Chapter 7

31 10 26
                                    

OPHELIA

Kinabukasan, bago ako dumiretso sa salas ay kinuha ko na muna ang mga papel pati na rin ang mga coloring books ni Lilith sa kwarto nya. Araw kasi namin ng pag-aaral ngayon.




Dahil sa hindi naman sya nakakapasok, ako na rin ang nagtuturo sa kanya. Gusto ko syang libangin at the same time, matuto.





Upang maiwasan na rin ang kung minsang mga ginagawa nyang hindi namin maintindihan ni Leo.






"Lilith.." Sambit ko sa pangalan nya nang habang pababa ako ng hagdan ay natanaw ko syang nakatayo sa may pinto at parang may kung anong pinapanood mula sa labas.





Ipinatong ko na sa coffee table ang mga dala ko bago ako umupo sa sofa.







"Lilith, mag aaral tayo ngayon ha? Pero bago yun, tawagin mo muna si Yaya Merly." Utos ko sa kanya. Naisip ko rin kasing bilang Yaya sya ni Lilith, mas magandang tinuturuan nya rin ang anak ko. Para mas mapadali ang pagiging close nila sa isa't isa.








Pansin ko kasing medyo naiilang pa sya sa bagong Yaya nya.





"Lilith, tawagin mo si Yaya Merly.." Pag uulit ko nang mapansin kong hindi pa din sya tumitinag. Kunot noo ko syang tinignan. Nilingon nya lang ako saglit bago muling tumingin sa labas. "Lilith, ano ba!" Naiinis ko nang sabi. Tumayo na ako at akmang lalapit sa kanya nang bigla nanaman syang lumingon.





Naglakad sya papalapit sa akin kung kaya't napahinto na rin ako.







"Dapat hindi nyo nalang sya tinanggap sa bahay na 'to." Nakatingalang sabi nya. Nagtataka ko naman syang tinignan bago ako lumuhod para maging magkasing-taas kaming dalawa.






"Ano bang sinasabi mo, anak?" Mahinahon ko nang tanong sa kanya. Hinimas ko ang kanyang buhok.





Sandali..





Totoo ba 'to?





Medyo kumapal na ang buhok ni Lilith kumpara kahapon!






Sinuklay ko itong muli gamit ang aking mga daliri at laking mangha ko nang makita kong walang nalagas na hibla ng mga buhok.






Ang bilis naman tumubo ng buhok nya!






"E hindi nya nga po natiis na magtagal dito sa bahay." Rinig kong sagot nya na naging dahilan para mabalik sa usapan namin ang atensyon ko.






"A-Anong.."







"Wala na si Yaya Merly, Mommy. Inaantay ko syang lumabas sa kwarto nya. Sinabi ko na rin yun kay Daddy at nang puntahan nya si Yaya sa kwarto nito, wala nang kahit na ano pang bakas nya." Napaawang ang bibig ko dahil sa gulat.





"Bakit umalis sya ng walang paalam?" May bahid na inis at pagtataka kong tanong sa aking sarili.





Akala ko pa naman ay gusto nya ang trabahong ito.






Ang hirap talaga magtiwala sa mga taong mahahanap mo online.






"Baka trip nya." Kibit-balikat nitong sagot sa akin. Huminga nalamang ako ng malalim bago ako tumayo. Inakay ko si Lilith na umupo sa sofa, patabi sa akin.







"Hon!" Hindi pa nakakalipas ang ilang minuto ay humahangos na pumasok sa loob ng bahay ang asawa kong si Leo.







"L-Leo, bakit ganyan ang itsura mo?" Naguguluhan kong tanong sa kanya. Tumayo ako at naglakad papalapit. Hinaplos haplos ko sya sa kanyang braso upang pakalmahin dahil halata ang kaba sa kanyang mukha.







"S-Si.." Tila nanginginig nyang sabi na halos hindi nya masimulan. "P-Pinasok.. Pinasok ang bahay nila Artur kagabi.." Halos pumiyok nyang sabi sa akin. Tinignan nya ako diretso sa mata.





"A-Ano!?" Gulat kong tugon. "E kamusta sila? Kamusta ang anak nilang si Arianne? Sino nang mag aalaga dun ngayong patay na si Anabelle!?" Sobrang nag aalala kong sunod na tanong sa kanya.







Naluluha ako dahil sa aking nalaman.








Ang kaawa-awang Anabelle.. Halos ang bata pa ng kanilang anak upang mangulila sa isang Ina.







"O-Ophelia..." Pinunasan ko ang tumulo kong luha bago ako muling tumingin sa kanya. Hindi ko maintindihan ang gustong iparating sa akin ng mga tingin nya. Mistulang may gusto syang sabihin ngunit hindi nya mabigkas. "Uhm, Lilith.." Umiwas na sya ng tingin sa akin bago pinuntahan ang anak naming nanatiling nakaupo sa sofa.







"Dito ka lang lagi sa loob ng bahay, ha? Lalo pag wala si Daddy." Pag papaalala nya dito. Hinalikan nya muna ang anak namin sa noo bago muling tumayo at tumingin diretso sa mga mata ko. "Mag iingat ka din lagi, mahal ko." Mas lalo pa syang lumapit sa akin bago ako binigyan ng isang napaka higpit na yakap bago bumulong.






"Mahirap nang magtiwala, hindi natin alam nasa harapan na pala natin ang mamamatay-tao."

LILITH✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon