dad... let me explain."

Him : "Raine... totoo ba na nahuli ka ni Marco na may kahalikan kang ibang lalaki dyan?"

Nag-umpisa na akong manlumo ulit sa tanong sa akin ni Dad. Pag-gising ko sa umaga ito agad ang bungad sa akin. Hindi ko maintindihan si Marco bakit sinumbong agad niya ang problema naming dalawa sa pamilya namin.

Wala na bang halaga sa kanya ang mararamdaman ko. Inaamin ko nagkamali ako pero sana ay napag-usapan muna ang problema namin dalawa bago sabihin sa pamilya ko. Nagmumukha akong masama sa pamilya ko dahil sa sumbong na ginagawa ni Marco.

Me : "Dad... I'm sorry, inaamin ko nagkamali ako."

Him : "Raine, hindi ko akalain na nagawa mo iyon kay Marco... hindi ka namin pinalaki ng Mom mo nang ganyan."

Me : "I'm sorry dad, I will fix this... patawarin mo ko."

Him : "Raine... wag mo namang ipahiya ang pamilya natin sa ginawa mo, nasira na ang engagement niyong dalawa dahil sa isang lalaki na hindi man lang namin kilala."

Me : "Dad... patawad, gagawin ko ang lahat para maayos ko to, give me a second chance."

Him : "Raine... ayusin mo yan, hindi ka namin pinaaral dyan para gawin ang lahat ng gusto mo, wag mong sirain ang tiwala namin sayo.

Me : "Yes Dad... Sorry po."

Him : "Tawagan mo ko kung ano ang nangyari sa inyo ni Marco, bye."

Napadungo ako nang marinig ko ang biglang end call ni Dad. Mas lalo akong napressure na makipag-ayos kay Marco dahil sa kasalanan na nagawa ko.

Sa araw na ito ay parang pasan ko ang buong mundo. Feeling ko ay lahat ng tao ay galit sa akin. Naninikip ang dibdib ko, hindi ko mapigilan ang pagluha dahil ramdam ko galit ng pamilya ko sa akin.

"Raine..." lumapit si Mellisa sa akin at umupo sa kama ko.

"Pati si pamilya ko galit na sa akin Mellisa." iyak ko sa kanya.

Chasing the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon