Chapter Three
"Hindi naman malamig ah?" I creased my forehead at agad itinago ang kamay ko sa ilalim ng mesa.
Ang lamig nga!
"Sure?"
Tumango ako. Saglit pa akong nataranta nang kinuha niya ang braso ko at hinawakan ang kamay ko gamit ang isa niya pang kamay. He even bent a little and made me touch his cheek.
"Malamig nga." Sabi niya at binitawan ang kamay ko para kunin ang remote ng aircondition at inadjust ang temperature. "Tell me if may tanong ka pa."
I just nodded and did what he said a while ago sa other video clips. Pabalik balik pa ang pag cut ko sa iba dahil napaka obvious ng transition ng isang video to another. Half an hour later, kinatok na kami para kumain ng dinner kaya sabay na kaming bumaba.
Sa kabisera ako pinaupo ni Calli. Pumasok rin si Gavin ng dining area nang paupo kami. Nang nilingon ko si Calli ay may nag-aabang ng mapaglarong ngiti na sa labi.
"Nandito na crush mo." He whispered playfully.
"Shut up!" I glared at him.
Hindi ako nagsalita habang kumakain at hindi rin tumitingin kay Gavin. Because everytime I do, kapag tumitingin ako kay Calli, mapang-asar siyang ngumingiti!
Sila lang dalawa ang nag-uusap. They're talking about football and other boy stuff.
I was drinking my juice when Gavin asked me a question kaya agad ko iyong naibaba.
"Dito ka matutulog, Kas?"
I cleared my throat and nodded.
"Tahimik mo ngayon ah." He chuckled.
"Hindi ah." I defended myself.
Sumulyap ako kay Callisto at halos mapairap ako nang nakitang nagpipigil lang siya ng ngiti.
"Sus hindi daw. Kanina ko pa nga napapansin eh. Bakit? Crush mo na ako 'no?" He teased.
Nanlaki agad ang mata ko at nakaawang ang labing nilingon si Calli.
"Sinabi mo?!"
"Ang alin?" And he's acting innocent!
"Na crush ko si Gavin?!"
Narinig ko ang pag-ubo ni Gavin at tumawa naman si Calli. "Wala akong sinabi, ikaw lang nagsabi niyan."
"So crush mo nga ako?" Tanong ni Gavin.
"Oh my gosh." Sinapo ko ang noo ko at pumikit.
Hindi pala sinabi ni Calli! Stupid!
"Ang unfair mo Kasa." Seryosong sinabi ni Gav kaya napa-angat ulit akong tingin.
I blinked twice. "No, it's not like that. I-"
"Trinato kitang kaibigan tapos trinato mo pala akong crush? Mali 'yon."
Tumawa si Calli kaya tumawa na rin si Gavin. Mommy! Pinagtutulungan nila akong dalawa!
"Ang feeling mo!" Inis na sabi ko.
"Sus, crush mo pala ako ah." Gavin teased me more.
"You know what? You're annoying pala. Hindi na kita crush." Sobrang sama na ng tingin ko sa kanya.
"Tama na 'yan Gav. Kapag umiyak 'yan..." Calli trailed off then laughed.
Pagkatapos naming kumain ay pumasok na ulit kami ni Calli sa study para magpatuloy sa ginagawa. I was frowning the whole time. Nakakainis ako!