Chapter 8

14 15 0
                                    

BIGLANG may nagdoorbell kaya tuloy napurnada ang pagtulog ko. Sino bang may tama nanaman sa utak ang pupunta sa gantong oras. Really 11 pm. Binuksan ko ang gate habang hawak ang tambo na nakita ko sa may pintuan. Just in case na masamang tao ang nasa labas.

Napahinto ng wala sa oras ang pagpalo ko pangahas na nagmamadaling pumasok sa gate ko ng makilala ko na si Travis ito.
"Ano nanamang palabas mong lalaki ka?" singhal ko dito. Tinitigan nito ang hawak ko na nakataas pa din at nakaamba pa rito. Kinuha nito iyon bago nagsalita.

"My car drove here" ako ba pinagloloko nitong lalaking ito.
"What? Latest na ba ang kotse mo at hindi na nangangailangan ng driver" mataray ko saad dito. Siraulo talaga ito kahit kelan.

"I'm your boss so listen to me, ouch" sinipa ko ang binti nito.
"Boss your ass. Nasa pamamahay kita baka nakakalimutan mo." sisipain ko sana ulit ito ng makuha nito ang hita nito.

"Bitawan mo ang binti ko" paano ba naman nakabuka tuloy ako. Nakataas kasi ang isa kong paa dahil hawak nito.

"Nope" maikli nitong wika bago ako hinawakan sa bewang at pinangko. Napayakap ang binti ko bewang nito ng wala sa oras. Kaasar talaga ito. Matapos makipagxhukchakan sa babae niya lalapit na man sakin.

"Put me down" tili ko. Sabay sinabunutan ko ito.
"Stop it woman. Gabi na at wag ka ng tumili pa" tumahimik ako pero pinagsasabunutan ko pa rin ito.

"Ouch. Malalagas ang buhok ko dahil sayo" tuloy tuloy itong pumasok sa bahay ko saka umupo sa sofa kaya ang labas nakabukaka akong nakaupo dito. Aalis na sana ako ng yakapin ako nito.

"Ano ba matutulog na ko. May trabaho pa ko bukas" gigil na wika ko habang tinatapunan ko ito ng matatalim na tingin.
"Tomorrow is your off" teka paano nitong nalaman.
"I saw your schedule in you table" depensa nito sa kung ano man ang iniisip ko.

"I'm still working on my restaurant" saka ko piningot ang tenga nito kaya nabinitawan  ang bewang ko at dali-dali akong umalis sa kandungan nito.
"I'm sleeping here" mabilis ko itong binato ng pillow sa sofa na malapit sakin.

"May bahay ka kaya lumayas ka dito." saka ko ito iniwan at dumeretso sa silid ko. Nilock ko ang pinto just for protection. Katulad ng pagprotekta ko sa sarili ko.

THAT girl is different. Kung ibang babae iyon malamang sinungaban na ako ng mga iyon. Pero ito binato pa nga ako. Dumeretso ako sa silid na inuokupa ko dati.

Pero nagulat ako na nakalock ito. Gusto ko mang katukin ang kwarto nito pero baka tulog na ito. Kaya nagpasya na lang akong sa sofa nito matulog. No choice walang puso ang babaeng iyon pagsakin pagdating kay Luex. Napasabunot ako dahil sa frustration.

Mas gwapo naman ako kay Luex, mayaman, mabait pero bakit si Luex pa rin ang nakikita nito. Naiinis na bumangon ako. At walang kaabog-abog na kinatok ang kwarto ni Faith.

Akala ko tulog na ito kaya laking gulat ko ng may tumamang kamao sa noo ko.
"Ouch" napaubo ako dahil sa hilo.
"I'm sorry Travis hindi ko sinasadya. Napalakas ata. Sorry." napatitig ako sa nag-aalalang mukha nito. Is she really worried? Kinutusan ako nito kaya napamulagat ang mga mata ko at tinignan ito ng masama.

"Nakakarami ka ng babae ka"
"Remember this is the one you like" nakangisi ito pero hindi ko magawang ngumiti.
"Come on stand up" hinila ako nito patayo.

"Bakit ka nga pala nandito?" pagkuwan na tanong nito sakin.
"Key. Nilock mo yung isang kwarto" napatango ito bago pumasok sa silid at lumabas din agad saka inabot sakin ang susi.

"There happy" nakangiti nitong wika. Ngumisi naman ako dito.
"I will be happy kung magkatabi tayong matulog" binalibag nito pasara ang pinto.
"In your dreams" naiiling na umalis ako sa harap ng kwarto nito. That girl is interesting.

I know I'm starting to like him and I also know that it's not a good thing.
"Good morning!" bati nito sakin ng biglang itong lumitaw sa kusina ko.
"I thought you left already, just like before" pagsasalita ko habang nagpriprito ng itlog.

"Nah. I want to see what you look like in the morning" sagot nito pero hindi ko pa din ito nililingon.
"Don't you have a meeting? It's already 10 am" narinig ko malaking-laking yabag na papalayo. I knew saying goodbye's is not his style.

"See you sweetie" nagulat ako ng bumalik ito at humalik sa noo ko. Pero mas nakakagulat yung pagtawag nito ng sweetie sakin. Parang asawa ako nito. Kinilig naman ako dahil sa naisip kong iyon. Really me imagining that we're husband and wife.

PAGKABUKAS ko ng conference room masasamang tingin ng kaibigan ko ang sumalubong sakin.
"Your late Tyson" napa die hard fan talaga nito ng exact time.
"Namiss mo lang ako Zuf aminin mo na" nagkangisi kong asar. Isang lumilipad na ballpen ang nailagan ko dahil doon.
"Stop it." pagbabawal ni Lime. He is the referee.

"Saan ka ba nagsuot Tyson? Dumaan ako sa bahay mo pero walang tao doon." tsimoso talaga itong si One kahit kelan.
"Ano ka nanay ko Uno?" isang lumilipad uling ballpen ang mabilis kong inilagan.

"Nambabae ka malamang" singit ni Lieber. Nagsanib pwersa pa nga ang dalawang chismoso.
"Tigilan niyo kong dalawa" tumawa naman ang dalawa na parang may nakakatawa talaga.

"Himala hindi umangal si Tyson ngayon. Matik nambabae nga yan"  this time ako naman ang nagpalipad ng ballpen kay Frohlich.
"Si Stanford ang gisahin niyo. Siya ang may babae." pinukol ako nito ng masamang tingin.

"Your step sister?" nagdilim ang paningin nito kay Lime.
"Shut up Lime" napatawa kaming lahat.
"I'm just asking" painosenteng saad nito.

"Si Zufrieden ang sabihan niyo natigilan ang pagsunod-sunod sa babae na wala namang pake sa kanya" pinaliparan naman ito ng notebook. At dahil magagaling silang magsiilag walang gustong tamaan.
"Bubuntisin ko na iyon ng walang kawala" nakangising saad nito pero nginisian din ito ni Uno.

"Tanong? Gusto ba naman nun?" nagtawanan kami ng sakalin nito ang katabi.
"Manahimik ka Uno malapit ka sakin" napapaubong tumatawa si One.

"Truth hurts tangapin mo na lang Acere" mabilis pa sa alas kwartong tumayo palayo si Uno kay Zuf dahil handa nanaman siya nitong sakalin.

"Bakit ba sakin napunta ang topic si Tyson ang ginigisa dito."
"Gwapo ako" ngumiti pa ako sa mga ito. Anim ng ballpen ang lumipad sakin.

"Magsimula na tayo bago ko pa makatay si Tyson ng wala sa oras" tinawanan ko lang si Lieber. Kaya pinukol ano nito ng matatalim na tingin na akala mo kinakatay na ako. Si Uno na iyon lumipat ng puwesto dahil sa takot na sakalin ng katabi nito.

••••••
Pahabol ko na pala ngayon. Salamat ulit sa nagbabasa.
••••••
WRITTEN BY desire_ekah
Don't Repost or Plagiarize it.

DESTINY SERIES 3: Made by Destiny (SLOW UPDATE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon