Chapter 2- Camera

431 16 5
                                    

RAINE'S POV

Matapos namin kumain ng meriendang spaghetti ay umalis si Mom pansamantala para makapagpahinga. Naiwan kami ni Marco sa couch at doon ay nag-kamustahan pa kami tungkol sa OJT niya sa Thailand.

"Bakit isang linggo kang hindi tumatawag sa akin?" I asked.

"Wala lang... gusto ko kasing surprisahin ka sa pag-uwe ko dito sa pilipinas." habang nag-uusap kami ay ay hinahaplos-haplos niya ang habang buhok ko na umabot nasa bewang.

Pinabayaan ko siyang gawin iyon dahil sanay na akong ginagawa niya sa akin ito.

"Baliw. Kahit na surprisahin mo ako, magkikita at magkikita pa rin naman tayo." napasandal ako sa couch.

Napangiti siya at natigil sa paghawak ng buhok ko. "Gusto ko kasing umiyak ka ulit kapag hindi mo ko ma-contact. Sa sobrang miss mo sa akin." napasandal ang siko niya sa tuhod nito para maharap niya ako nang masinsinan.

I crossed my hand. "Ganyan ka, inaabuso mo na ngayon ang pagiging sobrang in-love ko sayo." napataas ang isang kilay ko.

Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at dinampi sa pisngi niya. Mabilis niya hinalikan ang palad ko at nagtama ulit ang mga mata naming dalawa.

"Para mas sabik kang makita ako, bigyan mo agad ako ng kiss kapag humingi ako."

Sa ginawa niyang iyon ay nang-init ang pisngi ko. "Kahit kailan, ang lakas mo pa rin akong akitin Marco."

"Bakit effective ba?" tanong niya.

Nakangiting napatango ako. "Oo."

"Gusto mo bang gumawa na tayo ng bagyo?" nakangiting tanong niya.

Nawala ang ngiti ko. "Gusto mong kutusan kita!" sabay hablot ng kamay ko sa kanya.

Malakas siyang humalakhak. "Mahal kong Ulan... galit ka agad."

"Loser..." inirapan ko siya.

"Wag mo na akong tawagin ng ganyan!" umayos na siya nang upo.

"Pagna-iinis ako sa'yo, nickname mo ang itatawag ko sa'yo."

"Kahit kailan, wala ka talagang puso!" pagalit na tono ng boses niya.

"Wala naman talaga akong puso kasi na sa'yo na." wika ko.

Lumaki ang ngiti ni Marco at namula ang mga pisngi. Naku kinikilig na naman ang loser.

"Wag kang mag-alala, iingatan ko ang puso mo, Raine."

Napangiti ako. Kinuha ko ang DHLR camera ko sa lamesa at binuksan ito. Ngunit nang buksan ko ang switch ay hindi na bumubukas ito. Ang nangyari?

"Ano'ng gagawin mo mahal kong Ulan?" tanong niya

"Pi-picturan sana kita na nagblu-blush kaso lowbat na pala." sabay baba ng camera ko.

"Edi, e-charge mo."

Napa-isip ako. Nasa kwarto ko ang charger kaya doon na lang ako sa taas magcha-charge.

"Okay." tumayo na ako dala ang camera ko.


Sa pag-akyat ko sa hagdan ay naka-sunod si Marco. Wala naman problema sa akin kung sumama siya sa akin. Ilang beses na rin siyang nakakapasok sa kwarto ko, wala naman malisya dahil matagal na kaming magkasintahan. May tiwala naman ang parents ko sa amin dalawa.

Pagdating namin dalawa sa kwarto ay hinanap ko agad ang charger para makargahan na ang lowbat kong camera.

Binalikan ko si Marco na nadatnan kong nililibot ang buong kwarto at pinagmamasdan ang bawat litrato na nakadikit sa wall ng kwarto ko.

Chasing the Heartless [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon