Prologue
Hawak-hawak ang maleta, itinaas ko sa ulo ang suot na shades upang mas makita ang paligid.
Nilabas ko ang phone ko galing sa bulsa ng aking brown oversized coat para kumuha ng picture.
It's sunset. At nakikita 'yon sa glass wall ng NAIA kaya iyon ang kinunan ko.
I posted a photo in my instagram story with a caption: Finally home.
I am wearing a white tube and brown trousers with black Gucci belt. Kakulay ng trousers ko ang suot na oversized coat. Nakasuot lang rin ng puting sneakers and my hair is in a high ponytail.
Nagpatuloy ako sa paglalakad pagkatapos ng ginawa at agad nakakita ng familiar na mukha na may kasamang tatlong bodyguards.
"Kuya Rando!" Salubong ko sa driver ko noon.
"Welcome home po, Ma'am." He slightly bowed.
"Wala si Mommy?"
"Busy daw po Ma'am."
"Hala ang bad." I pouted.
Kinuha naman ng isang bodyguard ang maleta ko at dumiretso na kami sa van na sumundo sa akin.
Akala ko ay wala si Mommy dahil busy, 'yon pala, naghanda at sinorpresa pa ako nang nakarating sa bahay.
I really have the best Mommy ever. And she's cool too.
Nakaupo na ako sa kama pagkatapos maligo. I'm wearing my silky night dress at nakasandal sa headboard ng kama habang umiinom ng milk at binabasa ang replies sa instagram story ko kanina.
kiannaly: Omg youre here na! Lets meet! I miss you
kasacuesta: Sure! Kita tayo bukas with bea. I super miss u toooo
Napangisi naman ako nang nabasa ang isa pang reply. It was Gavin.
gavin.ls: Luh di nagsabi o.
kasacuesta: Namiss moko?
gavin.ls: Amp ew.
Magkikita kami nina Kianna at Bea kinabukasan ng afternoon at maaga akong umalis ng bahay kaya pumunta na muna ako sa favorite kong milktea shop noon habang naghihintay sa kanila.
I ordered cookies and cream and sat on an empty chair. While waiting, I just scrolled on my social media accounts.
"Milktea for Kali."
I turned my phone off and stood up to get my drink. Pero ang bilis naman yata? Its service is improving now, huh.
Bago ko pa makuha yung inorder ko ay may ibang kamay nang kumuha doon. Agad kong binawi ang kamay ko nang nahawakan ko ang kamay niya.
"Hey that's-"
Shit.
Nanlaki ang mata ko pero hindi man lang nagbago ang malamig na expression niya nang nakita ako.
Ipinakita niya ang nakasulat na pangalan and it's Calli! Not Kali! I felt my cheeks burning. Oh my gosh, bakit ba kasi pareho kami ng pronunciation ng name!
And why did I stood up?! 'Kasa' naman yung pinalagay kong name at hindi Kali! Stupid me!
"Welcome back." He said coldly, I even heard a hint of sarcasm.
And he didn't even look at me while speaking dahil paalis na siya noong nagsalita siya at ngayon ay tuluyan nang naglalakad paalis.
I sighed and pouted while looking at his back.
While looking at my bestfriend's back.
Or maybe ex bestfriend.
And ex-boyfriend.
Well... just almost. Dahil hindi umabot. Just... almost.
My ex almost boyfriend.