Chapter 17

29 6 0
                                    

Katatapos kong maligo nang bigla nalang pumasok ang kapatid ko. Nagpresinta itong ayusin ang buhok ko kahit hindi naman sarili.

Hindi kailangan magpaganda para magustuhan ng mga lalaki, gawin mo iyong para sa sarili mo at hindi para kanino.

Kinulot lang ni ate ang dulo ng buhok ko at hindi ko na hinayaan pang pati ang mukha ko ay lagyan niya ng kolorete. Parang masyadong naman atang pinaghandaan para sa isang lalaki. Well, hindi ko naman siya masisi dahil hindi ko sinabi sa kanya ang totoo, na pagpapanggap lang ito.

Parang sobrang sama kong kapatid dahil hindi ko man lang magawang sabihin sa kanya ang mga ganitong ganap ko sa buhay, samantalang halos lahat ng kalokohan niya ay alam ko.

Sa tuwing may kalokohan ay kami palagi ang magkakampi, pinagtatanggol ako sa lahat ng oras na kailangan ko siya, hindi niya ako iniiwan sa tuwing kailangan ko ng karamay. Kaya sobrang suwerte ko at nagkaroon ako ng isang kapatid na palagi kong maaasahan sa lahat ng pagkakataon.

Ang pagmamahal ng kaibigan ay nagbibigay kagalakan, pero ang pagmamahal na mula sa kapatid ay  hindi matutumbasan.

"Ikaw, hindi mo man lang nabanggit sa'kin si Aga..." may himig ng pagtatampi niyang sabi.

"Balak ko naman..."

"Kailan pa? Kung boyfriend mo na?"

Nakahiga na ito ngayon sa aking kama  habang hawak ang aking music box na nakuha niya sa side table ko.

"Hindi ko naman siya boyfriend..." at hindi mangyayari iyon dahil may Adonis na ako.

Napangiti ako sa naiisip, ano kayang pakiramdam na tawagin siyang boyfriend ko? Ngayon pa nga lang na iniisip ko iyon ay hindi na magkamayaw sa pagtibok ng mabilis ang aking puso, e.

"Iyong Salvatore ito di ba?"

Napalingon ako kay ate sa narinig, hindi ko man lang namalayang na nakaupo na ito at hawak ang sketch pad ko.

Shit naman oh!

Bakit ba nakalimutan kong sobrang pakialamera ng kapatid ko? Sa mga ganitong pagkakataon ay hindi ako suwerte.

Agad kong inagaw sa kanya ang hawak.

"Ate! Pakialamera mo, umaalis ka na nga dito..."

Binabawi ko na ang sinabi ko kanina.

"E, bakit ka may larawan ni Salvatore?" may pagtataka sa kanyang mukha pero lamang ang panunuya.

Bumuntong hininga ako at taimtim na humingi ng tawad kay Kathy. Pasensya na at gagamitin ko ang pagkatao mo.

"Ipinaguhit lang sa'kin ni Kathy..."

"Talaga ba Callista?" umiwas ako sa kanyang nanunuring tingin.

"Bakit ko naman siya pag aaksayahan ng oras iguguhit..."

Talaga ba Callista? Aksaya sa oras, e ikaw pa nga ang nagkusa.

"Aba malay ko! Baka type mo?" hindi pa rin nawawala ang mapanuri nitong tingin sa akin.

"Tss. Ni hindi ko nga nakikita iyong tao..."

Wow! Talaga lang ah.

Nagkibit balikat na lang ito at sunod naman na pinagdeskitahan ang mga iba ko pang iginuhit na larawan.

Kadalasan ay mga senaryo lang, mga hayop, bulaklak at parte lang sa mukha ng tao gaya ng mata, labi. Minsan lang ako gumuhit ng buong mukha ng tao dahil hindi naman ako ganoong kagaling pagdating doon.

"Sabagay, hindi ka naman niya magugustuhan...no offense, maganda ka pero di ka tipo nun..."

Mukha namang walang ibang ibig sabihin ang sinabi niya. At isa pa hindi niya rin naman alam ang tungkol sa amin, pero hindi naman niya kailangang sabihin iyon.

Salvatore Series #1: My Eyes Adore You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon