Prologue

9 0 0
                                    

Harmony's P.O.V

"Harm, ikaw muna magbantay sa shop. May aasikasuhin kasi ako sa suppliers natin." Sabi sakin ni Mama.

May small business kami na flower shop, si Papa talaga may ideya ng pagpapatayo noon kaso kinuha agad siya ni Lord kaya si mama nalang ang tumuloy.

"Luh." Nag-iinarte kong sabi.

Bakit kasi ganon yung nickname ko, parang makakasakit ako ng tao.

"Bakit ako?" Tanong ko.

Hindi naman sa ayaw ko na ako yung magbabantay sa shop pero, natatakot lang talaga ako makisalamuha sa ibang tao. Hindi kasi ako yung tipo na outgoing. I don't like the thought of interacting with people. Madali akong magpanic and hindi ko alam pano makipag usap sa tao. Siguro may bachelor's degree na nga ako sa pagiging introvert.

"Wala kasi si M, may pinuntahan." Sagot ni Mama.

Ang aga naman umalis nung babaeng yon. Umupo ako sa sofa at tumapat sa electric fan.

"Oh bakit pawis na pawis ka." tanong sa akin.

"Pinatay kasi ni M yung aircon eh. Pag gising ko basang basa likod ko, parang nagswimming ako sa pawis." Naiinis kong sagot.

Humikab ako at nagtanong.

"Ma, saan po ba pumunta si M?" 

M is short for Melody, my twin sister. We may be twins pero sobrang opposite namin. We are always both at the end of the spectrum. Ako sobrang introvert and I like spending my time with me, myself and I. While Melody in the other hand, is friendly and magaling siya makipag communicate sa tao. Siya yung tipo ng babae na gusto mo maging kaibigan kasi hindi ka mabo-bored kapag kasama mo. She also doesn't like being alone, dapat lagi siyang may kasama or lagi siyang umaalis kasi hate na hate niya pag wala siyang ginagawa. Unlike me na hindi alam ang gagawin kapag may kasamang iba.

We are fraternal twins so we really don't look alike. She has our Dad's face na moreno and defined facial structure while ako naman kay Mama nag mana. Soft face structure and mestiza. We also have different styles, gusto niya kasi short hair, while ako naman gusto ko na mahaba palagi buhok. Syempre para pag nahihiya ako makipagusap edi may pang takip ako sa mukha ko diba.

"Sinamahan niya si Ferb mag-enroll. Kinukulit na kasi ako sa enrollement. Excited masyado eh." Sagot ni mama.

Ferb is our youngest brother. He's only 16 pero yung height pang 21 na. 5'11 siya imagine that for a 16 year old boy. Lumaklak ata 'to ng Cherifer eh.

He is our middle man pag nagaaway kami ni M. Kasi he understand both sides. He is an omnivert meaning minsan sobrang extrovert pero may times na gusto niya siya lang magisa. Kaya buti nalang andiyan si Ferb para maging referee namin ni M.

"Baka gusto niya maging kaklase crush niya kaya ganon." Pabiro kong sabi.

Tumawa si Mama at tumuro sa lamesa.

"Nagluto ako ng Tocino pati Omelette. May fried rice din diyan sa lamesa." Tumayo ako at Kumuha ako ng plato para humanda kumain.

Ain't You The One?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon