[5]

2 1 0
                                    


"Gosh! Buti nalang last day of the semester na ano!" sabi ni Lora habang papalabas kami ng classroom.

Today is the last examination for this semester. We will be having one week of vacation and then the next term will be starting.

"Anong balak ninyo? Malapit na rin ang Christmas ah?" tanong ni Jean sa amin.

"My family might go on our beach house this coming semestral break." sabi ni Victor.

"Sosyalin naman kayo! Gusto ko sumama!" sabi ni Lora kay Victor.

"Great idea! Why not all of us go together?" sabi ni Jean.

"I think that's a great idea too, ano sa tingin mo Toey?" tanong ni Dion.

"I think it's okay. Pero lima lang talaga tayo?" tanong ko sa kanila.

"We can invite Ethan too, if you want." sabi ni Victor.

Anong pinagsasasabi nitong mga 'to? Bakit ko gugustuhing imbitahan si Ethan?

"Uy tigilan niyo nga si Toey. Ethan kayo ng Ethan wala naman siyang feelings para sa kaniya." sabi ni Dion.

Tiningnan ko ng masama si Dion at sinenyasan ko ng masama.

"Manahimik kang hayup ka Dion." sabi ko sa kaniya.

"Mukhang may bagong news akong dapat malaman ah! Anong meron?" tanong ni Lora.

"Wala." sabi ko sa kaniya.

"Ay, moody. Biglang naging fierce. From cat to lion real quick brother ah!" sabi ni Lora habang tumatawa.

Lahat sila ay napatawa rin pero nanatili akong nakasimangot.

"Alam niyo ang dami niyong alam hindi nalang ako sasama." sabi ko.

"Eto naman nagbibiro lang! Pero gusto ko ngang imbitahan si Ethan. After all, wala naman siyang masyadong kilala plus medyo close na kayo non diba Toey?" tanong ni Lora.

"I guess." sabi ko sa kanila.

"It's settled then." sabi ni Victor.

"I'll meet you guys up this Sunday. We'll be staying there for five days kaya prepare a lot of clothes okay?" sabi ni Victor.

Lahat kami ay tumango sa sinabi ni Victor.

"Toey, since close na kayo ni Ethan, why don't you go and tell him he's invited?" sabi ni Jean.

"Bakit ako?" tanong ko.

"Kasi nga close kayo jusko." sabi ni Lora.

"Okay fine, geez. Lahat ako nalang." sabi ko sa kanila.

We all went home after planning it. On my way home, I encountered an alleyway with a group of men cornering up another man. I tried ignoring it pero...

"Ano na Leo? Hanggang bunganga ka nalang ba talaga?" sabi ng isang lalaki.

Leo?

Tiningnan ko maigi ang lalaki na pinagtutulungan nila at nakita kong si Leo nga. Wala akong magawa sa puwesto ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, tutulungan ko ba siya o ano.

Habang tumitingin ako sa kaniya, nakita kong tumingin din siya sa akin, at ngumiwi siya.

Bakit?

Hindi na'ko nagdalawang isip pa, nagpanggap ako na may pulis na paparating.

"Dito kuya! May mga basagulero!" sigaw ko habang nakaturo sa mga lalaking pinagtutulungan si Leo.

Isang Hiling [BL] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon