Chapter 21

19 7 0
                                    

Kung hindi pa nag-ingay ang babae sa harap ay mananatili pa rin ang katahimikan mas lalong tumahimik ng huling pumasok ang isang lalaki ni minsan ay hindi ko pa nakikita.

"Shit! A Mosquera! Never in my whole life na makakatsamba ako ng isa!" mahinang sabi ni Sammy na rinig na rinig ko dahil sa sobrang katahimikan na pati mga langaw ay mahihiyang mag-ingay.

Holy shit!

Iisa lang ang alam kung Mosquera!

"Mosquera of the West."

Yeah! Mosquera clan is a famous family clan before this era up until now. Sa tingin pa lang, alam kong galing siya sa pamilyang iyon, hindi paipagkakaila.

I'm sure of it, base na rin sa reaksyon ni Sammy at ng iba pang mga tao rito na talagang napanganga. Hindi ko na kailangang magtanong para sa isang kompermasyon. Parang isang malaking kasalanan iyon ngayon sa mga oras na ito.

"Never questioned a Mosquera"

Tanda ko pa ang madalas kong mabasa na kakabit ng kanilang pangalan.

"A-And let us all welcome The Legend."

I admire the announcer or whatever they call. In my eyes, she's the bravest here dahil nagagawa pa rin niyang gawin ang dapat gawin. Kung ako iyan ay baka matulala na rin ako bigla.

"Legend and Lennox Oviedo, Echo Trevino, Zero Salcedo, Quinton Kai Lee, Lothaire Estrella..."

Sunod sunod na bigkas nito nagpabalik sa nakakabinging sigawan.

"And Adonis Salvatore together with Severus Morretti."

Severus or known as Seven is a famous model of well known brand in Asia.

Palinga linga pa si Adonis na parang may hinahanap at agad tumigil ng madapo ang kanyang tingin sa akin bago nagpakawala ng isang matamis na ngiti.

"Hi Miss!" kumaway kaway pa ito sa akin kaya ang mga nakasaksi noon kababaihan ay  nakatingin na sa akin ngayon. Hindi pa nakatulong ang tatlo na tinuturo turo ako. Mabuti na lang at hindi masyadong napansin dahil hindi naman lahat ng atensyon sa kanya.

Gosh! Nakakahiya talaga at wala man lang pakialam ang loko. May ibang nagtataka at nagugulan kung sino ako, pero mayroon din akong nakikita na tila iritado o baka sadyang praning lang ako mag-isip. Una sa lahat ay bakit naman di ba? Wala naman akong ginagawa sa kanila.

"Please welcome the luckiest and gifted team so far...Alarik lineup!"

Sigawan ulit nila ng pumasok ang nakilala kong si Alarik. Halos mapunit na ang labi nito sa labis na ngiti na lalong nagpapalakas ng sigawan sa tuwing dumadapo ang tingin sa iba't ibang kababaihan.

May kasama pang kindat at kagat ng labi ang ginagawa nito.

Tss, fuckboy!

Utong uto naman ang mga bruha at kunwaring mahihimatay pa na mas lalong nakakapagpagana ata sa loko. Mga manloloko nga naman, sobrang saya kung may nabibiktima.

"Fitz Fabregas, Slyth Autcher, Adam and Atlas Salvatore, Rufus and Lord Vizzielo and last but not the least Kyson Sullivan..."

Hiyawan, sigawan, at hampasan! Paniguradong pagkatapos ng game ay paos na ang lahat ng nandito. Halos lahat ng makita ko ay hindi na mahinto hinto sa kasisigaw kahit na hindi pa nag uumpisa ang laro. Maging sa tatlo ay hindi na ligtas ang tenga ko dahil masyado na rin silang busy kakahiyaw na papunta na ata sa ere.

Kyson and Atlas next to each other is not a good idea. Sobrang lamig ng kanilang presensya na talagang mangangatal ang iyong mga kamay kahit na tinitignan mo lang sila sa malayo.

Salvatore Series #1: My Eyes Adore You (On-hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon