Epilogue

327 22 16
                                    

RAINE'S POV

Hawak ang DHLR camera ko ay isa-isang kong tinitignan ang picture na nakunan ko dito sa US. Simula nang nakarating ako dito ay puro picture ng magagandang tanawin sa lugar na ito ang inatupag ko.

Tumunog ang phone ko. Isang text ang natanggap ko mula kay Margarette.

"Raine, Video call tayo. Online ako sa skype."

Ang queen bully, himala at naisipan akong kausapin sa video call. Nasa harap ako ng laptop kaya doon na ako nag-open para makausap siya. Nang makita ko na siya sa monitor ay lumaki ang ngiti nito.

ME : "Margarette!" tawag ko.

Tila nasa harap din siya ng laptop ng mga oras na iyon. Sa isang kwarto ay nakapambahay lang ang suot nito. Kitang-kita ang cleavage niya dahil sa spaghetti strap na suot nito.

 
HER : "Ang daya mo! akala ko nandito ka sa Pinas!"

ME : "Nakauwi kana ba dyan?"

HER : "Oo kakarating ko lang kagabi kasama si Luigi."

ME : "Grave ang honeymoon ninyo huh! Sulit ba?" biro ko na bahagya rin akong napangiti.

Ngumiti rin siya sa sinabi ko.

HER : "Namasyal lang kami doon, okay! may pasalubong sana ako sa'yo. Mukhang ibibigay ko na lang sa iba dahil wala ka dito!"

ME : "Hoy! babalik na ako dyan!" agap ko.

HER : "Iniwan mo na naman si Marco! diba sabi ko ayusin mo desiyon mo sa buhay!" bahagyang nagtaray siya sa akin.

Bahagya akong natawa. Hanggang ngayon ay naalaala pa rin nila ang desisyon ko noon na maski ako ay nalagpasan ko ang mga problemang iyon.

ME : "Wag kang mag-alaala! Mamaya na ang flight ko, kalma lang. Makikita mo na rin ang magangdang kaibigan mo." biro ko.

HER : "Umuwi kana."

ME : "Kamusta na ba kayo ni Luigi?"

Napangiti siya sa harap monitor.

HER : "Initiation na kaming dalawa. Nang nakarating kami ng Paris, official na kaming magkasintahan dalawa."

ME : "Masyado namang biglaan, kakabreak lang ninyo ni Marco, si Luigi agad ang naging jowa mo."

HER : "May gusto na ako kay Luigi noon... akala ko kasi may girlfriend siya."

ME : "Yun nga ang sabi sa akin ni Marco, akala ko rin na may girlfriend na siya, naloko din ako ni Luigi. Kaya pala kapag nababangit ko ang fake girlfriend niya ay bigla na lang tumatawa."

Ngumiti si Margarette.

HER : "Diba sabi ko na sa inyo noon na mahilig mantrip si Luigi, napagtripan tayong lahat."

ME : "Humanda talaga sa akin si Luigi, pag-uwi ko ng Pilipinas!"

Napailing si Margarette kasabay ng ngiti nito.

HER : "Basta usapan natin Raine, wag mo nang sasaktan si Marco, pinaubaya ko na siya sa'yo."

ME : "Thanks Margarette, promise hindi ko na siya sasaktan. Sana ay maging masaya din kayo ni Luigi. Support ako sa inyo, remember? Shipper na ako sa inyong dalawa noon pa."

HER : "Kung sabagay, I love Luigi... simula nang naging kami lagi siyang nandyan para sa akin. I never feel alone. Actually, plano namin magtayo ng restobar dito sa atin."

ME : "Wow! Support ako dyan. Promise ako ang una ninyong customer."

Napangiti siya sa harap ng monitor. Sa pag-uusap namin ay biglang sumulpot si Mellisa at Denise sa likod niya na lumaki ang ngiti nang makita ako.

Chasing the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon