Chapter 2

76 23 10
                                    

Nandito kami sa isang bench nakaupo sa gilid ng isang malawak na field. Dito kami dumiretso pagkatapos kumain dahil malilim at hindi nasisinagan ng araw kahit na tanghaling tapat. Mahangin kasi rito dahil sa mga punong nakapaligid kaya marami rin ang mga estudyante na tumatambay rito.

"Sama ka na kasi..."

Pangungulit parin sa'kin nila Jenri.

Pinipilit kasi nila akong sumama bukas sa Ejido. Kaarawan kasi ng nakababatang pinsan ni Sammy and they decided to celebrate it in a local resort located in Ejido.

"Magpapaalam muna ako..." i said just to stop them already.

Kanina pa nila akong kinukulit tungkol diyan.

"Ako na ang magpapaalam sa'yo..." si Kathy na kababalik lang galing canteen. Food again!

Agad akong napaismid sa sinabi niya.

"Gagamitin mo na naman ako..."

Hindi kasi siya pinapayagan ng Lola niya na gumala pag hindi ako kasama. Same with me. Hindi ako papayagan pa hindi siya ang kasama ko.

Minsan pupunta nalang siya bigla sa'min para ipapaalam ako kay mama at ako naman na mismong niyaya ay walang kaalam alam kung saan pupunta basta sumusunod lang ako.

"Sabado naman na bukas..." sabat ni Sammy na nakahiga na sa damuhan.

I glanced on my wrist watch to see the time.

I stood up and get my bag before I bid my goodbye.

"Una na'ko sa inyo..."

Tango lang ang sagot nila sa'kin at sinundan ng tingin bago bumalik ang atensyon nila sa kanilang ginagawa.

Papaliko na sana ako ng may biglang humarang sa harap ko.

Nakakagulat!

Damn.

Buti nalang at nahinto ako agad dahil kung hindi ay baka nabunggo ako sa kanya.

And the nerved of this guy to just stare at me before he continued to walk away.

Just like that?

Wala man lang bang sorry? Kahit kaplastikan lang. Tsk!

"What an ass!"

I thought hindi na niya maririnig pero napalakas ata ang pagkakasabi ko o sadyang malakas ang pandinig niya?

"Stupid! " he said coldly.

Napantig ang tenga ko dahil sa narinig. Sigurado ako na para sa'kin iyon dahil kaming dalawa lang naman ang narito.

Nakahinto na siya pero nakatikod pa rin sa'kin. Ako naman ay tuluyan ng humarap sa kanya.

Ako pa ngayon ang stupid samantalang ako naman dehado rito. Paano nalang kung may sakit ako puso malamang itinakbo na ako sa hospital dahil gulat.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko sa pinaghalong gulat at inis ko rito sa lalaking ito.

"Ako pa ang sinisi... pasensya na po!" inis kong sabi.

He's wearing a black cap and mask. Kaya hindi ko makita ang pagmumukha ng hinayupak na ito.

I hate being startled. I hate the feeling.

"K..." he shrugged.

Hindi ko makapaniwala iyon lang talaga ang sasabihin niya?

Napailing na lang ako at ipinagsawalang bahala na lang. A simple sorry will do sana pero bastos ang gago kaya wala na akong magagawa at pinanuod na lang itong umalis bago ako nagpatuloy sa library.

Salvatore Series #1: My Eyes Adore You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon