[1]

41 2 0
                                    

This is for those who had faith in me, sa lahat ng tumulong at sumuporta sa akin, salamat po sa inyong lahat, especially to Him who reigns above all, thank you Lord!

"You know, one day I'll be that one man who'll walk up into the future with you."

I looked at him. I smiled with assurance and confidence. I knew what he's saying is true. Although right now everything might be full of doubts and much more, but there's one thing that I know. I want him in my life.

I nodded at him and smiled to the fullest that I can.

But then I thought he would stay.

It just turned out, people just really come and go.

"I'm really sorry about this." sabi niya.

I cried heavily in front of him.

"But remember what I said? I may be in another country, but my promise will stay the same, and it will never be gone until the day happens that I'm finally fulfilling it." sabi niya.

I looked at him and I held his hands.

"I'll be waiting for you, one day." sabi ko sa kaniya.

---

Naniniwala ba kayo sa mga sabi-sabi nila na kapag daw humiling ka sa shooting star, matutupad ang kahilingan mo? Isang kahilingan, na kahit gaano pa ka complex ay matutupad? Sa panahon natin ngayon, halos iilang porsyento ng mundo ang humihiling sa isang shooting star sa oras na makakita sila nito, at isa ako don. Iilang beses na akong humiling sa isang shooting star, taon-taon na makakakita ako nito, iisa lang ang hinihiling ko.

"Sana, makita at makilala ko na ang taong para sa akin." bulong ko sa hangin habang nakapikit.

"Hoy Toey! Hanggang anong oras mo ba balak bumulong sa hangin diyan ha? Halika na at bumaba ka na, nakahanda na ang hapunan natin." aniya ni mama nang mahuli niya akong nakasilip sa bintana ko.

Kahit kailan talaga, panira ng mood si mama. Pero ganito ako lagi sa tuwing nababalitaan ko na may darating na shooting star, hihilingin ko ang natatangi kong hiling. Sumunod ako kay mama pagkatapos niyang lumabas ng kwarto ko. Pagkababa ko, maayos ang hapag kainan at sila mama ay nakaupo na.

"Buti naman at naisipan mong bumaba. Jusko Toey." sabi ni mama.

Napatango na lamang ako sa kanila habang papunta ako sa upuan ko nang makaupo ako, agad silang tumingin dalawa sa akin.

"Kung inaalam niyo kung ano ang hiniling ko, 'wag niyo nang tanungin, ganun parin, walang kamatayan." sabi ko sa kanila habang nakakunot ang noo.

"Halata naman." sabi ni mama na may kasamang taray.

Itong pagiging mapang asar nila mama ang minsang magpapasabog ng utak ko eh. Wala na ngang nangyayari sa hiling ko, mang aasar pa sila.

"O siya sige na, kumain na tayo at baka lumamig pa ang pagkain favorite mo pa naman ang iniluto ng ina mo."

Kumain kami nila mama ng maayos at masaya (syempre hindi naman to mala villain love story). Nang matapos kami ay agad akong umakyat patungo sa kwarto ko.

Hindi parin ako mapakali sa hiniling ko. Many times have I done this, every year everytime a shooting star appears, I wish for the same old thing, for someone, for the right person to appear right in front of me. Each wish I do, someone appears in my life, pero sa tuwing dadating sila sa buhay ko, hindi ko inaasahang aalis din sila agad. Doon ko na-realize na hindi na siguro dadating ang taong hinihiling ko.

I went directly to my computer and open it. Ini-start ko agad ang Dota na palagi kong nilalaro kapag wala akong magawa. I played for around an hour pero may napansin ako. On every match na makakasali ako, isa sa mga opponents ko ay may weird na characters sa name nito. Hindi siya ganoon kadali maging kalaban dahil iba ang skills niya sa paglalaro. Habang naglalaro, biglang nag-vibrate ang phone ko.

Isang Hiling [BL] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon