Melody's P.O.V
4 hours earlier.....
RING! RING! RING! RING!
Nagising ako sa alarm ni Harm. Ito talagang kapatid ko magse-set ng alarm pero hindi naman nagigising. Sinilip ko siya sa babang kama ng double-deck. Sa taas na kama ako nakapuwesto kasi takot si Harm sa heights. Tulog na tulog siya kahit sobrang lakas ng tunog nung alarm clock. Hay nako kahit kailan talaga mantika matulog tong babaeng to.
Dahan-dahan ako bumaba sa kama at umupo sa tabi ni Harm.
"Hoy madam Harmony gising na." Paggising ko sakaniya. Paunti-unti ko siyang kinikibo.
"Mmmm.... Mamaya na..." Inaantok niyang sagot habang nagpapalit ng posisyon ng pagtulog.
"Bahala ka diyan." Tumayo ako at pumunta sa banyo para magtoothbrush.
"Next time nga, kung magseset ka ng alarm siguraduhin mong magigising ka." Sabi ko habang nagsisipilyo.
Ako yung nagigising eh hindi siya. Parang mas inaantok pa nga siya pag nakakarinig ng alarm. Pinatay ko ang aircon at bumaba. Nagigising kasi si Harm pag nakaramdam ng init. Yan yung ginagawa kong alarm clock niya kasi for sure magigising yan.
Pagkababa ko sa sala ay umupo ako sa lamesa para kumain ng breakfast. Nanlaki ang mata ko ng makakita ng Tocino. My favorite. Tocino is the best invention na nagawa ng tao. I can eat Tocino everyday. I can't live without Tocino. You can call me a Tocino Enthusiast.
"Ma, enroll mo na ako ngayon please." Nagpapaawang boses ni Ferb.
Para siyang aso na nagmamakaawa na pakainin ng amo. Sumandok ako ng fried rice at nilagay sa plato ko.
"Kailangan ko makipag meet sa suppliers ngayon kaya hindi kita masasamahan." Sagot ni Mama.
Tumingin sa akin si Ferb at sa akin gumawa ng nakaawang mukha. Gusto nito na ako sumama sakaniya.
"Ate, ang blooming mo ngayon. Samahan mo ko magenroll hehe." Panguuto niya.
"Alam mo Ferb, galingan mo pa yung panguuto mo ha. At tsaka ako blooming? Tsk. Matagal na akong blooming." Sagot ko habang nagtatawanan kami.
"Ate please huhu." Pamimilit niya.
"Oh siya sige maliligo lang ako pagkatapos kumain tapos punta tayo sa school mo." Sabi ko.
"Talaga ate? Yay! Bilhan kita ng isang pack ng Tocino next time." Tumayo si Ferb at niyakap ako.
"Bakit ba masyado kang atat mag-enroll?" Tanong ni Mama.
"Nako ha baka gusto mo lang maging kaklse yung chicks mo." Pabiro kong dagdag.
"Hala ate hindi ah. Syempre the earlier the better diba." Nakangiti niyang sagot.
Pagkatapos namin kumain ay umakyat ako sa kwarto at kumuha ng damit na gagamitin ko sa pag-alis. Mahimbing pa ring natutulog tong si Harmony. Nananaginip nanaman to na may ka kissing scene na poging mayaman.

BINABASA MO ANG
Ain't You The One?
RomanceMeet the Marquez twins, Melody and Harmony. They are sisters, twins, bestfriends and each other's soulmates. They have a bond that no one can break. Or do they? Can that bond be broken if they both fall inlove with the same guy? Or is it really the...