[3]

7 0 0
                                    


"Nabalitaan niyo ba yung tungkol kay Leo? Grabe talaga ang intriguing!"

"The rumour is around the school na sis! Seems so impossible at first pero may tinatago pala siyang ganon, ano?"

"Anong siya? Sis, buong family niya!"

The rumors are around the school. Bawat bukambibig ng mga tao dito sa school ay Leo. Leo dito, Leo doon, Leo kahit saan.

"'Di niyo ba ako tatanungin kung ano ang pinagchichismisan nila?" sabi ni Lora.

"Kailangan pa ba namin magtanong Lora? Jusko just spill it." sabi ni Dion.

"Fine." sabi nito habang nakasimangot.

"It's about Leo's dad again. Another illegal business had been tracked under his father. Last time seemed to be fake but this one looks like it's real sabi nila. May mga clues na nakita ang mga police during the investigation at mukhang mahirap ito sa sitwasyon ni Leo." kwento ni Lora.

"Ano ba ang tatay ni Leo?" tanong ni Jean.

"Well, ayon sa balita, he's an influencer as we all have heard, pero he's actually a mafia boss or so they call it. Leader ang tatay niya ng isang gang and they seemed to be doing illegal businesses around our city." sabi ni Lora.

"Hey, how many times do I have to tell you all na yung taong pinaguusapan ninyo ay delikado? Hindi pa ba kayo nakukuntento? Basagulero si Leo, baka mamaya marinig pa tayong nag-uusap tungkol sa kaniya at resbakan pa tayo." sabi ni Victor.

"Bakit ba takot na takot ka Victor?" tanong ni Jean.

"Hindi ako takot." sabi ni Victor.

"Sus, sinasabi mo lang 'yan." dugtong ni Lora.

"I'm just concerned okay? Hindi na nagiging maganda itong nangyayari and I feel it's not right to talk about Leo. Think about what he feels, Leo might be hurt about this too, you know." pagpapaliwanag ni Victor sa amin ng pa-seryoso.

"K. Fine." sabi ni Lora at napatigil nalang siya sa pagku-kwento.

"Hey, I think I'll be heading towards the library. May mga hahanapin pa akong books na required para sa last class natin." sabi ko sa kanila.

"Are you going to be okay by your own?" tanong ni Dion sa akin.

"It has been days Dion ever since the incident. Just calm down geez. I'll be fine on my own." sagot ko kay Dion.

"Ok fine. I was just asking. I'm concerned here." sabi ni Dion.

"I know, thank you pero kaya ko to okay?" sabi ko sa kanila.

Naglakad na ako paalis at dumiretso na ako sa library. To be honest, there is still some part of my body that aches really bad. I don't recall though being hurt anywhere my body. Nang makarating ako sa library, agad akong pumunta sa librarian upang ipakita ang library card ko.

Pumunta ako sa isang section ng bookshelves. Itong section na pinuntahan ko ay medyo tago dahil kakaunti lang ang mga taong pumupunta sa subject section na ito. Malapit dito sa section na ito ay isang table na may apat na upuan sa palibot nito. May isang lalaking nakaupo rito at mukhang nakahiga. Dumiretso ako rito at umupo ako sa harap nito.

Binuksan ko ang book na hiniram ko at nagbasa throughout some parts of the book as reference para sa last subject namin mamaya.

The guy in front of me seemed to be sleeping calmly. His face is covered by his arms kaya hindi ko makita ang mukha nito, pero isa ang sure ako, he's taller than me, medyo maputi at matipuno ang katawan.

Isang Hiling [BL] (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon