Chapter 1

13 1 0
                                    

Chapter One

"Calli!" Tawag ko habang tinatali ang sintas ng sapatos ko. "Kapag 'di ka huminto babatuhin talaga kita!" Sigaw ko at hinubad ang isang sneakers imbes na ipagpatuloy ang pagtatali.

He just waved his hand habang nakatalikod parin at nagpatuloy sa paglalakad sa hallway kaya tumayo ako at binato siya ng sneakers ko kahit may ibang mga students na makakakita.

And boom.

"Headshot." I whispered with a satisfied grin.

Napatigil siya sa paglalakad at masama ang tinging nilingon ako. I stucked my tongue out at tumawa nang pinulot niya ang sapatos ko at umambang babatuhin rin ako.

"Wait!" I said and motioned him to stop when I heard my phone rang.

Kinuha ko ang phone ko sa bulsa sa likod ng jeans, it's Mommy.

"Mommy, why?" Sagot ko habang nakatingin sa paglapit ni Calli na bitbit ang sapatos ko at may bahid ng inis sa mukha.

"I'm baking. Pauwi ka na ba?"

"Yes, My."

Tumingin ako kay Calli na lumuluhod na. Humawak ako sa ulo niya and gripped his hair a little when he held my ankle para isuot sa akin ang binato kong sneakers.

"Want me to bake you something?"

"Brownies!"

"Sure." She laughed a little. "Kasama mo ba si Calli?"

Napatingin ako kay Calli na focus na focus habang tinatali na ang sintas ng sapatos ko. "Opo."

"Invite him. Magluluto ako ng dinner."

"Okay My, love you."

Tumayo na si Calli at tumingin sa akin, naghihintay na matapos ang call ko with Mommy.

"Bye. Love you too."

"Dinner daw sabi ni Mommy." I informed him.

Tumango lang siya at hinawakan ang batok ko para iguide ako sa paglalakad. At halos tumakbo na ako dahil nakahawak siya kaya napipilitan akong sumabay sa kanya! Though he's just walking normally, his legs are long!

I curved my body and stopped walking kaya nabitawan niya ang batok ko. I pouted while glaring at him.

"Stop doing that."

"Ano?!" Singhal ko.

"Sasakit mata mo." Sabi niya at tinakpan ang mata ko kaya napapikit ako.

Binaba ko ang kamay niya at mas lalo pa siyang sinamaan ng tingin.

"Angry bird ka sis?" Sumilay ang mapaglarong ngiti sa labi niya.

"Don't talk to me. You're super annoying."

I crossed my arms over my chest at nilagpasan siya. Kahit mabilis ang lakad ko, naabutan niya parin ako at inakbayan.

"Good evening po, Tita." Bati ni Calli at humalik sa cheek ng Mommy ko nang natapos akong magmano.

Ayaw niyang may ibang nagmamano sa kanya. Ako lang pwede.

Naligo na ako at nagbihis ng cotton shorts at shirt habang si Calli naman ay tumutulong kay Mommy na magluto. Nang bumaba ako ay nakahanda na ang dinner namin at hinihintay nalang ako.

"Saan po si Daddy?"

"Still working."

Tumango nalang ako at hindi na nagtanong pa. He's workaholic. And a perfectionist too.

Before Our AlmostsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon