[14]

6 0 0
                                    

She finally answered right after I threw a paper at her. Mukhang nagising siya dahil sa papel na binato ko. She caught me looking at her at ngumiti siya.

"Yes sir, I'm here." sagot nito.

Agad kong inialis ang tingin sa kaniya at bumalik na ang tingin ko sa professor. Nang tawagin ng professor ang pangalan ko, agad akong sumagot.

I really don't understand this girl. Hindi ko alam bakit sa dinami-dami ng taong pwede niyang gambalain ay ako pa. Bakit sa dinadami ng taong pwede niyang guluhin, ang mundo ko pa. Naiinis ako pag nakikita ko siya. Naiinis ako pag naririnig ko ang boses niya pero there's something inside me that wants to say sorry dahil sa ginawa ko kanina.

Nagdadalawang isip ako kung gagawin ko ito dahil kung sakaling humingi ako ng tawad sa kaniya, babalik nanaman siya sa dating ugali niya na nanggugulo at nangiinis. Araw-araw tinatawag niya ako, araw-araw kailangan niyang hawakan ang kamay ko. Just the thought of it really annoys me. Come to think of it, last night muntikan na kaming mag-away ni Toey dahil sa kabalastugan ng babaeng ito. She's a pure sign of bad luck.

Pero kailangan ko paring mag-sorry sa kaniya. Dahil mukhang napasobrang ang mga sinabi kong salita kanina.

Right after the bell rang, agad kong inayos ang gamit ko at lumapit ako sa kaniya.

"Hey." sabi ko sa kaniya.

Nag-aayos din siya ng gamit niya pero napatigil siya nang marinig niya ang tawag ko. Tumingin siya sa akin at ngumiti.

"I just want to say sorry." sabi ko sa kaniya.

"For earlier." dugtong ko.

Tumango siya at ngumiti uli.

"Oh that, it was totally nothing. Sanay na akong masabihan ng ganon." sabi niya sa akin.

Suddenly I felt the pain that she's currently facing. The pain of being ignored, the experience of being left out. I looked at her at kitang-kita ko sa mukha niya ang pakiramdam kung paano maging mag-isa.

Habang nakatingin ako sa kaniya, napansin ko na unti-unti siyang lumalapit sa akin. Hindi ako makagalaw sa pwesto ko. I'm totally stunned by the fact that we have a similarity. Once na nakalapit na siya sa akin, agad niya akong hinalikan.

That's when I suddenly realized what was happening. I grabbed her arms to push her away from me pero mukhang masyado siyang malakas ngayon lalo na sa pagkatulak niya ng katawan niya sa akin.

She continued kissing me until we heard a sudden sound by outside. Nang mapatigil siya, nakita ko si Toey. He was holding something na gumawa ng tunog.

"Toey?!" sigaw ko.

Agad na tumakbo si Toey papalayo at naiwan kaming dalawa ng babae sa classroom.

Tiningnan ko siya ng masama.

"Is your job really to ruin someone's fucking life?" sabi ko sa kaniya.

"Dahil kung oo, puwes tangina sirang-sira na ang buhay ko!" sigaw ko sa kaniya.

Tinulak ko siya ng malakas na napaupo siya sa sahig.

"Carve this in your mind." sabi ko sa kaniya.

"I will never, never, ever look at someone like you. I totally regret saying sorry for what I said earlier. You have ruined everything na pinaghirapan ko. Lahat ng ginawa ko buong buhay ko I did not expect na isang taong katulad mo lang ang sisira!" sigaw ko sa kaniya.

Napayuko siya at narinig ko ang pag-iyak niya. Hindi ko na siya pinansin. Agad kong kinuha ang bag ko at agad akong tumakbo palabas. Hinanap ko si Toey sa buong school habang tumatakbo. Sinusundan ko ang bawat yapak na naririnig ko sa hallway.

Isang Hiling [BL] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon