Chapter Two
"Bakit mo sinabing crush ko si Gavin?!"
Hinila ko agad si Calli patungong porch nang natapos kaming mag dinner. Pinaupo ko siya sa couch at nakatayo naman ako sa harap niya, nakakrus ang braso sa dibdib.
"Bakit? Hindi ba?" Nang-aasar na tanong niya.
Hindi ako nakapagsalita at inis na nag-iwas ng tingin.
"Don't worry, hindi kita isusumbong." Tawa niya.
"I hate you! Paano mo nalaman na crush ko siya?!"
I don't remember telling him na crush ko si Gavin! At hindi naman 'yon big deal dahil marami naman ang crush ko at hindi lang si Gavin! Pangatlong crush ko lang siya at hindi first!
"So crush mo nga siya." He smirked.
Seryoso ko siyang tiningnan, walang halong inis kaya nagpigil siya ng ngiti at nagtaas ng kilay.
"Kulangot ka." I said.
Tumawa siya at hinila ako para paupuin sa tabi niya. Umupo naman ako pero hindi ko siya tinitingnan kahit nakikita ko sa gilid ng mata kong nakatingin siya.
"Sus, kunwari ka pang wala kang crush ha."
Pinisil niya ang baba ko kaya iniwas ko ang ulo ko at tiningnan ko siya ng masama.
"Anong kunwari? Sobrang dami nga eh. Hindi lang si Gavin. Ikaw nga diyan ang walang crush eh."
"Baka kasi ayaw mong may ibang babae akong lalapitan."
Kumunot ang noo ko. "Bakit naman ayaw ko? At bakit mo lalapitan? Basta crush ba, lalapitan agad?"
"Nilalapitan mo nga si Gavin eh."
"Because we're friends!"
"Okay..."
Parang hindi siya naniniwala!
"Hoy FYI, ayaw kong magka crush kay Gavin 'no! And it's not like he's my one hundred percent crush. Ayaw kong magka crush sa kaibigan kaya. Friends should stay as friends."
He just chuckled and didn't say anything.
"So don't tell him." Banta ko.
"Baka nga alam niya na eh."
"Callisto!" Sinuntok ko ang braso niya.
"Aray." Tawa niya at hinawakan ang parteng sinuntok ko.
Tinanggal ko ang white na ball cap na suot ko bago pinunasan ang pawis na tumutulo sa noo habang nakasunod sa mga groupmates ko. It's second week of March. Kaya ang dami na namang films na ipapass. At dahil ako ang pinili na mag e-edit ng film, ako na rin ang naging taga video para makuha ang angles na gusto ko.
Bakit kasi ako yung pinili! Walang marunong mag edit sa group namin and nalaman nila na nakapag edit na ako once noon kaya ako agad!
"David! Move ka ng konti paright, please." Sabi ko para mapasok siya sa frame.
Nasa isang bridge kami na hindi pa tapos so wala pang sasakyan na dumadaan. It's part of our performance task in Disaster Readiness and Risk Reduction and next week na ang deadline!
"Eto nalang muna for today. Malapit ng mag five at tapos na naman tayo sa mga scenes dito." Sabi ni Hazel, our leader.
So magkikita ulit kami para magshoot sa iba? Pero marami ring gagawin sa iba pang subjects!