[6]

3 0 0
                                    


"So kelan mo balak aminin na kayo na ni Leo?" tanong ni Lora sa akin.

"Kapag wala ka na sa mundong ito." sabi ko sa kaniya habang nakatitig ng masama.

Intense ang paligid namin. Siguro?

Tumatawa si Lora, gayon din si Dion samantalang si Jean at Victor naman ay nakatitig kay Leo.

"Bakit hanggang ngayon wala ka paring pang itaas?" sabi ko dito.

"Sinabi ko na sa'yo kanina pa na naiinitan ako sa kwarto mo." sagot nito.

"Ano to LQ? Nang dahil lang nakahubad si Leo? Di naman namin aagawin si Leo sa'yo Toey, kalma ka lang." pabirong sabi ni Lora.

"Mananahimik ka o sisipain kita palabas ng bahay namin?" sabi ko dito.

"Ang wild mo naman master." sabi nito.

"Leche." sambit ko sa kaniya.

Nanahimik kaming lahat habang ako, si Jean at si Victor ay nakatitig kay Leo. Si Dion at Lora naman mukhang nagbibiruan.

"So paano siya nakapunta dito?" tanong ni Jean.

"Oo nga, kanina pa din ako nagtataka pano siya napunta dito." dugtong ni Dion.

Napabuntong hininga na lamang ako bago sumagot. Alam kong kahit magsinungaling ako sa mga to, malalaman at malalaman parin nila ang katotohanan.

"Habang papauwi ako-" sabi ko nang biglang nagsalita si Leo.

"I can go home if you're feeling uncomfortable. Not that it really matters." sabi nito.

"Hindi ka namin pinapaalis Leo, nagulat lang kami na may nahuling leon si Toey at itinago pa niya dito sa bahay niya." sabi ni Lora.

"Lora isa pa, maniwala ka sisipain kita palabas." sabi ko sa kaniya at nanahimik siya.

"Anyways, I found him getting beat up on an alley on my way back home, wala akong nagawa kundi dalhin siya dito dahil hinang hina siya." paliwanag ko sa kanila.

"So manghuhuli ka na ng leon ngayon Toey?" tanong ni Lora.

Tiningnan ko na ng masama si Lora.

"Ok I think that's all we need to hear, tutal andito naman na tayong lahat, at may bago tayong bisita, why don't we play a game?" sabi ni Dion.

Hindi maganda ang pakiramdam ko sa sinasabi ni Dion. Alam kong may pakay siya at hindi maganda yung pinaplano niya.

"Kung ano mang kabalastugan yang naiisip mo Dion, leave me out of it." sabi ko.

"Come on bro! You're no fun, minsan lang tayo maglaro dito oh!" sabi ni Dion.

"I think he has a point, after all bonding narin natin to ngayong semestral break." dugtong ni Jean.

"Oo nga, sumali ka na Dion, sasali din naman ata si Leo diba?" tanong ni Lora kay Leo.

"Whatever the hell Toey wants." sabi nito.

Tumingin ako kay Leo, mukhang nakatulala lang siya sa sahig.

"Alright, game." sabi ko sa kanila.

"So here is the mechanics." sabi ni Lora habang binubuksan niya ang bawat drinks.

She emptied up one of the bottles and then placed it in the table in front of us.

"We'll do it with the spin the bottle way." sabi ni Lora.

"Whoever the edge of this bottle points to will be the one asked if truth or dare. If truth you have to answer one question from us honestly, pero syempre before you answer you must drink. If dare, you must do the dare properly, if you want to reject the dare, you must take three shots of alcohol." dugtong pa ni Lora.

Isang Hiling [BL] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon