Chapter 10

38 12 12
                                    

LEO

LEO

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Pwede ko ho bang makausap si Artur?" Tanong ko sa isang babae na syang nakapwesto sa may information desk. Sa istilo ng kanyang pananamit, marahil isa syang nurse. Tumingala ito bago pasalit salit na tumingin sa akin pati na rin sa lalaking kasama ko.





"Sino ho kayo?" Balik nitong tanong.






"Ah, ako si Leo.. sya naman si Mang Karding. Mga kaibigan kami ni Artur." Sagot ko naman. Bahagya itong tumango bago tumayo at sumenyas sa amin.






"Dito ho, sumunod po kayo." Ani nito bago nagsimulang maglakad.






Andito kami ngayon sa isang Center sa bayan kung saan pansamantalang tinutuluyan ni Artur. Ginagamot rin sya dito upang kahit papaano ay makalimutan nya ang pinakamalaking bangungot sa kanyang buhay dahil sobra pa sa sobra ang trauma na sinapit nito.








Ikaw ba naman makita mong wala nang mga mata ang iyong asawa ay magiging matino ka pa ba.





Binuksan nya ang nakasaradong puting pintuan. Bumungad sa akin ang tahimik at tulalang si Artur.






"Trenta minutos lamang ho ang kailangan nyong itagal dito." Pagpapaalala ng nurse. Tumango ako sa kanya.







"Sige, salamat." Tugon ko bago sya umalis sa aking harapan. Sinenyasan ako ni Mang Karding na pumasok na ako sa loob ng silid. Huminga muna ako ng malalim bago sinunod ito. Isinarado kong muli ang pintuan habang si Mang Karding ay nag aantay sa labas.





"Artur..." Panimula ko bago ako umupo sa isang silya malapit sa kanyang kama. Wala pa rin itong imik at nanatiling tahimik na nakatingin sa pader. "Artur..." Pag ulit kong sambit sa kanyang pangalan.








Wala syang ibang isinagot kundi ang nakakarindi nitong pagkiskisan ng kanyang mga ngipin.







"Artur, ano ba! Hindi ka baliw naiintindihan mo? Alam kong naririnig mo ako!" Huminga ako ng malalim bago halos masabunutan ko na ang aking sarili dahil sa inis.








Tumayo ako at naglakad palapit sa sulok kung saan sya nakaupo. Hinawakan ko sya sa magkabilang balikat nya.






"Pare, tumingin ka sakin. Kailangan mong maging matino! Mag-salita ka, ano ba!" Kulang nalang ay suntukin ko sya ngayon mismo dahil sa pang gigigil. "Pare, gumising ka. May anak ka pa. Andyan pa si Arianne, tsaka papano mabibigyang hustisya ang pagkamatay ng asawa mo kung hindi ka magsasalita? Ikaw ang tanging nakakaalam ng mga pangyayari. Kaya Artur, parang awa mo na. Kung hindi mo masabi sa mga pulis, sa akin mo mismo sabihin. Gusto kitang matulungan, pare."









Tila nanlambot ako habang nakaluhod sa kanyang harapan. Halos gusto kong maiyak dahil sa halo halong emosyong aking nararamdaman.








Bakit nga ba ako andito?









Wala nang iba pang dahilan kundi ang tanungin sya kung sino ang pumatay sa kanyang asawa. Malakas ang kutob ko na nakita nya ang suspek.






Gusto ko ring makumpirma kung may kinalaman ang anak ko sa nangyaring ito sa kanyang asawa.







Matapos kong makitang kinakain ni Lilith ang kaawa awang walang malay at walang mga matang si Yaya Merly, hindi malabong ito din ang may gawa nun sa kanyang asawa.








At pag nalaman kong ganon, hindi ko na alam ang mangyayari.






"L..L-Le... o.."





Tila isa syang bata na nagsisimula palang matutong magsalita. Muli ko syang tinignan at sa pinaka unang pagkakataon ngayon ay nagtama na ang aming mga mata.






"Oo, Artur.. Ako nga ito.. Si Leo." Habang tinititigan ko sya sa kanyang mga mata ay wala akong ibang nakita kundi... takot.









"I..I-Iisa.. isa..hin.."







Napakunot ako ng aking noo dahil hindi ko sya lubos maunawaan.






"Ano?"








"N..Nya... tay... tayo.."







Inikot ikot nya ang isang daliri nya sa hangin na parang sumesenyas tulad ng sinabi nyang 'tayo'.








"Artur, a-ano bang sinasabi mo? Sino ba ang tinutukoy mo?" Tila gulong gulo ako sa mga nangyayari.







Napalayo ako ng konti sa kanya nang bigla nya akong nginitian ng pagkalapad lapad. Rinig na rinig ko ang mahinang pagtama ng kanyang mga ngipin.







Nakangiti sya ngunit ang mga mata nya ay punong puno ng takot at sakit.









Hindi rin nakaligtas sa akin ang mga luha nyang unti unting namuo sa kanyang mga mata.








"I.. I-Ikaw..." Tinuro nya ako sa aking dibdib.  Bago nya bahagyang itinaas ang kanyang kanang kamay at itinuro ang isang daliri nya.







Ang palasing-singan.








Ano ang ibig nyang sabihin?








"P-Patay... I-Ikaw... Alis... Tayo... D-Dito... Lahat..."







"Artu----"






"Sir, maaari na po kayong lumabas." Hindi ko na natuloy ang nais kong sabihin nang biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun ang nurse na naghatid din sakin dito kani-kanina lang.








Ang bilis ng oras.. Hindi ko akalaing trenta minutos na kaming nag uusap ni Artur.









Huminga ako ng malalim bago ko muling saglit na tinignan si Artur na muling nakatulala nanaman sa kawalan.







"Artur, babalikan kita."






Yun lamang ang sinabi ko bago ako sumunod na sa nurse.






"Ano? May nalaman ka ba?" Bungad na tanong sa akin ni Mang Karding. Huminga ako ng malalim bago umiling bilang sagot. Naglakad na paalis ang nurse at sinundan na rin naman nya ito agad.







Habang ako naman ay saglit na muling tinignan si Artur mula sa salamin na bintana ng silid nya. Napansin nya sigurong tinitignan ko sya kung kaya't dahan dahan itong lumingon sa akin habang sya ay nananatiling nakaupo pa din sa sulok.










Napakunot ang aking noo nang makita kong parang may kung ano syang sinasabi.








Hindi ko ito lubos maunawaan basta ang alam ko lang ay bumibilog ang hugis ng kanyang labi sa tuwing binabanggit nya ang unang letra ng kung anomang salitang sinasabi nya.

LILITH✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon